Chapter 4 : Integrated A.I.

1.7K 145 87
                                    

CHAPTER 4

NIANA'S POV






IT APPEARS that I should walk and see through the end of this tunnel to reach the year where I came from—twenty eighteen. It's possible that only then, tsaka lang matatapos ang vision na 'to, which until now, is confusing me.

Ang tanong ay kung may hangganan ba ang lagusan na 'to.

Nagsimula na ulit ako maglakad. Naglakad lang ako nang naglakad kahit pakiramdam ko patuloy pa rin sa paglayo ang liwanag na nanggagaling sa dulo ng tunnel. Mabuti na lang talaga at may liwanag pa kahit papaano sa lagusan, sapat na para makita ko ang nilalakaran ko.

Napahinto ako nang may lumitaw na malaking bintana na may makapal na salamin sa kanan ng tunnel. Sa sobrang laki nito, akala ko nasa ocean park ako at nakatingin sa malaking aquarium ngayon.

May mga letra't numero ulit na isa-isang lumitaw sa taas ng salamin. Hindi tulad sa dalawang pader na nakita ko kanina, hindi naka-carve ang mga salita na nabuo rito. This one looks like floating, shining letters, tempting me to read it aloud.

"October 2017,"pagbasa ko rito. Agad namang naglaho 'yon matapos kong basahin.

Unti-unting nagliwanag ang bintana kaya saglit akong napatakip sa mga mata ko hanggang sa saglit pa ay nawala na ang ilaw. Nakita ko sa bintana ang kumpulan ng mga tao. Marami ulit reporters na nagsisiksikan makapunta lang sa harapan. Tila walang paki ang mga ito kahit gamitin na nila ang mga katawan nila para salagin ang kapwa nila mamamahayag. Gayunpaman, hinaharangan pa rin sila ng mga security guard at iba pang personnel para makontrol sila.

As much as I am confused kung paano nagkaro'n ng bintana rito sa lagusan, this isn't the first strange thing to appear in this tunnel simula nang pumasok ako rito.

And to realized that my assumption that as I move forward to this tunnel, umaangat din ang taon na napupuntahan ko, I am intrigued kung bakit ngayon ko lang nagawa ito gamit ang sixth sense ko.

Sa harap ng mga nagkukumpulang reporters, may iilang tao na kasama si Sophia. Most of them ay hindi ko mamukhaan but I am certain na si Dave ang katabi ngayon ni Sophia.

"We would like to give this to Sophia, as the mark that starting from now, she's a Saudi Arabian citizen," saad ng isang lalaki na may hawak ng mic. Matangkad ito at balbas sarado. Pormal ang soot at nakangiti. Meron din siyang hawak na frame. Hindi ko lang mabasa kung anong nakasulat sa loob ng frame pero mukhang certificate?

Nagpalakpakan ang mga tao pwera sa mga reporter na humihiling na makapanayam ang mga nasa likod ni Sophia at si Sophia rin mismo na ngayon ay nakikipagkamay sa nag-abot sa kaniya ng frame, which I assume ay naglalaman ng proof of her citizenship.

"Sophia is the first A.I. to receive a citizenship of any country," anunsyo ng emcee.

"Thank you," bigkas ni Sophia habang ngumingiti.

Dahan-dahang naging distorted ang lahat ng nasa bintana. Nawala ang mga reporter. Nawala ang ingay na nagmumula sa kumpulan ng mga tao. Biglang naging madilim sa likod ng bintana.

Nagulat ako nang biglang may lumapat na papel sa bintana. Noong una ay isa lang ito hanggang sa dumami nang dumami. Parang papel na hinangin at dumikit sa bintana. Iba-iba ang porma at sizes ng mga ito. Hanggang sa na-realize ko na hindi lang basta papel ang mga ito. Lahat 'yon ay pahina mula sa mga pahayagan at dyaryo.

Iba-iba ang mga lengguwahe, marahil pahayagan ito mula sa buong mundo.

Halos lahat ng headlines at balita ay tungkol kay Sophia. Puro pahayag ang mga ito tungkol sa kaniya. Sa mga naganap na public appearance niya, development sa facial expressions niya, sa voice recognition, at kung anu-ano pa na nakasentro sa kaniya.

Precognition (Published by PaperInk Publishing House)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon