Chapter 16 : Music Room

879 79 2
                                    

CHAPTER 16

NIANA'S POV






THE AMBIANCE of the room as well as the lecture is so intimidating for me.

Hindi ko alam kung kakayanin kong pang tumagal dito. Actually, hindi ko nga alam kung paano ako tumagal dito.

I saw some of my classmates na bored na sa topic even though most of them appeared to be interested sa simula ng klase ni Sir Jim. Ang iba naman ay go na go pa rin sa pakikinig kahit na akala nila'y joke lang ang mga sinasabi ni Sir Jim—bagay na siguro'y iisipin ko rin kung wala akong sixth sense.

Balisa na ako kaya naman hindi ko na nakayanan pa at kinalabit ko na si Midori na nagdo-doodle na lang sa likod ng kaniyang notebook. Akala ko pa naman seryoso siya na nakikinig kay Sir Jim, pero mukhang pati siya wala na ring ganang makinig kahit wala pang isang oras na nagtuturo si Sir Jim.

"Pst!" pagtawag ko kay Midori.

"Oh?" aniya habang nagpapatuloy sa pagdo-drawing.

"Samahan mo ako sa comfort room. Baka mabaliw na ako kapag nagtagal pa ako rito hanggang sa susunod na topic," saad ko. Pabalik-balik ang tingin ko sa kaniya at kay Sir Jim na paulit-ulit nililipat ang pahina ng hawak niyang libro. Marahil hinahanap kung nasaan ang susunod niyang ituturo.

"Ha—sure ka? Hindi mo na tatapusin 'yong klase? Teka. Sir!" Tinaas agad ni Midori ang kamay niya kaya napunta ang lahat ng mga mata at atensyon kay Midori. Napatingin din sa kaniya si Sir Jim.

"Yes?"

"Pwede po ba mag-CR? Sasamahan ko lang po si Niana. You know, girl thing," pagsisinungaling ni Midori. Naramdaman ko na tumingin sa gawi ko si Sir Jim at ang ilan sa mga kaklase ko. Ngumiti naman si Midori at nanatiling naghihintay sa tugon ng guro.

"Sure, go on. That must be why she's been uncomfortable even during the start of the class," sagot ng propesor. Nakahinga ako nang maluwag nang payagan niya kaming lumabas ni Midori.

Tumayo na kami ni Midori mula sa pagkakaupo at dire-diretsong tinungo ang daan papunta sa comfort room. Hindi ko na nilingon pa ang classroom namin at tinuon lang ang mga mata ko sa harapan.

Medyo nakakailang lamang dahil maraming tao sa hallway at study area ng paaralan. Ang iba sa kanila ay mga guro na nagmamadali sa paglalakad at ang iba naman ay ang mga estudyanteng nasa vacant time nila at nagbubulungan sa tabi ng kanilang mga locker. Seryoso ang lahat na para bang may importanteng pinaguusapan.

I have this feeling na may mali pero ayokong isipin na meron nga.

"Anong meron?" bigla kong tanong sa sarili.

Midori hissed. "Transferee ka ba rito sis? Alam mo naman ang Cessation High, palaging full of excitements and chismis, ano pa nga bang meron? Edi malamang hindi ko alam, ang alam ko lang kailangan mo nang pumunta sa comfort room. Or kung sa comfort room nga ba talaga ang punta mo?" Makahulugang tumingin sa akin si Midori sa mga mata. 'Yong tingin niya parang pinagdududahan ako.

She's trying to hear my thoughts again.

"Syempre hindi ako sa comfort room magpapalipas ng oras. Syempre alam mo na, doon sa . . ." saad ako, ginawa ko pang bitin dahil alam kong alam na niya ang kasunod.

"Well in that case, ihahatid lang kita sa music room at babalik na rin ako sa klase," pabulong niyang sabi bago nginitian ang mga guro at estudyante na dumadaan sa gilid namin.

Nagpatuloy kami sa paglalakad. Lumiko kami sa isang pasilyo bago ang comfort room. Dumiretso kami sa music room ng paaralan at nang tuluyang makarating sa tapat nito, dahan-dahan kong pinihit ang doorknob para buksan ang pintuan at alamin kung may tao ba sa loob.

Laking tuwa ko naman nang makita na walang tao.

"Oh siya, mauna na ako. Babalik na ako sa klase ni Sir Jim. Exam na next week, baka bumagsak tayo pareho kapag walang isa sa atin ang um-attend. At dahil bida-bida ang sixth sense mo ngayong araw, ako na lang muna ang makikinig sa klase. Nakakahiya naman sa sixth sense mo," masungit na sabi ni Midori nang umakyat ako sa stage ng music room.

Tumango na lamang ako bago sinabing, "thank you sa paghatid sa akin. Ikaw na bahala magsabi kay Sir Jim kung bakit wala pa ako. Sabihin mo bumulwak ng dugo sa comfort room," seryoso kong sabi habang hinahanap ang paborito kong instrumento sa stage.

"Gaga! Bunganga mo talaga!" aniya bago siya tumawa. Lumabas na rin siya sa silid at naglakad na pabalik sa classroom.

Saglit kong iginala ang mata ko habang patuloy na may hinahanap. Hanggang sa makita ko ang gitara na palagi kong ginagamit sa tuwing pupunta ako rito sa music room. Nakatago ito sa ilalim ng stage at ngayon ko lang din naalala na rito ko pala ito nilagay no'ng huli akong magpunta rito para masigurong ako lang ang makakagamit nito—kahit school property ang gitara.

Umupo ako sa stage at nag-indian seat. Hindi ko alintana kahit ako lang mag-isa sa loob ng malawak na silid. Pabor pa ito para sa akin dahil walang makakakita sa akin. Kailangan ko lang naman magpalipas ng oras hanggang matapos ang oras ng klase ni Sir Jim. Until then, mapapanatag na ang loob ko. Hopefully.

Nagsimula na akong mag-strum ng strings ng gitara. Sinabayan ko rin ito ng mahinang pagkanta.

"Bro! Nandyan ka na pa . . . la?"

Napahinto ako sa pagtugtog ng gitara nang bumukas ang pintuan ng silid. Bigla akong napatayo kaya saglit akong nawalan ng balanse. Pero kahit muntik na matumba, nagmadali pa rin akong kumilos. Ibinaba ko agad ang gitara at tumakbo papunta sa kinaroroonan ng lalaki—sa pintuan. Nakayuko akong dumaan doon at lumabas nang hindi tumitingin sa mukha o sa mata ng lalaki.

As much as possible, I want to avoid seeing futures of people right now. Sobra-sobra na ang mga nakita ko sa lecture ni Sir Jim. Mababaliw na ako kapag nadagdagan pa.

Nakalayo na ako ng music room pero bigla akong napahinto nang tawagin ako ng estrangherong lakaki.

"Wait! Niana right?"

Hindi ko alam kung paano at kailan niya nalaman ang pangalan ko. Ang alam ko lang kahit hindi ko pa nakikita ang mukha niya, hindi ko siya kilala.

Magpapatuloy na sana ako sa paglalakad nang mapahinto ako muli dahil sa pagsasalita niya.

"Sorry kung naabala kita sa ginagawa mo, huwag ka magalala hindi naman kita guguluhin. You can go back if you wan—"

"Ayos lang. Mauna na ako," saad ko bago naglakad muli. Hindi ko alam kung saan talaga ako pupunta pero kahit saan huwag lang sa room namin.

Habang binabagtas ang kahabaan ng corridor, napadaan ako sa isang malaking bulletin board ng Cessation High.

Dito nila nilalagay ang lahat ng information about sa mga school event, balita at new issues ng opisyal na pahayagan ng unibersidad, at iba pa. Bigla na lang akong napatingin dito at hindi ko napigilan na basahin ang ilan sa mga announcement.

I take my time and read everything on it.

Inaaksaya ko ang oras ko sa pagbabasa ng mga anunsyo na alam kong wala naman akong interes.

Pero kahit maraming announcement na naka-pin sa bulletin board, hindi pa rin ito sapat para maubos ang oras na intentionally kong pinapalagpas.

Should I stay in the library?

Precognition (Published by PaperInk Publishing House)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon