Chapter 12 : Infected

1K 77 14
                                    

CHAPTER 12

NIANA'S POV






HINDI PA man kami nakaka-recover mula sa lalaking bumagsak sa harapan namin, may isa pang katawan na muling bumagsak. Sa pagkakataong ito, sa likod naman namin siya bumagsak at hindi siya normal—isa siyang infected!

"Takbo!" sabi ni Kean bago namin binilisan ang pagtakbo.

Hindi ko rin alam kung bakit pati ako ay tumatakbo gayong hindi naman ako mamamatay kung sakaling mahabol ako ng infected. Siguro dahil kailangan kong sundan si Rhianne kaya tumatakbo rin ako kasama nilang dalawa.

Nang makapasok si Kean at Rhianne sa front door ng gusali na pakay nila, agad nilang sinarado ang pintuan. Hingal na hingal silang napahawak sa parehong tuhod nila nang masigurong hindi sila nasundan ng infected na humahabol sa kanila.

Agad na pinagmasdan ni Kean ang pinasukan nilang gusali samantalang hinahabol pa rin ni Rhianne ang hininga niya.

Apartment ang pinasukan nilang building. Sa pagkakaalam ko may over twenty floors ang gusali na ito. Sikat ang building na 'to sa mga estudyante ng Cessation High dahil ilan sa mga mag-aaral ng university namin ay dito nakatira at madalas tumatambay.

Pero hindi gaya ng normal na itsura nito, gulo-gulo ang lahat ng gamit. May basag pa na mga pigurin at vase na nakakalat sa sahig. Kung dati puting-puti ang tiles nito, ngayon sobrang dumi na. Metikuloso ang may-ari ng apartment na ito kaya palaging malinis ang apartment na 'to. Marahil lumisan na ang may-ari ng apartment o kaya'y infected na rin.

Sa isang sulok may nakitang tubo si Kean. Kinuha niya 'yon ay hinawakang mabuti.

Tumingin-tingin sila sa paligid at nakiramdam.

May mga upuan na nagbagsakan. Ang mini chandelier bumagsak na sa sahig. Tanging ilaw mula sa bumbilya na lang ang nagbibigay liwanag sa daan namin. Iisang light bulb na lang ito sa area.

Umayos na nang tayo si Rhianne at sumunod kay Kean. Sabay silang naglalakad ngayon. Marahan at maingat para hindi makagawa ng anumang ingay kung sakali mang may infected din sa loob ng gusali. Pinapakiramdaman nilang mabuti ang paligid.

"Sigurado ka ba talaga na kailangan pa nating sundan 'yong matandang babae?" bulong ni Kean habang kanan at kaliwa ang tingin. Mahigpit din ang kapit niya kay Rhianne habang patuloy sila sa dahan-dahang paghakbang. Nakahanda ang tubo ni Kean sa kanang kamay niya habang nakahawak naman ang kaliwa sa pupulsuhan ni Rhianne.

"Hindi mo ba nakita ang ginawa niya? Hindi naman siya na-infect 'di ba? Nakita mo 'yon. Paniguradong may alam siya, Kean. At kailangan din nating malaman kung anong alam niya," pabulong din na saad ni Rhianne. "Tsaka nandito na rin tayo."

Naglakad pa sila sa isang pasilyo. Sa umpisa, maliwanag pa. Pero nang lumaon, habang palayo nang palayo, dumilim na ang lugar at halos mangapa na lang ulit sila dahil wala na silang makita. Hindi na nakabukas ang ilaw sa bandang 'to.

Ako ang kinakabahan para sa kanilang dalawa.

Napahigpit ang hawak ni Kean kay Rhianne. Kahit madilim, nakita ko ang pagkagat ni Rhianne sa ibabang labi niya. Pinipilit niyang pakalmahin ang sarili niya.

"Fuck—!"

Mula sa dilim, may dalawang brasong sumulpot at biglang sumakal kay Kean. May lumitaw din na dalawang pares ng namumulang mata at kahit madilim, kitang-kita ko at ni Rhianne kung paano mahirapan si Kean dahil sa pagkakahawak sa leeg niya ng infected na bigla na lang sumulpot sa hallway. Malakas ito at kahit sipain ni Kean palayo ay hindi niya magawang mapuruhan.

Nabitiwan ni Kean ang hawak niyang tubo kaya kahit na natatakot, pinulot 'yon ni Rhianne at sinubukang hampasin ang infected na sumasakal kay Kean.

"'Wag kang titingin Kean! Gayahin mo 'yong matandang babae. Umiwas ka ng tingin! Ipikit mo ang mga mata mo!" naiiyak na paalala ni Rhianne sa kasama niya habang ilang beses niya pang hinahampas ng tubo ang infected kahit parang hindi man lang ito nasasaktan.

Ilang segundo pa, tumakbo palayo ang infected at binitawan na ni si Kean.

Agad na lumapit si Rhianne at ibinaba ang tubo na hawak niya para alalayan si Kean.

"K-Kean? A-Ayos ka lang?"

Hindi sumagot ang lalaki.

"Kean—"

"KRAAA!"

Napatili ako sa isipan ko nang biglang tumalon si Kean kay Rhianne. Dinaganan siya nito kaya limitado ang hangin na nakukuha ng babae. Gusto ko man siyang tulungan ay hindi ko magawa dahil hamak na multo lang ako.

"Bitiwan mo 'ko!" sigaw ni Rhianne habang sinusubukan niyang abutin ang tubo gamit ang kamay niya. Iniiwas din niya ang tingin niya kay Kean.

Bigong makuha ni Rhianne ang tubo at sa halip, si Kean ang nakakuha nito.

Ihahampas na sana ni Kean kay Rhianne ang tubo nang may dalawang tao na biglang lumitaw at pinigilan siya. Parehong nakaputi ang dalawang bagong dating at siguradong hindi infected ang mga ito.

Kinadena nila si Kean. May isa pang lalaking nakaputi na dumating ang siya namang umalalay naman kay Rhianne.

"Ligtas ka na, miss. Sumama ka sa amin," sabi ng lalaking umalalay kay Rhianne sa pagtayo.

"Paano kayong napunta rito sa loob ng apartment?" tanong ni Rhianne nang bumalik siya sa wisyo. Nanatili ang mga mata niya kay Kean na hatak-hatak ng dalawang lalaki na nauuna sa kanilang maglakad. May dala silang flashlight kaya may ilaw ang dinadaanan nila.

"Hindi lang kami ang narito. Sa bawat silid ng apartment na ito, may mga survivor. Mabilis na kumalat ang epidemya sa buong area kaya ginawa naming safe ground ang apartment na ito para magawa ang gamot," sagot ng isa sa mga lalaki.

"Gamot?" paninigurado ni Rhianne pero hindi na sumagot pa ang lalaki.

Tahimik nilang binagtas ang hallway pwera sa ingay na nililikha ni Kean sa tuwing nagpupumiglas ito.

Maging ako ay curious sa kung anong meron sa lugar na 'to. Kung anong ginagawa ng rescue team dito at kung totoo ngang naghahanap sila ng gamot para sa sakit na 'to. Kung sakali mang magawa nila ang gamot para sa sakit na 'to, mas mababa ang tsansa na ito ang magiging dahilan ng pagkagunaw ng mundo gaya ng nasa lesson ni Sir Jim.

Maya-maya pa ay huminto sila sa tapat ng isang pintuan. Nasa dulo ito ng mahabang hallway na dinaanan nila kanina. Mas malaki ang loob ng apartment kumpara sa itsura nito sa labas kaya ilang minuto rin silan

Bumukas ang pintuan at niluwa no'n ang isang babae.

Precognition (Published by PaperInk Publishing House)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon