Chapter 8 : Another Vision

1.3K 125 21
                                    

CHAPTER 8

NIANA'S POV






"BAKIT HINDI po ako kasama?"

After series of distorted images, may narinig akong boses ng batang babae. Nang maging maayos na ang mga nakikita ko, hindi ko na naman alam kung nasaan na ako. Ang alam ko lang, nasa loob ako ng isang hindi pamilyar na bahay at wala na ulit ako sa klase ko.

Masiyadong malawak ang lugar at sa tingin ko nasa isang kwarto ako dahil sa kamang nakikita ko. Sa tabi nito, may lampshade, at katabi ko ito.

Napatingin ako sa kinatatayuan ko. Gawa ito sa makintab na uri ng kahoy. Dahil sa ginawa ko, nakita kong muli ang school shoes ko. Nakakasiguro akong hanggang ngayon, naka-uniform pa rin ako. Pero hindi ko pa rin alam kung nasaan ako, at kung ano na namang ginagawa ko sa ibang lugar.

"Aalis lang naman kami saglit anak, uuwi rin naman ulit kami ni daddy mo. Hindi ka namin pwedeng isama sa ngayon." This time, boses naman ng mas matured at matandang babae ang narinig ko.

'Di kalayuan mula sa akin, tsaka ko lang napansin na may tatlong babae. Naglakad ako papalapit sa kanila hanggang sa makarating ako sa may pintuan ng kwarto.

'Yong tatlong babae marahil ay 'yong batang nagsalita kanina, 'yung babae na mukhang nanay nito, at may isa pang matandang babae. Nakaluhod 'yong nanay sa sahig para maging pantay ang tangkad nila ng anak niya. Base sa itsura ng nanay, nasa mid-30's siya. 'Yong matanda naman na kasama nila, mukhang nasa late 60's na dahil sa puti nitong buhok at kulubot na balat.

"Bakit hindi po?" tanong ng bata.

Imbis na sumagot ang nanay niya, yumakap ito sa kaniya. Umiyak lang 'yong batang babae at hindi sinusuklian ang yakap ng nanay niya. Hindi ko alam kung dahil ba nagtatampo siya sa nanay niya, o dahil sa hawak niyang stuffed toy na kalahati ng laki niya. Mukha rin siyang dismayado.

"M-mommy b-bakit niyo po a-ako iiwan?" ani ng bata sa bawat paghikbi niya.

"Babalik din kami agad ng Daddy mo. Iiwan ka na muna namin sa Lola mo. Pagbalik namin, may dala kaming maraming-maraming chocolates tsaka bagong laruan. Kaya 'wag ka nang umiyak," sabi ng mama ng bata para kumbinsihin ang anak pagkahiwalay nito sa pagkakayakap nila. Inayos pa nito ang nagulong buhok ng bata.

Tumayo na ang mama ng bata at hinawakan ang maletang dala niya sa kanan niyang kamay. Ang kaliwang kamay naman niya nakahawak sa kamay ng anak niya.

Umiiyak pa rin ang bata nang maglakad sila patungo sa akin.

Hindi pala.

Naglakad sila patungo sa pintuang nasa likuran ko. At gaya ng inaasahan ko, tumagos lamang sila sa akin.

Another vision?

Sinundan ko na lang sila hanggang sa makalabas sila sa malaking bahay.

Kung vision nga ulit ito, malamang tungkol na naman 'to sa tinuturo ni sir Jim. Kung hindi naman tungkol doon, kaninong future kaya 'to? Sa kaklase kong nagtanong? O kay Midori na katabi ko sa klase kanina bago ako napunta rito—pero hindi maaari dahil kung sa kaniya nga ito, malalaman ko agad base sa lugar at mga karakter na nandito.

May humintong kotse sa harapan mismo ng malaking bahay kung saan kami nakatayo.

"Ma, cereal ang paboritong agahan niya. 'Wag mong kakalimutang paliguan siya bago matulog. 'Wag mo sanang i-spoil ang apo niyo. No chocolates at night, no to sweets please," bilin ng nanay ng bata. Kung gano'n, mama pala niya ang matanda at lola ito ng batang babae.

Precognition (Published by PaperInk Publishing House)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon