Chapter 5 : She Who Can See the Seer

1.5K 133 22
                                    

CHAPTER 5

NIANA'S POV






"AFTER YEARS of developing A.I., we finally did it!" masiglang sambit ni Dave. Nakataas sa ere ang parehong kamay niya dahil sa sobrang tuwa. Meron pa siyang hawak na tool. Nakita kong ginamit niya 'yong hawak niya para sikipan ang pagkakasara ng main switch cabinet ni Sophia. Which is located sa metal part ng ulo nito.

Kung may hindi nagbago kay Sophia throughout the years, 'yon ay ang metal na nasa ulo niya. Gano'n pa rin 'yon at mukhang wala na silang balak pang tanggalin o baguhin man lang.

Masayang-masaya si Dave at bakas ito sa mukha niya. Pati 'yong mga kasama niya sa loob ng laboratory hindi mapigilang maghiyawan at magyakapan. Sino bang hindi matutuwa kapag nakumpleto mo na ang proyektong pinaglaanan mo nang ilang taon makumpleto at matapos mo lang.

"So Dave, what are we going to do next?" tanong ng isa sa mga kasama ni Dave na may katandaan na. Naka-lab gown din ito at may makapal na bilog na salamin.

Napahawak si Dave sa kaniyang baba na parang nagiisip. Hanggang sa ngumiti ito.

"Sophia is complete but not yet perfect. We're aiming for perfection," ani Dave.

"What do you mean? What more we could possibly do to her," tanong naman ng babaeng scientist na nakita ko kanina na nagmamadali papasok sa silid na 'to.. Kumpara sa lalaki kanina na may salamin, mas bata ito siguro nang ilang taon. Kulot ang brown nitong buhok, at mahahaba ang pilik mata niya. Bakas sa postura niya ang talino at credentials niya.

"We're going to make sure that Sophia will live like a human. Everyone shouldn't see her as a robot. Now, we'll go on a trip. She needs to know all the places in the country, or on the Earth. She needs to see it by herself, and go along with human's daily routines. That way, she'll be perfect not only as a programmed robot, but as an experienced technology." Dave smiled as if it's the most brilliant idea he proposed in his life.

Napatingin ako kay Sophia. Nanatiling naka-shutdown ang system niya kaya bahagyang nakayuko ang ulo nito habang naka-upo sa isang higaan. Nakapikit din ang mga mata nito.

Napaisip tuloy ako kung regularly ba siya pinapalitan ng baterya o china-charge siya. Kung robot siya at gawa lang ng tao, for sure there's a means for her to be recharged. Hindi naman siguro siya na-develop na matulog gaya ng mga tao para mag-recharge 'di ba?

"Sooner or later, Sophia will be useful to humankind. I promise, she will," rinig kong bulong sa hangin ni Dave bago nagpatuloy sa pagliligpit ng mga gamit. Unti-unti na ring nawawala ang mga scientist na kasama niya sa loob ng silid.

After Dave's last words, everything went black.

I feel the sudden dizziness again pero hindi na ito masakit. Tingin ko babalik na ako sa room. Fudge, sana nga. Salamat naman kung gano'n. Masiyado na akong na-entertain sa development ni Sophia. Pero saang year kaya ako napunta? Anong year natapos si Sophia?

Sa gitna ng dilim, lumabas ang mga numero't letra na akala ko ay hindi ko na makikita. Mabilis sila't nagbabago-bago kaya hindi ko nababasa ang mga ito.

Umiikot sila sa ere, sobrang bilis at nakakasilaw ang ilaw na nagmumula sa mga ito. Parang hinahagis sila sa kung saan-saan. Ang mga letra at numero ay nagsimula sa one BCE hanggang sa pumasok na sa two thousand hanggang sa huminto ito sa twenty nineteen. I don't know kung para saan 'yon, ang alam ko lang, kinakabahan ako at mabilis ang kabog ng dibdib ko dahil hindi ko alam kung anong nangyari.

Precognition (Published by PaperInk Publishing House)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon