Chapter 27 : Frat War Incident

615 80 33
                                    

CHAPTER 27

NIANA'S POV






"AYOS KA na ba talaga anak?" tanong ni mama sa akin.

"Opo. Ayos na po talaga ako," sabi ko.

"Alalang-alala kami sa 'yo ng papa mo. Hindi nga lang siya makaalis sa trabaho ngayon dahil marami siyang kailangang gawin pero hahabol daw siya. Kaya ako na lang muna ang pumunta rito," saad ni mama. "Ano bang nangyari sa 'yo?" aniya pa habang inaayos ang buhok ko.

"Pagod lang po ako," tangi kong saad. Nakita ko sa likod ni mama si Midori. Nakikinig siya sa usapan namin pero tahimik lang siyang nakamasid. Base sa tingin niya, mukhang alam na niya kung bakit ako nandito sa ospital ngayon. Tingin ko may hinala na siya.

"'Yan na nga ba ang sinasabi ko sa 'yo. Puro ka school works. Sa school puro ka aral. Tapos kapag uuwi ka sa bahay, nag-aaral ka na naman. Ni hindi ka na yata nasisinagan ng araw. Magkaro'n ka naman ng oras para sa sarili mo," sermon ni mama sa akin.

"Ma, pwede po bang iwan mo muna kami ni Midori? May importante lang kaming pag-uusapan."

Lumingon lang si mama kay Midori bago ibalik sa akin ang tingin. "O siya, may bibilhin lang din muna ako sa labas. Magpahinga ka munang mabuti," aniya. Tumango naman ako bago siya tuluyang lumabas ng silid.

"Kumusta? Anong nararamdaman mo ngayon? Anong nangyari sa 'yo?" sunud-sunod na tanong ni Midori bago siya umupo sa upuan na nasa tabi lang mismo ng higaan ko.

"Alam kong alam mo na kung anong nangyari sa akin," sabi ko.

"May kinalaman ba 'to sa lecture ni Sir Jim?" tanong niya.

Tumango ako. "This time, mas malala. 'Yong economics? World war three? Hindi ko kinaya lahat ng mga nangyari sa vision ko na 'yon. Damang-dama ko 'yong kaba. Hindi ko ma-explain pero . . . parang nando'n talaga ako sa taon na 'yon," pagkukwento ko. "Kung nakita mo lang ang nakita ko, mababagabag talaga ang buong sistema mo. Nakikita mo kung gaano karahas ang taon na 'yon at wala kang ibang magawa dahil natatakot ka rin."

Sandali kaming binalot ng katahimikan bago siya nagsalita.

"Now I know."

"Ang alin?"

"Kung bakit ka biglang nawalan ng malay at kung bakit hindi ko marinig ang nasa isip mo," sagot niya. Her arms crossed. "Alam mo bang nakita na lang kita na pasan-pasan ng gwapong lalaki mula sa arts club office? Carson yata ang pangalan at alalang-alala siya sa 'yo habang tinatakbo ka namin sa clinic."

Doon ko lang naalala na si Carson nga pala ang huli kong kasama bago ako mapunta sa ikatlong vision ko.

"Kung dinala niyo ako sa clinic, bakit ako nandito sa ospital?" tangi kong tanong.

"Sabi ng nurse kailangan ka raw i-transfer dito dahil masiyado raw mataas ang lagnat mo."

Tumango na lamang ako.

Tumayo si Midori at binuksan ang maliit na LED TV sa loob ng silid. "Alam mo ba na ang weird ng mga teacher natin simula pa kanina? Kaya sinuspend nila ang afternoon classes dahil sa maya't maya nilang meetings," aniya bago bumalik at umupo sa kung saan siya nakaupo kanina.

Pinalipat-lipat niya ang channel gamit ang remote control na nakalapag sa lamesang nasa gilid lang din mismo ng higaan ko.

"Paano naman naging weird 'yon? Eh halos araw-araw naman talaga silang may meeting," sagot ko habang nakatingin sa TV.

Precognition (Published by PaperInk Publishing House)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon