Chapter 39 : Goodbye

709 59 4
                                    

CHAPTER 39

NIANA'S POV






"OKAY ULITIN ko lang para mas malinaw. So sinasabi mong nawala lahat ng estudyante rito sa loob ng library at ikaw lang ang natira?" kunot-noong tanong ni Midori sa akin.

Nasa loob pa rin kami ng silid-aklatan. Kasama ko na siya ngayon sa paghahanap ng librong kanina ko pa hinahanap. Naikwento ko rin sa kaniya 'yong nangyari sa 'kin kanina. P'wera sa salamin at sa nakita kong repleksyon dito.

"Oo," maikli kong tugon habang tulala sa dinadaanan namin. Naramdaman kong huminto si Midori sa paglalakad kaya huminto rin ako at lumingon sa kaniya. "Bakit ka huminto?" tanong ko. Nakamasid lang siya sa akin, nakatitig nang diretso sa mga mata ko na parang inaalam kung anong nasa isip ko. Dahil sa tingin niya, pakiramdam ko tuloy parang may ginawa akong masama.

"Napapansin ko lang, parang ang daming weird na bagay sa 'yo lately," aniya.

"Weird na bagay? Sa akin?" naguguluhan kong tanong sa kaniya.

"No'ng kailan lang, bigla ka na lang nawalan ng malay bago magsimula 'yong music fest. Ang sabi ng mga nakakita, may kausap ka raw na ikaw lang ang nakakakita," paliwanag ni Midori kaya mas kumunot ang noo ko.

"What do you mean?"

"Ewan ko. Pero ang sabi ng mga nakakita sa 'yo bago ka mawalan ng malay, para ka raw may kausap. I find it weird dahil hindi alam kong nasa katinuan ka naman no'ng araw na 'yon," sabi ni Midori kaya inalala ko 'yung mga oras bago ako magising sa ospital.

"Harang kasi sa daan."

Tama. Naaalala ko na. 'Yong babaeng nakabangga no'ng madre. Naaalala ko pa 'yong sinabi no'ng madre sa akin no'n.

"Salamat. Nawa'y isalba ka ng Diyos sa susunod niyang paglilinis sa ating mundo."

Hindi ko alam kung kikilabutan ba ako o ano dahil sa sinabi niyang 'yon. Ang mas iniisip ko ngayon ay kung ano ba talaga siya. Ang sabi sa akin ni Midori, may nakakita raw sa akin na may kausap ako kahit wala naman? Eh naaalala ko rin na bigla nalang nawala 'yong madre pagkatapos ko siyang makausap.

Hindi naman siguro siya multo 'di ba?

"Then no'ng nasa ospital ka, hindi ko alam kung bakit hindi na naman malinaw sa akin ang mga naririnig kong thoughts mo," sabi ni Midori bago kami sabay na naglakad ulit. Sa kaniya lang ako nakatingin, samantalang siya hinahanap pa rin 'yong librong hindi ko alam kung saan natabunan.

"Ibig sabihin sinubukan mong pakinggan ang nasa isip ko?" tanong ko sa kaniya.

Tumango siya. "Palagi ka kasing tulala no'n kaya gusto kong pakinggan lahat ng bagay na iniisip mo that time. Kaso wala akong narinig kundi matinis na ingay. Parang mabilis na frequency. Tinigilan ko rin 'yong pakikinig sa mga iniisip mo dahil masisira ang eardrums ko kung sakali," kaswal niyang saad bago siya huminto. Akala ko may sasabihin pa siya pero nang humarap siya sa akin, may libro na siyang hawak-hawak.

"'Yan na ba 'yon?" tanong ko sa kaniya. Nakangiti siyang tumango.

"Hindi ko alam kung ano talagang nangyayari sa 'yo, Niana. Pero gusto ko lang sabihin sa 'yo na pwede mong sabihin sa akin ang lahat ng bumabagabag sa 'yo. Malay mo matulungan kita," sabi ni Midori bago siya ngumiti sa akin.

Tanging pag-ngiti na lamang ang tinugon ko dahil hindi ko alam kung anong dapat kong isagot.

Hindi rin naman malinaw sa akin ang mga nangyari kanina at sa mga nakaraang araw. Maliban do'n sa salamin. Kaya gustuhin ko mang ilahad sa kaniya nang buo, tingin ko hindi pa ako handa at hindi ko rin maipapaliwanag nang lubusan.

Precognition (Published by PaperInk Publishing House)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon