Question and Answers

880 50 10
                                    

Frequently Asked Questions :

Q : Revised version po pala ito. Marami po bang nabago between sa dating Precognition kumpara sa Precognition ngayon?

A : Actually, hindi ko siya matawag na revised dahil sobrang katiting lang ang nagawa kong adjustments. Siguro edited. Walang gaanong nabago, pero mas hinugot ko 'yung mga events na dapat hugutin.

Q : Bakit po magkapareha 'yung tunnel sa first vision ni Niana at sa third vision niya?

A : Dahil gusto ko.

Q : May chance ba na mangyari lahat ng vision ni Niana sa totoong buhay?

A : Kung chance ang pagbabasehan, para sa akin oo. Pero walang nakaka-alam kung kailan.

Q : Bakit ang daming exposure ni Sophia, eh Asteroid naman ang possibility of the end sa first vision?

A : Can't you get it? Hindi malalaman ng mga tao sa taon na 'yon na may babagsak na asteroid sa Earth, kung wala si Sophia. Kaya marapat lamang na bigyan siya ng mas maraming exposure. Nang sa ganon, malaman ninyo (bilang readers) kung paano nalaman ng robot na may babagsak na asteroid. (And that's because of Sophia's innovation or integration, whatevs.)

Q : Bakit maraming exposure si Rhianne? Eh hindi naman siya ang unang naka-alam na may depressed zombies na.

A : Trip ko. Hindi niyo ba naisip na baka infected na 'yung unang naka-alam na may depressed zombies? Paano ko pa siya gagawan ng pov kung infected na siya? Haha. Rawr.

Q : May golden buddha po ba talaga sa West Philippine Sea?

A : I created the golden buddha under West Philippine Sea just for Precognition. That's pure fiction. Kaya no (or maybe? Arat sisid).

Q : Bakit po ang konti ng exposure ni Miniso kumpara kay Sophia at Rhianne?

A : Dahil nasabi na ni Miniso ang mga dapat malaman ni Niana sa kaniya.

Q : Ano pong nangyari sa Frat War Incident?

A : To be exact, 2018 nagsimula ang virus sa Suicidium. 'Yung virus na 'yon, apparently (hindi 'to sinabi sa kwento ng Precognition, pero ito talaga 'yung dahilan) ang nakuhang virus ni Alex ('yung pumatay sa mga estudyante sa frat war incident)

Q : Anong klaseng virus po ba 'yon?

A : Please read Suicidium.

Q : Bakit po kilala ni Aling Lanny si Niana, pero hindi po siya kilala ni Niana?

A : Naunang mapunta si Niana sa vision kung nasaan si aling Lanny, bago niya nakilala si aling Lanny sa taon niya. Hindi ba't after makita ni Niana 'yung third vision (kung nasaan si Aling Lanny), lumabas sila ng kwarto niya? Then may tumawag kay Midori, dahilan para mapag-isa si Niana. May tumabi sa kaniyang babae, which is si aling Lanny, na mas bata sa aling Lanny na nakita niya sa third vision? Try to connect the clues that aling Lanny from third vision gave. (Kung saan sila nagkakilala ni Niana, anong dahilan kung bakit nando'n si aling Lanny, at kung anong taon sila nagkakilala).

Q : Ano pong nangyari, bakit po nawala si Midori sa inuupuan niya no'ng araw ng Music Fest? Sino po ba talaga 'yung lalaki na nabangga ni Niana?

A : 'Yung lalaking nabangga ni Niana ay si Juo, bida sa istorya kong, Downpour. Kung nabasa niyo na iyon, malalaman ninyo ang ibig sabihin ng sinabi ni Niana sa kaniya na "you better watch out for water." Ang sagot naman sa tanong na kung bakit nawala si Midori sa upuan niya nang mabangga ni Niana si Juo ay dahil : Nagtime travel si Niana ng hindi niya nalalaman.

Remember this line from Chapter 36 : I was literally shocked, dahil maluwag ang daan. Hindi ko rin siya nakita na dadaan sa harapan ko. Walang tao sa nilalakaran ko kaya nakakapagtaka na bigla nalang siyang sumulpot sa harapan ko.

Clue : Nahilo si Niana bago bumangga kay Juo. A hint that she used her sixth sense.

Hindi sumulpot si Juo sa harap ni Niana, si Niana ang sumulpot sa harapan ni Juo. Ang totoo, hindi si Midori ang nawala sa upuan, at hindi rin si Juo ang naligaw ng taon. Si Niana ang nawala at naligaw.

Q : Ang weird naman no'ng nangyaring pagtitime travel ni Niana. Bakit hindi niya alam?

A : Ever since before, hindi na talaga alam ni Niana kung paano gagamitin ang sixth sense niya. Masiyadong maraming misteryo at kayang gawin ang kakayahan niya, na hanggang sa mamatay siya ay never niyang na-solve.

Q : Bakit po nag-glitch si Rhianne at Kean sa fourth vision?

A : According to Niana's theory, 'yon ay dahil may chance na nakaligtas sila Rhianne at Kean sa depressed zombies vision. Chance lang. Hindi totally nakaligtas sila. Walang nakaka-alam kung nakaligtas talaga sila.

Q : Bakit hindi naging fifth possibility ang The Big One at 'yung vision ni Niana do'n sa babaeng nabangga nila (Eunice).

A : Gaya ng napansin ni Niana, hindi talaga maituturing na possibility of the end ang The Big One dahil sa Pilipinas lang 'yon applicable. Sa Pilipinas lang mangyayari ang The Big One. 'Yung vision naman ni Niana kay Eunice, ay may bukod na istorya kaya't hindi napasama sa mga possibilities. Malalaman niyo kung bakit hindi siya naging isa sa posibilidad ng pagkaguho ng mundo, sa sariling istorya ni Eunice.

Q : Ang sabi po ni Niana, sinubukan na niyang tingnan ang future niya dati gamit ang salamin, pero hindi niya nakita. Kaya bakit po sa salamin sa library, nakita niyang may masamang mangyayari sa kaniya?

A : Honestly, I made Niana's sixth sense as pure fiction. Even me, don't really know what she and her sixth sense can do. Just think about this— Niana's sixth sense is a mystery.

Q : Bakit po namatay si Niana?

A : Kailangan.

Q : Bakit kailangan pong mamatay ni Niana?

A : Okay, I've been thinking this for a while, and I think may naka-isip na rin nito sa inyo. What if there's really someone who can predict the future? But he/she can't find a way kung paano niya ito masasabi sa iba? Isa pa, kahit masabi mo ito sa buong mundo, sinong maniniwala sa'yo? In Niana's situation, her fate stops her from spreading the information she has.

Q : Ano pong title ng story ni Eunice?

A : Suicidium

Q : Makikita pa po ba namin ang characters ng Precognition sa Suicidium?

A : Malabo pero hindi imposible. Ang taon kasi ng Precognition ay 2018. Ang Suicidium naman ay 2020. Kahit nag-meet ang landas ni Eunice at Niana sa 2018, malabong magkita pa sila sa 2020 dahil sa outbreak---ops, spoiler.

Q : May book 2 po ba?

A : Wala ng karugtong ang story ni Niana. Do'n na po talaga siya matatapos. Pero, may series #2 which is story naman na naka-focus kay Midori. Prequel siya. Meaning, nangyari muna ang series #2, bago ang series #1 (Precognition)

Q : Ano pong title ng story ni Midori?

A : Microseconds.

Q : Sino po si Mr. Do at Softy? Ano pong koneksyon nila kay Midori? Bakit apektadong-apektado si Midori sa kanila?

A : Microseconds will answer your questions about that.

Q : Bakit po namatay si Midori?

A : Because no one should know what will happen in the future. Look, Niana died kasi nalaman niya 'yung mga mangyayari sa hinaharap. Same for Midori. Remember the letter that Niana left? It looks like Midori found out what Niana knows.

Q : Ang sad naman po ng ending. Bakit gano'n?

A : Sorry, but I planned everything at kahit gusto ko mang mabuhay si Niana at Midori, hindi p'wede.

Q : Bakit ang pogi niyo po author.

A : Hindi na dapat tinatanong 'yan. Lol. Haha. Gawa-gawa ko lang 'yung tanong na 'yan. Wala kasing nagtatanong.

NOTE.COM : If ever may mga tanong pa kayo na hindi ko nasagot sa part na 'to, just comment down (or inline if trip niyo), sasagutin ko po. Again, thank you for reading my first ever scifi story. Godbless you all!

Precognition (Published by PaperInk Publishing House)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon