Chapter 9 : Too Much Bravery Will Kill You

1K 101 27
                                    

CHAPTER 9

NIANA'S POV






ANO KAYANG nangyayari?

Bakit ang daming nagtatakbuhang mga estudyante? Ang gulo't iingay nila. Bakas sa kanila ang takot kaya imposibleng mababaw lang ang dahilan sa likod ng pagtakbo nila. Idagdag mo pa na pati school faculty and personnel ay kasama nilang tumatakbo palayo sa kung saan man.

May riot kaya?

Baka bomb threat?

Wala akong nagawa kundi sundan si Rhianne nang hatakin siya ng lalaki. Alam ko naman na walang mangyayaring masama sa akin dahil walang nakakakita sa akin at tumatagos lang ako sa mga bagay. Pero nakakakaba talaga kapag ikaw na mismo ang nakatayo sa kumpulan ng mga taong tumatakbo.

Nakaka-tense.

Napunta kami sa isang kulob na lugar. Matatayog ang mga pader, at malawak ang space. Ito ang gymnasium ng school namin. Hindi ako p'wedeng magkamali.

Nagbago ang kulay ng pader, pero gano'n pa rin ang porma nito. May mga bleachers pa rin sa gilid. Parang mga hagdan na pataas. Madulas din ang sahig kaya ang ilan sa mga nagtatakbuhan, nadudulas. 'Yong iba nadadapa sa mga nadudulas kaya nagkadamay-damay na.

May mga taong mabilis na nakakatayo matapos madulas at madapa, pero may ilan din namang nadaganan na ng iba dahil hindi agad nakakatayo.

Mas lalo tuloy akong na-curious sa kung anong nangyayari. Bakit ba nagpapanic ang lahat?

Agad sinarado ang gate ng gym ng mga lalaking huling pumasok. Ni-lock nila ito sa tulong ni Manong Josef, ang janitor ng university namin. Siya kasi ang may hawak ng lahat ng susi sa university at kasama na ro'n ang susi sa gym.

Kung nasa future ako, ibig sabihin dito pa rin nagtatrabaho si Manong Josef. Kahit may katandaan na, masipag pa rin talaga siya.

Nang ma-lock nila ang gate, agad silang umurong. Nagsisiksikan kaming lahat sa dulo ng gymnasium at iwas na iwas ang lahat sa gate.

"Papatayin nila tayo!"

"Kailangan na nating maka-alis dito!"

"Shit! I think we're gonna die here, right now!"

Tulad ko, wala ring alam si Rhianne kaya tumitingin siya sa kasama niya, tila naghihintay siya ng paliwanag kung bakit ganito ang inaakto ng lahat. Kung bakit siya nito hinatak papunta sa gym, at kung anong nangyayari.

"Kean," pagtawag ni Rhianne sa lalaking nakahawak pa rin sa braso niya. "'Y-yong kamay mo," aniya kaya napatingin si Kean sa braso ni Rhianne, kung saan siya nakahawak.

"A-ah. So-sorry." Kumamot sa ulo ang lalaki bago binitawan ang braso ni Rhianne.

"A-ano bang meron?" tanong ni Rhianne. "May dry run ba? Earthquake drill? Anong nangyayari? Bakit ang gulo?" sunud-sunod pa niyang tanong.

Kean shook his head. "I don't know. Hindi ko alam ang eksaktong nangyayari. Basta bigla nalang silang naging gano'n," mahinang sabi ni Kean habang nakatingin sa entrance ng gym na ngayon dinudumog ng mga tao mula sa labas.

Maraming gusto pang pumasok sa gym pero hindi na nakapasok pa dahil nga sa lock. Kahit hindi ko alam ang nangyayari, I still pity them. Pakiramdam ko, delikado sa labas ng gym kaya gusto nilang pumasok dito.

"Can you be straight to the point? Sinong sila? Sinong sila ang naging gano'n?" kunot-noong tanong ni Rhianne.

"Ang mga—"

Precognition (Published by PaperInk Publishing House)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon