Chapter 15 : Escape

965 79 20
                                    

CHAPTER 15

NIANA'S POV






"IF IT'S NOT the end, surely there's still something out there that is worse than that."

Mula sa pagiging distorted ng mga larawan sa harapan ko, mula sa blurry na mukha ni Rhianne at ng mga taong hinahabol niya, naging malabong whiteboard at mga estudyante ang nasa harap ko.

Napansin ko rin ang balangkas ng isang tao sa tabi ng board.

After couple of seconds, unti-unting luminaw ang lahat at nakita si Sir Jim sa tabi ng board. Napansin kong dalawa na ang nakasulat dito mula sa paksa na dini-discuss niya. Mas lalong kumunot ang noo ko kahit hindi pa man humuhupa ang kaba sa dibdib ko.

Nakaupo pa rin naman ako sa silya ko. Katabi ko pa rin naman si Midori. Pero pakiramdam ko ilang beses akong tumakbo sa track and fields ng university sa sobrang bilis nang pagtibok ng puso ko. Parang naiwan kay Rhianne at sa timeline niya ang kaluluwa ko.

This is not good. Not an inch close.

Sinabi ni Sir Jim kanina na may five possibilities. Dalawa pa lang ang nasa board at pareho ko ring nakita 'yon—that means may tatlo pa.

Ayoko na.

Mas lalo akong natatakot. Bukod sa nakakapunta na ako sa future sa paraang hindi ko pa ganap na nauunawaan, natatakot na rin ako dahil hindi ko alam ang dapat kong gawin sa tuwing napupunta ako sa loob mismo ng visions ko. Sobrang weird kasi sa pakiramdam na na-spoil ka na sa mga pwedeng mangyari at wala ka rin namang ibang gagawin kundi ang panoorin 'yon.

I blinked and read the writings on the board. May dinagdag kasi si Sir Jim sa mga nakasulat do'n.

FIVE POSSIBILITIES OF THE END.

1. Science (2019) - Asteroid Impact

2. Health (2020) - Depressed Zombies

3. Geopolitics (2023) - World War III

The third possibility.

Nanlalamig na ako sa upuan ko. Hindi ko pa man alam kung tungkol saan ang susunod na possibility, may hinala na ako na makikita ko ulit ito gaya nang dalawang nauna. Kung tutuusin, hindi pa man niya naituturo nang maayos at hindi ko pa man din naririnig ang detalyadong mangyayari sa mga nakasulat sa board, nakikita ko na agad ang mga ito.

Kailangan ko umisip ng paraan para makalabas sa classroom na 'to o at least way para hindi na maulit ang visions ko. Two consecutive visions are draining enough and both are the worst sights I've seen in this life. Isang vision pa ngayong araw, hindi ko na alam kung ano nang mangyayari sa 'kin.

Nasanay ako na nakakakita ng hinaharap ng isang tao. Pero ngayon lang ako napadpad sa future ng mundo. Kailangan kong ikalma ang sarili ko para mas makapag-isip nang diretso.

Kung pumunta muna kaya ako sa comfort room? Then hayaan ko munang matapos ang buong klase ni Sir Jim? Makikita ko pa kaya ang susunod na possibility? Kung umuwi na lang kaya ako? Matatahimik kaya ang sixth sense ko kapag nakalayo na ako sa klase namin?

Kung hindi lang ako tila napapadpad sa isang role-playing game sa tuwing nakakakita ng vision ngayon, I wouldn't take this seriously.

"Ayos ka lang ba, Niana?" Napagitla ako nang tapikin ako ni Midori sa balikat. Alam ko naman na katabi ko lang siya pero nagulat pa rin ako sa bigla niyang paghawak sa akin. Mabuti na lang at agad kong naiwas ang balikat ko at tanging uniform ko lang ang nahawakan niya. If our skin touched each other, baka makita ko ulit ang future niya.

Precognition (Published by PaperInk Publishing House)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon