VI.

5.4K 181 11
                                    

VI.

White Rose

Makailang beses ako lumunok. I can feel the warmth of Primo's body because of how close our bodies are. His firm and slightly veiny arms are all over my slim frame.

Hindi na ako nakaangal pa kanina at baka magalit nanaman ang isang 'to. Para pa namang monster pag natitriggered.

Naninigas na ako na parang statue. I feel so awkward and uncomfortable sa pwesto ko sa totoo lang. But what can I do? Nandito na kami.

Ganyan naman palagi ang sinasabi mo sa sarili mo Amari. Puro ka na what can I do blah blah blah.

Kastigo ko sa sarili.

Dapat talaga nagpumilit ako kanina na tig isa kami ng kabayo eh. Hindi naman niya siguro ako mapipilit kung ayaw ko talaga na sa iisang kabayo lang kaming dalawa.

Pero ewan ko ba sa sarili ko kung bakit pumayag pa din ako kahit na ayaw ko. My mind is saying no but may sariling isip ata ang katawan ko kaya hindi na ako nagpumilit na umangal pa.

A man can't force you to do something na ayaw mo. Not unless you want it also, kahit na konti.

I said to myself.

Pero bakit ko naman gugustuhin diba?

Nakakaloka ka talaga, Amari!

I don't know kung gano kalakas ang trip niya para pati ako pagtripan niya. Nag papower trip ata siya.

"Relax." He breathed.

I shivered when he spoke. Naramdaman ko ang mainit na hininga niya sa may kaliwang tenga ko. Feeling ko pag lumingon ako ay mahahalikan ko siya. Ganon siya kalapit!

Lord, sorry po. Please sana malapit na yung pupuntahan namin para makababa na po ako.

I think God immediately heard my cry for help.

"This is our first stop." He announced and went down first.

Inalalayan naman niya ako para makababa ng maayos mula kay Nebula, pangalan ng kabayong sinakyan namin.

Pumasok kami sa isang medyo kalakihang gothic arch shaped na greenhouse. Actually madaming iba't ibang klase ng greenhouse sa flower farm na'to.

Malaki ang lupang sakop ng The Secret Garden.

May mga iilang trabahador na bumati sa amin. Hindi nakaligtas sa paningin ko ang pasimpleng pagtitig at pag ngiti ng mga 'to sa akin. Naka uniform din ang mga ito gaya ni manong na bumati sa amin sa may labas.

My eyes widened. Omg! This greenhouse is full of my Mama's favorite flower.

Roses!

"This specific greenhouse is for the roses." Primo coolly said and stood beside me.

The corners of my mouth turned up. "Wow! So many roses! At iba't ibang kulay pa." Namamangha ani ko.

Ang titingkad ng mga kulay. Alam mong fresh talaga. Maayos na hiwa-hiwalay ang bawat kulay. May sari sariling area ang mga 'to.

Lahat ata ng kulay ay nandidito eh.

I can see the common colors like the red, white, pink, and yellow ones.

Meron ding mga unusual colors gaya ng orange, peach at lavender.

May iilang hybrid din akong nakita pero hindi ganon kadami unlike the normal the others.

Bound To Love You (Sanctuaryo del Grasya Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon