XIV.

4.1K 125 6
                                    

XIV.

Just Be Happy

"Bakit ang blooming mo? Ikaw nga, umamin ka sakin."

My eyes flew to Isabeli who's currently washing Ruffian's mane. Pinapaliguan niya kasi ito. Since wala naman akong ginagawa sa bahay, I joined her.

"Oo nga, Ate Amari. Bakit parang mas maganda ka po ngayon?" Dagdag comment pa ni Silas na kasama din namin habang kumakain ng mansanas.

A blush crept on my cheeks. "T-Talaga ba? Uhm.. ewan ko pero salamat." I gave them a shy smile.

Isabeli eyed me. Like I'm under a microscope inside a laboratory. One side of her lips curved, giving me a malicious smile. I glared at her.

She shrugged her shoulders nonchalantly. "Well.. kung ano man ang dahilan kung bakit ka blooming, gusto kong malaman mo na masaya ako para sa'yo. Ngayon lang ulit kita nakitang ganyan."

I bit my lower lip. Ganon na ba ako katagal na naging malungkot sa buhay? Sabagay, loneliness can make you sad or minsan pa nga depressed. But good thing hindi naman ako umabot sa puntong 'yon.

Ningitian ko na lang siya at hindi na nagbigay pa ng kahit anong comment. Nagpatuloy siya sa kanyang ginagawa. Ako ang may hawak ng water hose.

Kiara is in Manila right now. Mamamalagi ata sila ng family niya dun for quite a while. Mga ilang araw din siguro siya doon that's why kaming dalawa lang ni Isabeli ang magkasama sa Sanctuaryo sa mga susunod na kita namin.

Babalik na din si Isabeli dun in less than a month or so dahil mag eenroll pa siya and all that school stuff. Si Kiara ay dito naman mag aaral dahil pasado naman siya sa entrance exam sa state university.

I'm happy for the both of them.

"Basta, buang, always remember na nandito lang kami para sa'yo. Pamilya mo na ang pamilya namin ni Kiara. Pag may problema ka, pwedeng pwede mo kaming lapitan, ha? Wag mo sarilihin ang mga bagay bagay." Isabeli sincerely reminded me and gave me a sweet smile.

Matulin na lumipas ang mga araw. Primo and I got more closer. Madalas siyang pumunta sa bahay ko o hindi kaya nagpupunta kami sa flower farm nila para magliwaliw. Hindi naman kasi kami pwede pumunta sa mga matataong lugar.

We're like teenagers not wanting to get caught although ako lang iyong may ayaw dahil kabaligtaran naman kay Primo. Mas gusto niyang ipaalam sa mga tao dahil ayaw daw niyang may mag hangad pa sakin. What a weirdo.

Alam ko sa sarili ko na mas lumalim na ang nararamdaman ko for him. I'm just not sure if it's enough to call it love. I'm still a little bit confused with my feelings. I can't decipher the real one.

Naging mas maingat lang kami sa aming mga pagkikita. Hindi dahil ikinakahiya ko siya, kundi gusto ko lang talaga umiwas sa gulo at issues.

Hindi ko nga alam ang sasabihin ko kay Tia Ramona tuwing tumatawag siya. I feel really guilty because I'm doing something behind her back. Na nagagawa ko ng magsinungaling sa kanya. Pakiramdam ko ay isa na akong hypokrito.

I'm saying one thing and yet I'm doing the other.

Minsan naiisip ko na baka nadadala lang ako sa aking mga emosyon pero hindi naman ako ganon. I won't easily break my promises if that's the case. It's too shallow.

"Mon amour, where's my kiss?" Halos araw araw ng nasa bahay ko ang lalaking 'to na akala mo'y walang sariling bahay at walang ginagawa sa buhay.

He's very determined to woo me. I can see that in his dark green expressive eyes everytime I look at him.

I playfully rolled my eyes at him. "Tumigil ka nga dyan. Ang hilig mo!" Kunyaring pagalit kong ani.

Bound To Love You (Sanctuaryo del Grasya Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon