XXII.

4.1K 148 13
                                    

XXII.

Light Of My Life

Mag tatatlong linggo na magmula ng huli kong makita at makausap si Primo. Ganon kabilis lumipas ang mga araw at oras. I still can't forget the look on his face when I said that my love for him was not enough for me to choose him.

Ang galing niyang umarte na para bang nasaktan talaga siya sa sinabi kong 'yon. Hindi makapaniwala at para bang sobrang sakit ng pagtataboy ko sa kanya.

Para itong pinagbagsakan ng langit at lupa at agad ding umalis pagkatapos. Kumaripas agad ng takbo ang Rubicon niya pagkasakay na pagkasakay niya.

Alam kong umaarte lang ito. Impossibleng masaktan talaga siya. Nope. Hindi ako naniniwala.

Hindi na ako ang uto utong Amari na nakilala niya. I've already learned my lesson.

"Okay ka lang ba talaga, Sister Amari? Napansin kong madalas kang mahilo nitong mga nakaraang araw.. Mag patingin ka na muna kaya sa doktor?" Sister Michaela suddenly said with a hint of concern laced in her mellow voice when she noticed my sudden action.

She walked towards me and gently rubbed the palm of her hand on my back.

Napahilot ako sa sentido ko. Mabuti na lang at nakaupo ako ngayon sa loob ng kwarto namin. Medyo matindi kasi ang pagkahilo ko this time unlike these past few days na kinakaya ko pa. Hindi ko alam kung bakit akong madalas na mahilo. May mga times na umiikot talaga ang paningin ko out of nowhere.

I wonder why because I'm a little bit concerned about my health at medyo nakaka panic sa kalooban. I know that I'm healthy as a bull the last time I went to the doctors which is months ago kaya nakakapagtaka..

"Sa pagbabago lang siguro ng panahon 'to at stress. Alam mo namang madami tayong ginagawa.. Thanks for the concern, Sister Michaela.. I will just pop a pill at magiging okay din ang pakiramdam ko, don't worry.." I gave her a small reassuring smile kahit na nahihilo pa din ako ng kaunti.

This is probably just stress and nothing big. Sa dami ng mga nangyari nitong mga nakaraan, pati ang katawan ko ay tuluyan na ding nanghina.

"P-Pupunta lang ako ng kusina. Tutulungan ko lang si Sister Rosalind sa pag hahanda.." I said to Sister Michaela and made my way towards the kitchen where our lunch is ready to be placed on the table.

Pinigilan pa niya ako but I insisted and told her that I'm already fine kahit na medyo nahihilo pa din ako. Uminom na ako ng biogesic para lang maibsan ang sakit ng ulo ko.

Masyado ko lang sigurong tinetake advantage ang katawan ko at hindi din kasi ako nakakapag pahinga ng maayos dahil palagi kong gusto na may ginagawa para mawala sa isip ko pansamantala ang mga nangyari sa amin ni Primo.

That's the only way for me to remove him out of my system for a while. Kaya palagi akong may ginagawa. Ayan tuloy, unti unti ng gumigive up ang katawan ko sa akin.

Ayoko naman sabihin kay Tia Ramona ang mga nararamdaman ko dahil ayoko siyang mag alala.

"Oh, Sister Amari! Nandyan ka na pala. Halika ka, tikman mo nga itong niluto ko.. Balita ko na isa sa mga paborito mo daw ang sinigang na hipon." Sister Rosalind chirped and walked towards the stove where the pot is still on top with a clean spoon on her hand.

I nodded my head and sweetly smiled at her. She's such a nice lady. Actually, lahat naman ata ng mga nandito ang babait kahit na istrikto.

"Opo, isa nga po sa paborito ko 'yan." Magiliw kong sagot dito.

I walked towards her. Bigla akong nakaramdam ng gutom. It's been awhile since I last tasted this. It brought so much memories because this is one of my Mama's specialties. Natatakam na ako.

Bound To Love You (Sanctuaryo del Grasya Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon