XXVI.

7.5K 291 143
                                    

XXVI.

Papa

"Amari? Amari Constatino? Ikaw na ba 'yan?" I heard someone call my name out of nowhere while I'm making my way towards the sari sari store.

It was a breezy sunny afternoon. Ayoko sana lumabas ng bahay dahil baka may makasalubong akong kakilala pero kailangan ko talagang bumili ng kakailanganin ko sa paglilinis ng bahay ngayong araw.

I already unpacked my bags earlier kaya linis na lang ang gagawin ko.

Wala pa din halos ipinagbago ang Sanctuaryo del Grasya kahit na gabi na ng makarating ako dito. It's almost still the same after I left more than seven years ago.

Kung may mga nagbago man siguro ay kakaunti lamang. This place improved, I must say. Nadagdagan lang ng iilang establishments at mas dumami siguro ang tao.

I just arrived here last night after a long drive. I chose to stay at my parents' old home tutal pumayag naman na akong maitransfer dito. I made a choice to finally face my fears and my past for me to be able to move on with my life.

Ginagawa ko din ito para kay Haliya Amarah. Isa siya sa mga rason kung bakit napapayag akong bumalik sa lugar na ito na pilit kong iniiwasan sa napaka habang panahon.

Hinanda ko na ang sarili ko nitong mga lumipas na linggo para sa pagbabalik ko dito at para sa mga tanong at panghuhusga na kakaharapin ko. Pero aaminin ko, na miss ko ang lugar na ito, especially ang dati naming bahay.

Memories came to me like raging waves the moment I stepped my foot inside our house. Hindi ko naiwasan na huwag mapaluha. My heart clenced happily and bitterly at the same time last night.

Hindi ko aakalain na pagkatapos ng pitong taon ay makakatapak ulit ako sa Sanctuaryo del Grasya. I thought na medyo matagal pa. Alam kong babalik at babalik pa din ako dito balang araw pero 'di ko inakala na makakabalik ako dito unexpectedly.

I stopped my tracks to look at the person who called me. Napalingon ako sa may gawing kanan ko at doon ko nakita ang namamangha at hindi makapaniwalang mukha ng kapitbahay ko na si Merida.

Her forehead creased as if she's making sure na tama ang nakita niya while eyeing me from head to toe.

Nakaupo ito sa labas ng bahay nila habang sinusuklayan ang isang cute na batang babae na mukhang nasa edad apat. I think the kid is her child.

My lips curved into a small smile and I slowly waved my hand. "Hi, Merida. Long time no see.."

She gasped when it dawned on her. "Amari! Jusko! Tama nga ako ng nakita. Akala ko namamalik mata lang ako!" Tumayo ito at kitang kita ko ang namimilog nitong tiyan.

Agad itong naglakad papunta sa akin at binigyan ako ng isang yakap. "Kamusta ka na? Mas lalo kang gumanda at ang sexy sexy mo! Kainis 'to! Bigla ka na lang nawala dito sa atin at ang tagal mo ng hindi bumibisita dito."

I blushed a bit at her compliment and chuckled lightly. "T-Thank you? Well, I'm doing okay. Medyo busy lang kaya walang time pumunta dito." I semi-lied. "Ikaw? Kamusta? Pang ilang anak mo na 'yang ipinagbubuntis mo?"

Ngumiti ito at hinaplos ang tiyan. I saw her silver wedding ring flashed when the sun's rays hit it. "Pangalawa na, baby boy. Manganganak na ako next month. Kunin kitang ninang, ha?"

I genuinely gave her an agreeing smile. "Sure, I would love to. Blooming ka pa din ha kahit na lalaki ang ipinagbubuntis mo.." I stopped mid-sentence when I thought of something. "Dito ka parin pala nakatira.." Tukoy ko sa bahay nila magmula pa noon.

Bound To Love You (Sanctuaryo del Grasya Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon