XXVIII.

10.6K 371 482
                                    

XXVIII.

Secret

Primo...

Hindi mawala-wala sa isip ko ang pangngalan ng lalaking 'yon. I'm currently lying on my bed, thinking about what happened earlier. Natuloy ang pagtawag ni Primo sa akin na agad din namang natapos.

Wala naman kaming ibang pinag usapan kung hindi ang patungkol kay Pio Quentin, other than that? Wala na. Thank, God! Dahil hanggang ngayon ay medyo naiilang pa din ako sa kanya.

Probably because he is my daughter's father and he doesn't even know she exists for pete's sake!

"Hay nako, gumugulo nanaman ang buhay ko.." I loudly sighed while staring at the ceiling of my old room.

Speaking of my baby girl, Haliya definitely looks like a xerox copy of her Dad. Habang nakatitig kay Primo noong nakaraan ay hindi ko maiwasang hindi makaramdam ng kirot sa aking puso.

I badly miss my bunny and seeing her look alike is making me miss her more. Idagdag mo pa na hindi na ako makauwi sa kanya tuwing weekends na original naming plano dahil sa saturday one on one sessions ko.

Hindi ako maka-hindi dahil si Headmaster Filomeno ang nag utos and no choice din ako sa gusto ng side nila Primo na gawing weekends ang sessions. I can't afford to lose a job right now. I've sacrificed so much already to be here.

Besides, I genuinely want to help the kid. Mabuti na lang talaga at napakaintindihin ng anak ko. Konting tiis lang.

Totoong ramdam na ramdam ko sa puso ko ang bigat ng napaka-komplikadong sitwasyon namin.

If only it was so easy to tell Primo that he has a daughter and she wants to meet him, I would definitely do that in a heartbeat.

And Pio Quentin...

Hindi din maalis sa isip ko ang batang iyon. He can really pass as my daughter's twin. Well, maybe because they share the same Dad?

Of course magiging magkamukha silang dalawa. Common sense lang, Amari, tsk.

Honestly? I don't know what to feel now that reality is finally right in front of my own eyes.

Hindi ko alam kung dapat ba akong masaktan o magalit kay Primo dahil may masaya at buong pamilya na sya, samantalang ang anak ko, she's longing for her Dad.

I can't help but to feel hurt and bad for my bunny dahil lalaki siyang hindi buo ang kaniyang pamilya.

I grabbed my phone and lovingly stared at my lockscreen which is a photo of me and my beautiful daughter.

"Oh, bunny.. If only things were different and easy.." My voice cracked.

Nakatulog ako ng gabing iyon ng may mabigat na dibdib, mabuti at maaga pa din akong nagising kinabukasan. I decided to roam around Sanctuaryo del Grasya.

Wala naman akong gagawin so might as well make use of my free time.

Tinapos ko na din naman ang dapat tapusin kahapon when it comes to my work. I really don't like procrastinating. Ever since I gave birth, dun ko narealized kung gaano kahalaga ang oras.

Plano kong magsimba ngayong araw. Pupunta din pala ako sa Sentro para bumili ng stock na pagkain sa bahay dahil naubusan na ako. That's basically what I'm going to do today.

Hindi ko maiwasang huwag mapangiti ng maalala ko kung gaano ka simple ang buhay ko dati dito sa Sanctuaryo. Nilibot ng mga mata ko ang labas ng simbahan pagkatapos kong magsimba. So many memories from yesterday.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jun 07, 2020 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Bound To Love You (Sanctuaryo del Grasya Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon