XXI.

4K 134 5
                                    

XXI.

Not Enough

Mabilis akong nag empake pagkauwing pagkauwi ko. Ipinasok ko ang lahat ng mga importanteng bagay gaya ng mga dokyumento ko at iilang damit sa itim na maleta ni Mama na kinuha ko sa dating kwarto niya.

Patuloy pa din ako sa paghikbi pero kailangan kong maayos agad ang mga kailangan kong dalhin. Bahala na kung hindi ito ganon karami. Hindi naman ako maarte.

Hindi ko pa din inaalis ang kwintas na bigay sa akin ni Primo. Hindi ko pa kaya. Hindi ko na muna gagawin 'yon ngayon.

Tinawagan ko kanina si Kiara para papuntahin dito kahit saglit. Ayoko namang umalis ng hindi nakakapagpaalam sa kanya ng maayos. Mabuti na lang at wala siyang curfew ngayon dahil wala ang parents niya.

"M-Mamimiss kita, buang.." I saw how her eyes sparkled with tears. Sadness and pity are evident in her eyes while looking at me.

Hindi ko matanggap na darating ako sa posisyon na ito. Iyong magiging kawawa nanaman ako sa paningin ng mga tao. Pilit kong iniiwasan na mangyari 'yon ulit but life happens.. unfortunately.

Alam kong pinipilit niyang wag umiyak pero hindi niya kaya. I told her everything. Kung may tao man akong pinaka pinagkakatiwalaan ngayon, ayun ay silang dalawa ni Isabeli, bukod sa Tia ko.

I chewed the insides of my mouth and tried to smile despite letting tears flow down to my cheeks just to assure her that I will be okay. I was never a fan of goodbyes although we're going to see each other eventually in the future. In the near future, I hope.

Hinawakan ko ng mahigpit ang dalawa niyang kamay habang nakaupo kami sa kama ko. Agad siyang nagpunta dito when I called her earlier.

She let me cry on her shoulder and comforted me the best way she can without talking. Having and knowing that someone is there for you is already enough.

Sometimes you need someone who will just listen to you. Iyong kahit hindi siya magsalita pero alam mong nakikinig siya sa'yo. Iyong tipo ng mga taong hindi palaging kailangan ka bigyan ng payo. Tatahimik lang sila at makikinig sa mga problema mo.

"I-I'll miss you too, bestfriend. Kayong dalawa ni Isabeli. Pati na din ang mga taong malapit sa akin dito sa Sanctuaryo.." My heart clenched when I said that. Deep inside, I don't want to go but I have to.

I need to..

"A-Ano kaba! Y-You can visit me in the future.. Huwag kang mag alala, hindi naman ako magtatago sa inyo e.." I tried to make it as a joke to lighten up the heavy mood ng hindi ito umimik.

She playfully rolled her wet eyes and pursed her lips at mahina akong hinampas.

"I hate you. Nagawa mo pang mag biro! Hindi ko inakalang si Primo Orejon pala ang naging boyfriend mo.." She shook her head in disbelief.

"Alam naman natin na babaero iyong mga 'yon una pa lang, Amari e! Pero nangyari na.. Wala na tayong magagawa para baguhin pa ang sitwasyon mo.. Nahulog ka e.." Malungkot niyang sabi sa akin.

I know she hates him right now. Alam ko din kung gaano niya kagustong sugurin ang lalaki ngayon, knowing Kiara pero sabi ko na lang na hayaan na lang namin ang lalaki at ayoko ng palakihin pa ang nangyari.

Drain na drain na ako. I just want to rest from all of the pain that I'm feeling right now.

Gusto ko na lang takasan ang lahat ng 'to. Ayun ang gustong gusto kong gawin ngayon. Hindi ko na siya kaya pang harapin dahil alam ko sa sarili ko na maaaring bumigay nanaman ako sa mga salita niyang wala namang laman at mga pangakong hindi naman totoo because of how much I love him.

Bound To Love You (Sanctuaryo del Grasya Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon