Chapter 6 : Asteroid with Tremendous Size

1.5K 134 28
                                    

CHAPTER 6

NIANA'S POV






MY MIND was rather clouded by more than just mere confusion.

"Paano mo nalaman na napunta ako sa 2019? I mean—alam mo bang galing ako sa past?" agad kong tanong sa kaharap kong si Sophia. Naguguluhan na talaga ako dahil una, alam niya ang pangalan ko at nakikita niya ako. Gano'n ba siya ka-special at kaya niyang magawa ang mga bagay na 'yon? I can't believe that she's so advanced to see someone who came from the past.

"Oo. Alam kong galing ka sa taong 2018," nagsimula na siyang maglakad sa buong k'warto. Hindi ko na siya sinundan sa paglalakad, bagkus, ang mga mata ko ang sumunod sa kaniya.

"Paano mo nalaman? Isa ka lamang A.I. na ginawa ng Hanson Robotics. Gawa ka lang ng tao. Kaya paanong ikaw nakikita ako samantalang ang ibang mga kasama mo rito hindi ako nakikita?"

Wala pa ring mga scientist o ni isang tao rito na tumitingin sa gawi ko. Para nga lang akong hangin na dinadaanan nila dahil tumatagos lang ako sa mga katawan nila sa tuwing dadaanan nila ako. Parang dinaig ko pa ang multo dahil hindi nila ako nararamdaman.

"Dahil iyon sa mga mata ko. Pero huwag na nating pagusapan pa ang tungkol sa mga mata ko. Pagusapan natin ang dahilan kung bakit ka nandito sa panahon namin," sabi nito sabay tingin sa akin. Nakatayo siya sa likuran ng isang lalaking nagtitipa sa malaking computer sa harapan niya.

Kumunot ang noo ko. "H-hindi ko rin alam kung bakit ako nandito," pagsasabi ko ng totoo. "Basta ang alam ko lang ay napunta na lang ako bigla rito. 'Yon lang. Hindi ko nga alam kung paano ako makakabalik sa panahon ko."

Marahan siyang tumango.

Grabe talaga. Kung hindi mo lang makikita ang metal sa uluhan niya, aakalain mong totoong tao siya. She act like a normal human being. Maayos na siyang nakakapaglakad, nakakagawa din siya ng iba't ibang facial expressions na mas mukhang authentic kaysa noong una ko siyang nakita. Aakalain mong tao siya sa mga simple gesture niya na tao lang ang gumagawa.

Bukod sa bakal sa ulo niya at sa boses niya, taong-tao na talaga siya.

"Kung gano'n kailangan mong malaman ang alam namin upang makapaghanda ang oras niyo," aniya. Seryoso ang mukha niya—hindi ko alam kung dapat ba akong kabahan sa paraan niya nang pagsasalita o baka normal lang na paminsan-minsan mawala ang ekspresyon sa mukha niya.

"Ano namang kailangan ko malaman? At anong sinasabi mong kailangan makapaghanda ng oras namin?" naguguluhang tanong ko sa kaniya.

"Ilang oras mula ngayon, isang asteroid ang babagsak sa Earth. Kung hindi ito mapapahinto ng NASA at iba pang space agency na nagtutulungan ngayon sa buong mundo, hindi na makaka-survive pa ang mundong ginagalawan natin ngayon."

Napalingon sa kaniya ang lalaking nakasuot ng lab gown. Napahinto ito sa pagtitipa at sinundan ang tingin ni Sophia. Nakita ko ang pagkunot nito ng noo. Mukhang hindi niya ako nakikita gaya ng inaasahan ko.

"Sophia? Who are you talking to? And why are you using another language?" tanong ng scientist sa kaniya. Ilang beses pa nito sinipat ang pwesto ko.

Nilingon siya ni Sophia.

"Foreign language processing . . . loading datas . . . English language activated," ani Sophia. "I see a girl standing right there who came from the past. She needs to know what's about to happen soon—to make the past know what will happen," sabi ni Sophia bago ako ituro. Tuminging muli ang scientist sa gawi ko, pero alam kong hindi niya ulit ako nakita.

Precognition (Published by PaperInk Publishing House)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon