Chapter 7 : Depression versus Zombie

1.4K 133 33
                                    

CHAPTER 7

NIANA'S POV






FOR THE NTH time, I feel like I'm floating in the air, throwing myself like I was just a lightweight being. Umiikot ulit ang buong paligid ko and I can't see anything clearly. I can see random images pero distorted lahat ang mga 'yon, making it no sense at all. Para bang tubig na umaalon-alon.

Wala akong magawa kundi ang pumikit. Pakiramdam ko kasi, the more na tinititigan ko 'yong mga distorted image, mas lalo lang akong nahihilo.

"Niana?"

Napadilat ako dahil sa pamilyar na boses na parang galing sa ilalim ng tubig. Pagkatapos ay napatingin ako sa lugar kung nasaan ako.

White board in the front. Students around me.

Silence in the middle of the room. The distant sound of cars passing by the school.

I'm back in the room. I'm back in my class.

Nakaupo ako right beside my friend, Midori. Siya ang tumawag sa pangalan ko.

"A-anong nangyari?" tanong ko habang kinakapa ang buong katawan ko. Ensuring that I'm well and my body parts are still intact after feeling like I've been thrown somewhere far.

"Kanina ka pa nakapikit? Hindi ba ako dapat ang magtanong kung anong nangyayari sa 'yo?" tanong niya sa akin. "I tried to listen to your mind, pero hindi ko magawa."

Doon pumasok sa isip ko kung anong nangyari bago ko binuksan ang mga mata ko.

Sophia. Her life and development.

The almost endless tunnel.

The red button.

And the asteroid.

Muli akong napatingin sa classroom. I gently touched my desk para masigurong nakabalik na nga ako. Malamig sa room, at walang kahit isa sa mga kaklase ko ang nagsasalita. Ang tangi lang naririnig ay ang sapatos ng isa sa mga kaklase ko na bored na bored at tina-tap ang paa niya sa tiles na sahig at ang pagsusulat ni sir Jim sa white board.

"Niana?"

"Ha—?" napagitla ako.

"So ano nga ang nasa isip mo kanina? Naisip mo si crush 'no? Yiee!" Sinundot pa nito ang tagiliran ko kaya napaliyad ako. "Kilala kita. Kaya siguro pumikit ka dahil ang iniisip mo—"

"Midori!" pabulong pero madiin kong sambit. Baka kasi marinig kami ni sir Jim.

Natawa naman siya. "Bakit? Totoo ba ang sinabi ko?" Tinakpan pa niya ang bibig niya upang hindi tuluyang sumabog ang kinikimkim niyang tawa. Kaya ang resulta, pulang-pula ang mukha niya. Mukha siyang kamatis.

Hindi ko maintindihan kung anong nakakatawa sa sinabi niya. Mukha tuloy siyang tanga sa pagpipigil ng tawa niya.

"Fudge, Midori. Hindi naman kasi 'yon ang nasa isip ko kanina. Baka ikaw, iniisip mo na naman 'yang ex mo," pagbabalik ko ng pang-aasar niya bago siya irapan.

"FYI Niana, never na ulit sumagi sa isip ko si ex," pagtatama niya na parang nanay na dinuduro-duro pa ako. Umayos siya nang pagkakaupo. "Pero seryoso na, ano ba kasing nasa isip mo kanina?" Nakita kong maya't-maya siyang nagta-take down ng notes mula sa sinusulat ni Sir Jim. Kaya gano'n na lang din ang ginawa ko. Nilabas ko ang notebook at ballpen ko at nagsimulang magsulat bago sinagot ang tanong ni Midori.

Precognition (Published by PaperInk Publishing House)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon