Chapter 13 : Initial Cure

953 88 10
                                    

CHAPTER 13

NIANA'S POV






BUMUNGAD sa amin ang isang matandang babae na tingin ko nasa mid-50's na. Nakaputing laboratory gown, may surgical mask sa mukha at surgical gloves. May stethoscope rin na nakasabit sa batok niya at salamin na nakasukbit sa kaliwang bulsa ng damit niya, bandang dibdib.

"Pasok," sabi ng matandang babae. Sigurado ako na siya rin 'yong matandang babae kanina na may hawak ng briefcase at hindi na-infect.

Nauna 'yong dalawang lalaki na may hawak kay Kean na pumasok sa loob. Bahagyang napaiwas si Rhianne nang muling magpumiglas si Kean habang pinapasok siya sa loob ng silid.

"Doktora Sanchez," pakilala ng matandang babae nang makapasok na sa loob si Kean at ang dalawang lalaki na nakahawak sa kaniya. "Our team is always open for those who need help. Kaya kung may kailangan ka, sabihin mo lang sa mga nakaputing laboratory gown. Those men in black ay masyadong busy so don't disturb them," aniya pa.

"Pasok ka," saad ng lalaki na umalalay kay Rhianne kanina.

Tumango naman si Rhianne bago pumasok. Pinadaan sila ni Dra. Sanchez.

Nakakapagtaka na nasa loob ng apartment ang rescue team. Iniisip ko pa naman na sa mga ganitong pangyayari nasa labas ang rescue team but it turns out nasa mas secluded na lugar sila. Marahil paminsan-minsan lang silang lumalabas para maghanap ng survivors o baka bukod na team sila para sa area na 'to at may iba pang rescuers on the ground sa ibang affected areas.

Nilibot ni Rhianne ang mata niya sa buong silid nang makapasok siya.

Marami-rami na ring tao sa loob. Ang iba ay nakaupo sa sahig samantalang ang iba naman ay natutulog sa sahig. 'Yong ilan may sapin pero karamihan wala. Parang binagyo sila tapos dinala sa isang evacuation center. Maraming madudungis at ang ilan ay nakatingin kay Rhianne. May ilan din na umiiyak, siguro dahil sa takot o baka na-infect na ang mga mahal nila sa buhay.

Sa 'di kalayuan, may bintana kung saan nanggagaling ang liwanag na napapakinabangan ng buong silid. Lumapit ako sa bintana at sumilip sa labas.

The disease spreads faster than I expected. Considering na mukhang naipapasa lang ang sakit na sa pagtingin sa mga mata ng infected, mas dumami ang bilang ng infected na gumagala ngayon sa labas ng apartment. Nakakatakot ang paglangitngit ng mga panga nila sa tuwing dadaan sila malapit sa lugar.

Seeing how things unraveled and knowing that depression is the cause of this chaos doesn't seem to work for me. Hindi ko maintindihan kung paano nangyari 'yon.

"Ikaw 'yong matandang babae na nakita namin ng kaibigan ko kanina na pumasok dito sa loob ng apartment matapos ng encounter mo sa isang infected. Paano mo nagawa 'yon? Paano ka hindi nahawa sa kanila?" Narinig ko ang boses ni Rhianne kaya bumalik ang tingin ko sa kaniya. Nakita ko siya na kaharap ang doktora na sumalubong sa amin kanina.

Ngumiti ang doktora kay Rhianne. "I am one of the doctors who pioneered a special treatment for students who experience depression. We thought that maybe we can produce a cure for everyone na may depresyon, so we won't be able to feel it. We underestimated the illness and it mutated," ani ni Dra. Sanchez. "Fortunately, we are able to observe the patients who consumed what we thought were cures and we identified that their eyes held a virus that mutated from depression."

"Ibig sabihin hindi ka mahahawa as long as hindi mo sila tinititigan sa mga mata nila?" paglilinaw ni Rhianne.

"It seems like that's one way. Pero we have received reports na kahit hindi nila tinitigan sa mata ang infected, nahawa pa rin sila. We're considering that the transmission of sore eyes is the same in this case." Ipinasok ng doktora ang magkabila niyang kamay sa parehong bulsa ng damit niya. "We're still observing the disease and we're sure that we'll come up with a cure kapag nakumpleto na namin ang observation at tests namin."

Tumango naman si Rhianne.

Nakarinig kami ng malakas na pagkalabog mula sa katabing kwarto kung saan ipinasok si Kean kanina.

"Okay. I need to excuse myself, miss . . .?"

"Rhianne po," tugon ni Rhianne.

"See you around, miss Rhianne," nakangiting sabi ng doktora bago nagsimulang maglakad papunta sa kabilang silid.

Nilibot ulit ni Rhianne ang tingin niya hanggang sa dumapo ang mga tingin niya sa lalaking tumulong sa kaniya kanina. Nakaupo ito sa isang sulok habang hawak-hawak ang pendant ng kwintas na nasa leeg niya.

Dahan-dahang lumapit si Rhianne sa lalaki. Naramdaman ng huli ang paglapit ni Rhianne kaya umusog ito nang kaunti para bigyan ng pwesto ang babae.

"Rhianne," pakilala ni Rhianne sa sarili niya.

"Rico."

Tumango si Rhianne bago tumingin sa silid. "Salamat at dumating kayo kanina. Kung hindi kayo dumating o ilang segundo pa ang lumipas bago niyo kami nakita, baka infected na rin ako ngayon," sabi ni Rhianne. Nanatili ang mga mata niya sa mag-ina na nasa tapat nila ni Rico. Nagpapa-breastfeed ito ng sanggol na nasa bisig niya.

Tumango lang si Rico bilang tugon.

Nakarinig ulit kami ng malakas na kalabog mula sa kabilang kwarto. Parang may mabigat na bagay na nalalaglag mula sa mataas na lugar. Sa tuwing magkakaro'n ng gano'ng ingay, nagugulat ang lahat ng nasa kwarto namin.

Napatingin si Rhianne sa pinagmumulan ng ingay.

"Anong ginagawa nila kay Kean?" May concern sa mukha ni Rhianne kahit pa pilit niyang ikinakalma ang sarili niya. After all, if it weren't for Kean, kanina pa siya infected sa loob ng university. May utang na loob siya kay Kean dahil nakalabas sila nang ligtas sa gym. "Hindi naman siguro nila papatayin ang kaibigan ko 'di ba?"

"Hindi. Hindi nila papatayin ang kaibigan mo. Meron silang initial cure nadine-develop. And they will try that cure to selected people. Kapag tama ang cure, then madi-distribute na kaagad sa bansang ito ang gamot. If it's not, then mahaba-habang panahon pa ang kakailanganin para sa pagtuklas ng gamot," tugon ni Rico. "But don't worry, sigurado akong priority nila ang buhay ng kaibigan mo."

Napatango naman si Rhianne dahil sa assurance ni binigay ni Rico.

"Paano nila nagawa 'yong initial cure? B-ba't parang ang bilis naman yata nilang nakahanap ng initial cure?" ani Rhianne.

"I believe doctora Sanchez has already told you that they pioneered a treatment and the virus mutated from it. Kaya may initial cure na sila ay dahil sa kanila rin nanggaling ang sakit," paliwanag ni Rico. "The disease originated from depression, and the supposedly treatment triggered the disease para maging violent ang mga carrier nito."

Hindi na ulit nagsalita pa si Rhianne. Saglit siyang natulala habang ilang beses pa rin naming naririnig ang pagkalabog sa kabilang silid.

"Saan pala ang banyo rito?" Sa wakas ay nagsalita ulit si Rhianne.

"Diretso ka ro'n, tapos sa kanan. Diretsuhin mo lang ulit. Tapos may makikita kang sign ng banyo," sabi ni Rico.

Doon ko lang napansin na sobra pala talagang laki ng apartment na 'to. Dahil nasa ground floor marahil kami kaya ang lawak ng space.

Tumayo na si Rhianne at nagsimulang maglakad papunta sa tinuro ni Rico na daan matapos niyang magpasalamat. Sinigurado niya na tama ang dinadaanan niya kahit pa saglit lang ang ginugol niyang oras at nakarating na rin siya agad sa banyo.

Pumasok siya sa loob ng isang cubicle at ako naman ay napatingin sa salamin na nasa pader.

Hindi talaga nagbago ang suot ko. Kapareho ng suot ni Rhianne, uniform ng Cessation High.

Ilang saglit lang, nakarinig na ako nang pagbukas ng pinto ng cubicle. Lumabas si Rhianne mula ro'n at dumaretso sa salamin. Naghilamos siya at ilang beses na bumuntonghininga bago niya tingnan ang sarili sa salamin.

Nang idilat niya ang mga mata niya bigla siyang namutla, parang nakakita ng multo.

Umayos siya ng pagkakatayo bago lumingon sa akin. "Kanina ka pa po ba riyan?"

Precognition (Published by PaperInk Publishing House)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon