Chapter 35

252 2 0
                                    


CHAPTER 35

Peisha's P.O.V

Nakakapagtaka ay kahit na maggagabi na ay hindi pa ito nagsasara. Aba! Oras na oh! Kaso nag eenjoy pa ako.

"Magbabungee jump ka pa babe.. Nakakatakot kaya." Saad ni Tristof at natawa naman ako.

"Edi wow gusto ko pa eh.." Nangaasar na tawa ko at nagkukunwareng mahuhulog.

"Papatayin mo ba ang sarili mo?" Inis na usal niya.

"Pfft! May safety gears naman na oh!" Sigaw ko sakanya at biglang tumalon. Haha!

Para kang nasa tali at bigla kang tatalon sa isang mataas na building kaso magsuswing ka lang.

Nakita ko si Tristof na sumisigaw kaya napahagalpak ako ng tawa. Hindi pala siya sanay dito bakit dinaladala pa niya ako?

"Goddamn! Natakot ako doon." Sabi niya sabay yakap sa akin.

Namula naman ang mukha ko sa pagiging caring niya. Pakshet na gago.

"Sir, ang sweet niyo naman po ng asawa niyo." Saad nung batang lalaking nagaassist.

"Hindi ko siya asawa--"

"Fiance niya palang ako pero doon din ang punta." Sabi niya at ngumiti.

Hinawakan niya ang kamay ko at holding hands kaming naglalakad. I find it sweet and cute. I feel like I am really important.

Kumain kami ng dinner sa isang malapit na carinderia. Ang sarap ng mga lutong ulam nila!

Nasira na naman ang buong pagkasweet namin ng dumating si Ziara the impokritang zebra. Pwede bang umalis nalang siya sa buhay ko!?

"Hindi pa kayo umuwi? Julius?" Tanong niya at tumabi sa tabi ni Tristof. Sige Sinong nagsabing tumabi siya dito?

Sige sumagot ka makakatikim ka talaga sa akin walanjo ka! Ang lalandi niyo!

"Obvious ba? Nandito pa kami diba?" Bulong ko at siniko lang ako ni Tristof pero inirapan ko lang siya. Bahala siya diyan bwiset siya.

"Ahh... Haha! Umm... Julius can you help me sa susunod na magkita tayo pakiayos yung computer ko. I know you are expert in fixing it." Sabi niya.

Aba! Kailan pa naging computer engineer ang lintek na gagong toh! Sige palandi ka pa subukan mong pumunta at makikita mong hindi ka na makakalakad!

Nginitian naman ng gagong ito si Ziara. "Mind if you fix it sooner. Im tired of the old computer I am using. My neck is hurting dahil sa kakatutok sa naglalog na computer." Malanding sambit niya.

MAGSAMA KAYO! Peste! Hawak hawak ka pa sa leeg mo na animoy nang aakit ka pa.! Pucha! Nakakainis!!

Ng matapos akong kumain ay nagpaalam na ako. Hindi ko kinaya ang malaswang titigan nila.

"Excuse me.. Una na ako sa kotse JULIUS. Nakakahiya naman sa inyo.

Mabilis akong naglakas patungo sa sasakyan niya. Buti nalang at malapit ito at alam ko kung saan.

Buti nalang at nakuha ko ang susi mula sa kaniya noong nagbungee jump kami ay ibinigay niya ito. Peste.

Pumikit ako at hinayaan ang sarili na magmukmok. I feel really angry. Maglalampungan sa harapan ko? Psh! Baka nakakalimutan niya na fiance niya ako?

"Babe... Please don't be jelous." Nakapasok pala ang gungong. Hmm... I think I have a great plan para makapaghiganti sa kaniya. Paparealize ko sakanya kung sino ang dinala niyang date dito. Peste!

Playful Love (Abuico Series 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon