Chapter 88

170 2 0
                                    


CHAPTER 88

Peisha's P.O.V

Nakapunta na ako sa bahay nila Tristof at dali daling tumakbo papasok ng mansyon nila.

Nakita ko namang umiiyak ng balisa si Mom Tristal at natameme ng makita ako.

"Peisha hija.." Sambit niya at napaiyak sa balikat ko. Pinatahan ko naman ito.

"Nandoon siya sa taas at pinipigilan ng mga body guards na maglaslas." Hagulgol niya at nanlaki naman ang mata ko at dali daling umakyat ng kwarto.

Nakita ko siya sa kwarto niya na pilit na kinukuha ang kutsilyo mula sa table niya at pinipigilang ng guards. Bakit hindi nalang nila kunin yung kustilyo!? Nakita ko ding basag ang salamin sa garahe ng kwarto niya. Balak niya bang tumalon!?

Iwiniksi ko ang mga guards at sinampal ko si Tristof. Nabigla naman ito at napayuko. Ano bang ginagawa niya sa buhay niya?!

"ANO BANG GINAGAWA MO!?" Sigaw ko at napahagulgol siya.

"Wala ng kwenta ang buhay ko babe... Wala na kayo ng anak ko sakin. Wala nang silbi ang buhay ko. Mamatay na din naman ako bakit hahabaan ko pa ang panahon ko?" Sabi nito at napahagulgol ulit.

"Gago ka ba!? Hindi mo ba ako ipaglalaban!? Hindi mo ba ako at ng anak mo babalikan!? Hindi mo ba planong mabuo tayo ulit!?" Sigaw ko at napahagulgol.

Naramdaman ko ang yakap niya at napahagulgol ako. Anong saysay ng buhay ko kung patay na ang humahawak sa puso ko.

"Patawad Peisha. I'm sorry... Akala ko hindi mo na ako kayang pagtiisin pa. A-Akala ko ayaw mo na sakin." Sabi nito.

"Malamang galit ako sayo gago! Kaso mahal pa rin kita eh kahit ilang beses mo na akong sinaktan." Sabi ko at binitawan niya ako.

Nakita ko naman ang mukha niya na nagkakabalbas na at namayat din siya. Lubog ang mata niya sa eyebags at ang daming laslas ng katawan niya. Parang gusto kong maiyak.

"Sorry Peisha...  Patawarin mo ko ang tanga tanga ko. Sobrang tanga ko." Sabi niya at lumuhod sa harap ko at napaiyak. Niyakap ko siya ng mahigpit at napaiyak. I'll try to forgive him because I love him. Kaso hindi na buo ang tiwala ko pero pinapatawad ko na siya dahil nagselos lang siya at plano lahat ni Jendle ang lahat ng nagawa niya.

Nasa labas ako ngayon ng kwarto ni Tristof. Kwarto sa hospital dahil malalim ang natamong laslas niya sa braso niya at maraming dugo ang nawalan sa kaniya.

"Trisha..." Sabi ko at sinalubong naman ako ng yakap ng anak ko.

"Mommy what happened to Daddy?" Iyak nito at napangiti lang ako at niyakap siya.

"Buti nalang at napigilan mo si Tristof." Sabi ni Ziara.

"Sabi ni Tita Tristal kailangan ni Tristof ng heart transplant. Kaso walang nagdodonate dito. Maaring ikamatay niya kung mas lumala." Sabi nito at naiiyak na nama ako sa pinagsasabi niya. Kahit nasaktan niya ako ay nasasaktan ko din pala siya. Nagkakasakitan king dalawa.

"Don't worry he'll be fine." Hawak ni Ziara sa kamay ko.

Biglang lumabas si Tita Tristal at sinenyasan ako na pumasok kami. Si Ziara mamaya nalang daw at magkukwentuhan muna sila ni Tita Tristal.

Pumasok ako at nakita ko namang nakatingin ito sa kawalan.

"Tristof..." Sabi ko at napatingin nama siya sa dereksyon namin ni Trisha.

"Daddy! Are you okay?!" Sabi ni Trisha at tumakbo papunta kay Tristof at napayakap dito at umiiyak.

"Hindi mo sinabing may sakit yang puso mo?" Iyak ko at napatameme siya sa sinabi ko. Oo nga pala paano niya sasabihin sakin na wala siyang donor sa sakit niya eh lagi ko nalag siyang pinagtatabuyan. Dahil sakin lagi siyang umiinom. Pinapabayaan niya ang sarili niya dahil sakin.

Playful Love (Abuico Series 1)Where stories live. Discover now