Chapter 89

165 3 0
                                    


CHAPTER 89

Peisha's P.O.V

Binabantayan ko si Tristof habang natutulog. Hindi pa namin napaguusapan ang tungkol sa sakit niya. Hindi ko dapat siya istress sabi ng doctor dahil pwedeng sumakit ang puso niya.

Natutulog ito ng mahimbing at biglang nagmulat ng mata.

"P-Peisha... Asan na si Trisha?" Tanong niya.

"Bakit ako hindi mo hinahanap?" Pout ko. I'm trying to bring back the old times na minsang makulit ako sa kaniya.

Nabigla naman siya sa asta ko at ngumiti. Napatawa din. "Oo na. Umuwi na siya pagod kasi kanina pa." Sabi ko.

"Bakit ikaw hindi ka pa umuwi?"

"Oh edi sige uuwi na ako. Bye bye." Sabi ko at akmang tatayo pero hinawakan niya ang kamay ko.

"I... Want you just beside me." Sabi niya at napatingin ako sa mata niyang puno ng emosyon.

"Peisha... I'm so sorry for all I did. Napakagago ko. Wala akong inisip kundi ang sarili ko at hindi ko man lang kayo naisip. Napakagago ko--" Napatigil siya ng napaiyak ako. It's unbearable. Masyadong nakakadala ang hangin sa loob ng kwarto niya.

Pinunasan niya ang mga luha ko. "Oo napakagago mo! Sobra pa sa mga gago! Kung may trabaho lang ang pagiging gago malamang sobrang yaman mo na. Gaho ka kasi balak mong magpakamatay. Gago ka kasi naniwala ka sa tarantadong higad na iyon. Gago ka kasi hanggang ngayon napapaiyak mo ako. Gago ka kasi kahit ganoon mahal na mahal parin kita." Sabi ko at niyakap niya ako. I miss his hugs. The one that makes me calm and safe. Even I'm in danger.

"Shh... Please stop crying already. I really promise na kahit mas higpitan mo na ngayon ang tali mo sakin hindi na ako tatakas sayo at hindi na ako gagawa ng mga kagaguhan. I don't promise dahil lagi nalang napapako. I will do it." Sabi niya at hinalikan ko siya ng mariin.

I can't control all our emotions. Masyado ng mabigat ang mga sinasabi niya kaya kailangan ko siyang patahimikin. Ginalaw ko ang labi ko sa labi niya at huminto. I can still feel his lips in mine kahit bumitaw na ako. It is still sweet as a candy. Ang hirap pagsawaan.

"Mahal na mahal kita Tristof..." Sabi ko at mas lumaki ang ngiti nito.

"Mahal na mahal din kita babe." Sabi niya at napahawak sa puso. Mukhang umaatake na naman ang sakit niya.

"Tristof? Okay ka lang? Doc!" Pagpanic ko nang makitang nahihirapan siya habang hawak ang dibdib niya.

Lumabas muna ako nang pumasok na ang doctor sa kwarto ni Tristof. Napapadasal nalang ako na sana matapos na ang paghihirap niya para maayos namin ulit ang aming pamilya.

Sumalubong sakin ang nagaalalang si Mom Tristal. Sino ba naman ang hindi magaalala kung may masamang nangyayari sa anak niya.

"Is my son okay? Did the doctor said that he needs a operation as soon as possible?" Tanong ni Mom Tristal at napabuntong hininga ako.

Biglang nagring ang phone ni Mom.

"Hello, Julio how's it? What! Really? Nakahanap ka na?! Thank god. Okay I'll hang up. Bye." Masayang mukha ang ngayon nakapinta sa mukha ni Mom. Ibig sabihin magiging maayos na ang lahat.

"Mom, may donor na nga si Tristof?" Tanong ko at nakangiting tumango naman ito. I feel relieve now.

"Sino po ang donor niya?" Tanong ko.

"Ang pagkakaalam ko ay kaibigan niyo siya. Is it.... Earl?" Biglang lumakas ang tibok ng puso ko. Please sana mali ako ng akala.

Playful Love (Abuico Series 1)Where stories live. Discover now