Chapter 91

176 2 0
                                    


CHAPTER 91

Peisha's P.O.V

"Mommy! Let's eat na! I'm so hungry." Saad ni Trisha at napahawak sa tiyan.

Ilang buwan na rin ang lumipas noong ibinurol si Earl. Dito siya ibinurol sa Pilipinas. Si Tristof naman malapit ng umuwi galing America. Nagpapagaling pa siya dahil sa heart transplant niya. Habang ako two months preggy na.

Hinihintay pa naming umuwi si Tristof para ikasal na kami. Yep, he propose to me again habang nasa hospital. Tinanggap ko naman ito sa pangalawang pagkakataon. I know hindi na siya gagawa ng kabalastugan dahil he really loves me. And he's proving it.

Pumunta kami ni Trisha sa isang restaurant. Dali dali siyang umupo at sinabi ang order niya. Gutom na talaga ang anak ko.

"Mommy? Is my sibling hungry? Dapat po marami ang kakainin ninyo because the baby is living in your tummy." Sabi ni Trisha at dinagdagan ang pagkain sa waiter.

Ewan ko ba diyan sa anak kong iyan. Kung ano anong pinagsasabi kasi ni Tristof. Hindi kami makadalaw sa America dahil nag aaral na dito si Trisha and back to work ako. Hindi pa naman lumolobo ang tiyan ko.

Ilang saglit ay nandito na ang order namin. Woaah! Gutom na din pala kami ni baby haha!

"Here's your order-- Peisha?" Saaf ng isang pamilyar na tinig. Si Jendle? Anong ginagawa niya dito?

Nanlaki ang mata ko atsaka tumalim ang tingin. Nasira ng buong buo ang pamilya namin ng dahil sa kaniya. I hate her.

"Take the trash. Lilipat nalang kami--"

"I'm really sorry for all I did." Sinseryong saad ni Jendle at napatingin naman ako sa kaniya.

"How could I forgive you if you broke my family?" Saad ko.

"Tita Jendle... You did that?" Singit ni Trisha.

"I'm so sorry Peisha, Trisha... Masyado akong nabulag sa pag ibig. Masyado akong nahing makasarili. Masyado--" Pinapatayo ko siya dahil nakaluhod siya sa harapan namin. Nakakahiya pinagtitinginan kami.

"Stop it... Ugh! Fine fine. Just promise me nalang na hindi mo na kami guguluhin. I think you're sincere enough pero hindi mo maiaalis sa akin ang mga pinanggagawa mo sa amin. I'm sorry... I forgive you but I don't really trust you enough." Sabi ko at pinunasan niya ang mga luhang nasa mukha niya at tumango at ngumiti.

"I'm glad tho. Thank you for forgiveness. Sana mapatawad din ako ni Julius and I promise na hindi na ako manggugulo sa inyo. I-I'll go to work now." Singhot nito at umalis. Naaawa ako sakaniya. But I'm a little bit annoyed to her. After all may karapatan din naman akong magalit dba?

Matapos ang ganoong eksena ay umuwi na kami galing mall. Bukas pala ang check up ko sa aking Ob. Mukhang si Mommy at Trisha ang kasama ko bukas ah.

Pagkababa ko ng kotse ay nabigla ako sa aking nakita. Tristof is smiling widely at our front door with his sunglasses, messy but cool hair and a blue polo shirt and a ripped pants with a white shoes. Mas lalo siyang gumwapo ah. Bumalik na rin ang Tristof na masex appeal at confident.

"Did I surprise you two?" Tanong ni Tristof at napatakbo si Trisha kay Tristof at napayakap habang buhat ni Tristof si Trisha. Hindi ba ako nananaginip ngayon? Or I am having a weird illusion because I miss him so much?

Playful Love (Abuico Series 1)Where stories live. Discover now