Chapter 41

213 3 0
                                    


CHAPTER 41

Peisha's P.O.V

"Babe? What's the matter?" Tanong niya dahil nararamdaman niya ang panginginig ng kamay ko.

"Hindi... L-lumayo ka!" Sigaw ko sa tito ni Tristof.

"Babe bakit ka sumisigaw?" Mahinahong sambit ni Tristof.

Namutla naman ang tito nito at mukhang natandaan na ako.

"PEISHA! Why are you shouting!?" Sigaw ni Daddy at tuluyan akong napaiyak.

"Ilayo niyo ang lalaking iyan sa akin! Please... Huwag po! Huwag niyo akong kunin ulit! Huwag niyo akong tangkaing gahasain ulit!" Nagflashback sa akin ang mga nangyari noong bata ako.

Siya ang mastermind sa pagkidnap sa akin. Hindi ko makakalimutan ang mga ginawa niya. Naalala ko din na balak niya akong gahasain at dahil nga sa maliit ako ay nakatakas ako sa kamay niya bago gawin iyon.

Masuado akong natrauma kaya halos mangiyak ngiyak sila Mommy at Daddy kaya isinama nila ako kay Grandma sa Amerika.

Nabigla si Mommy at Daddy pati narin si Grandma. Hindi namin naipakulong ang mga nangkidnapped sa akin. Ang kaisa isang testigo noon ay namatay. Hindi man lang sinabi kung sino ang master mind.

"A-anak.... Ano bang sinasabi mo." Naiiyak mna sambit ni Mommy.

"SIYA YUNG KUMIDNAP SA AKIN!! WALANGHIYA KA!! HALOS MABALIW AKO SA GINAWA NIYO NOON!!" Sigaw ko at humagulgol sa tabi ni Tristof.

"Hija... Dati pa--" pinutol ko ang sinasabi niya.

"SHUT THE FUCK UP! DAPAT NAKULONG KA! DAPAT NAKULONG KA!" Isang malakas na sampal ang ginawad sa akin ng Dad ni Tristof.

"DAD!" Galit na sigaw ni Tristof at hinawakan ang pisnge ko. Umiyak ako sa dibdib niya at niyakap niya naman ako.

"Julio!! How dare you to slap my daughter!!" Sigaw ni Daddy.

"Hindi magagawa ng kapatid ko ang ganoong gawiin, Dark! Mabait ang kuya ko." Matigas na sambit ni Sir Julio.

"Anak... Sure ka ba na siya iyong ku--"

"Mommy! I'm sure! Siya iyon!" Sabi ko sakanya.

"Patawarin niyo ako... Your daughter is telling the truth." Nakapikit na saad ni Tito Fausio at agad naman itong sinuntok ni Daddy.

"How dare you to kidnap my daughter! How dare you to rape her! Hindi mo ba alam kung gaano kami naghirap sa reaksyon ng anak ko ng makatakas siya sa kamay niyo!?" Galit na turan ni Daddy.

"Stop this fight! Please! Clear your minds! Y-yaya! Please give me some water. I think I'm suffocating." Sabi ni Grandma at umalis sa lugar na iyon.

"B-bakit mo ginawa iyon kuya?" Saad ni Sir Julio at umiling lamang siya.

"I did it for our company. Kundi dahil sa akin ay mahirap na tayo ngayon. Nang manghina ang kumpanya ng Sharwen ay nagkaroon ng maraming investors ang kumpanya na galing mismo sa Sharwen. Kapag kinidnap ko ang unica hija ng CEO ay maaaring mapabayaan nila ang kumpanya. Pasalamat kayo sa akin at mayaman pa tayo. And hindi namatay ang anak ko sa sakit sa puso." Nakasmirk na sambit ni Tito Fausio.

"WHAT THE HELL KUYA!? Wala ka bang tiwala na kaya kong iangat ang kumpanya!? Hindi ka ba naniniwala na ako na ang bahala sa anak mo!" Nagagalit  na sambit ni Sir Julio at umiyak lamang si Tito Fausio.

"Nagsisisi ako noon. Dahil sa pagkalulong sa alak ay nagagawa ko ang mga bagay na dapat hindi ginagawa ng isang business man. Alam mo ba kung ilang taon akong nagsisisi noong nandoon na kami sa L.A? Hindi mo ba alam kung gaano ko gustong humingi ng tawad sa babaeng ito. Please Hija... Please forgive me..." Naluluhang sambit ni Tito Fausio.

"Hindi niyo alam kung gaano kahirap magpatawad. Tinangka niyo akong gahasain? Sinaktan niyo ako? Kinulong sa isang madilim na lumang bahay. Mahirap po. Hindi po ako anghel na kayang mapatawad kayo." Walang emosyong sambit ko at iniwan ko na silang lahat sa dining area.

Pumunta ako sa kwarto ko at doon umiyak. Akala ko tapos na ang sakit ng nakaraan. Akala ko gusto niya akong ipamigay dahil sa maganda ako pero para pala sa kumpanya nila.

"Babe..." Sambit ni Tristof na nasa tabi ko ngayon.

Tinignan ko siya ng may luha sa pisnge at pinunasan niya naman iyon.

"Makakaya natin to babe.. Tiwala lang... Babe ngayon ko gagawing ipaglaban ka." Sambit niya at sinuklay suklay ang buhok ko.

"Babe... Itinigil nila ang kasalan. Babe sana ipaglaban mo din ako. Naluluhang sambit niya.

"Ipaglalaban kita pero... Sa ngayon please kailangan kong mapagisa." Lumuluhang sambit ko.

"Babe..." Lumuluha na rin na sabi niya at umalis.

Playful Love (Abuico Series 1)Where stories live. Discover now