Chapter 73

196 2 0
                                    


CHAPTER 73

Peisha's P.O.V

Kumain na kami ng lunch at ang pwesto ay magkatabi kami ni Trisha at sa kabila ko naman ay si Tristof samantalang kaharap namin si Jendle at Earl pero yung kasama namin sa ibang table kumakain. Maliban nalang kay Ranz na katabi si Trisha. Close agad eh noh?

Binigyan ni Earl ang plato ko ng shrimps. Waaah! My favorite seafood!!!

"Thanks Earl!" Masayang sambit ko at nilantakan ang hipon sa plato ko. Ang tagal ng hinahanap ng taste buds ko toh!

Si Tristof naman nilagyan ng buffalo wings ang plato ko. My favorite too!

"Thanks babe..." Ngiti ko at nakaramdam naman ako ng pangingiwi sa harap namin. Si Tristof lumaki ang ngiti.

"You will get fat Mommy! Akin nalang po yung shrimp!" Sambit ni Trisha at kinuha saakin ang binigay ni Earl.

"Hindi ka naman kumakain ng hipon Trisha ah?" Tanong ko.

"I'll try po. Ranz is rating some too eh." Sambit niya. Napailing nalang ako. Mambabatok talaga ako ng bata.

Lumingon ako sa kanila at nakita ko namang pasimpleng hinahawakan ni Jendle ang kamay ng mahal ko. Malandi talaga. Sinabi ng mahal niya ako eh.

"Excuse me? Bawal ang censored sa hapagkainan. Lalo na kung malandi. Get your hands off of him." Irap ko at nginitian niya lang ako ng nangaasar.

"I'm not doing anything Peisha. Unless someones doing it." Sambit ni Jendle at napatawa lang ako.

"Excuse me? Hindi naman gagawa ng ikakasama ko iyan pero kung pinpilit mo talagang gagawa iyan ng paraan kaso para ikasasaya ko." Smirk na sabi ko at napairap naman ang gaga at patuloy na kumain. I always win the game.

"Mommy!! I want some chicharon!" Sambit ni Trisha at nagtaka naman akong tinignan siya.

"What's with chicharon princess?" Tanong ni Tristof.

"I envy Ranz. He told me how chicharon taste so good so my taste buds are tickling me. Argh!" Sambit nito at natawa naman kami.

Puro parinig lang ang ginagawa ni Jendle at Earl sa amin ngunit parang girl vs girl at boy vs boy ang labanan. Inosente nama yung mga bata kaya walang alam.

"I wonder.... Kung we didn't come back here Dawn... Aren't we happy?" Tanong ni Earl sa akin at umiling nalang ako. If I know papainggitin niya si Tristof. I told him many times na I love Tristof at hindi ko siya kayang mahalin gaya ng pagmamahal niya kaso masyadong mapilit eh.

"Sana nga hindi na kayo bumalik Earl eh." Sambit ni Jendle at nanggalaiti naman akong tinignan siya.

"Stop it Jendle. Stop that nonsense your doing." Sambit ni Tristof.

"Come on Julius! Kung hindi sila bumalik dito kasama yang anak niyo--" Inapakan ko ang paa niya mula sa ilalim ng lamesa. Kailangan niya pa bang idamay ang anak ko. Napaouch naman siya at tinignan ako ng masama.

"First of all... Hindi kami nagkabalikan ni Tristof dahil kay Trisha. Second mahal namin ang isat isa kaya kami nagkabalikan. And third, you are just a desperate slut trying to snatch my love but I won't let you do that." Sabi ko at tumayo bigla si Earl. Nasaktan ata sa sinabi ko. Bigla namang nagtaka si Trisha at biglang nagtanong.

"Are you fighting Mommy? Look all your faces. You look all mad." Sambit ni Trisha. Yes... I'm damn mad kasi nadadamay ka pa dito. Plastic lang pala yung higad sa anak ko para makuha ang atensyon ni Tristof. Naiirita ako sa bwiset na iyon close na sila ng anak ko eh.

Playful Love (Abuico Series 1)Where stories live. Discover now