Epilogue

237 3 0
                                    


EPILOGUE

Tristof's P.O.V

"Daddy! Bakit ang bilis matuto ni Dale?" Pagtatantrums ni Trisha sa amin habang itinuturo si Trojan-- ang pangalawang anak namin ni Peisha.

Natawa akong tinititigan siya. It's been 5 years since ng magpakasal kami ni Peisha. We have three children now. Ganoon kabilis ang isang Abuico noh!

"Maybe mana sa ate." Sabi ko at napangiti naman ito ng pilya. Mukhang nauto ko haha!

"Why would I be like ate Trisha? She's so madaldal, malikot, childish--" Hindi na natuloy ni Dale ang pangaasar niya dahil tinakpan ni Trisha ang bibig niya.

"Mas madaldal ka pa sakin Dale! Anong ako!? Shut your big big mouth ugh!" Naasar na sambit ni Trisha at natawa naman kaming dalawa ng lalaking anak ko.

"Kayong tatlo diyan. Pinagtutulungan niyo na naman ai Trisha? Bakit hindi niyo ko isali?" Sambit ni Peisha mula sa likod namin.

"Mommy naman eh!!" Maktol ni Trisha at natawa kaming lahat.

Papalapit sa akin ang ina ng mga anak ko karga ang 1 year old naming anak na babae. Si Jeiza Pransley Abuico. The little princess in our home. Nakikitawa din ito sa amin.

"Ikaw Jei? Kanino ka nagmana kay ate Trisha d'ba? Dba?" Pangbaby talk nito sa kapatid at tumahimik naman ang masaldal na si Jei. Mukhang pati siya marunong ng asarin ang ate.

"Bakit ganiyan kayo! Argh!" Gigil na saad ni Trisha sa mga kapatid.

"Don't worry Trisha mana ka naman sa kagandahan ko eh." Sabi ni Peisha at nakipag apir kay Trisha.

Nakita naman naming mukhang papatulog na si Jeiza kaya nagpaalam muna si Peisha na papatulugin ito.

"Hey ate! Can you teach me those stuff you're learning at your school?" Nagpapacute na saad ni Dale at nagisip naman kunwari si Trisha.

Trisha is a 8 years old girl now and a grade 3 student and Dale is 4 years old boy and a preschooler. Akalain mo yon? Preschooler palang magaling ng mag color, magsolve ng equations at magaling na mag isip. Minsan naisip na namin ni Peisha na ipasok na siya sa collage eh.

"Try nga natin! Doon tayo sa kwarto mo tapos bigyan mo ako ng mga cookies mo doon." Sabi ni Trisha at nagpaalam sa akin ang dalawa na mag aaral muna. Mga batang iyon. Nagmana talaga ng ralino sakin. Hahaaha!

Umakyat ako sa kwarto ni baby Jei. Siguradong nandoon si Peisha.

Sinilip ko iyon pero walang tao at makikitang tulog na tulog si Jeiza. I can see her features in her mother. Si Trisha ang kakaiba ang mukha dahil pinagsama ang mukha namin ni Peisha but si Dale nakuha lang ang mukha ko. Carbon copy namin silang tatlo kung tutuusin

Nakita ko si Peisha na nilalanghap na naman ang sariwang hangin. That woman is really I loved? Impossible right? Hanggang ngayon nagtataka parin ako kung bakit naging akin siya. Napakaperpekto niya para sa isang gungong na tulad ko. How come I became her husband.

Niyakap ko siya mula sa likod niya. Napatalon naman ito sa gulat.

"Napakabango naman ng asawa ko." Sabi ko at inamoy amoy ang kaniyang leeg. Hindi parin ako nagsasawa sa amoy niya. Kahit araw araw ko siyang katabi sa pagtulog.... Hindi nakakasawa ang amoy niya.

"Kailan ba ako hindi naging mabango sa pangamoy mo?" Tanong niya at humarap sa akin. Napangti naman kaming dalawa at ipinagdikit ang noo at ilong namin.

"Bakit ako, Peisha? Bakit sa lahat ng mga lalaki sa mundo ako ang napili mo? Bakit sa lahat pa ng mga lalaking nakasalamuha mo bakit ako yung pinili ng puso mo?" Tanong ko habang hinahalikan ang labi niyang nakakaadik sa lambot.

"Hindi ko din alam, Tristof. Basta nalaman ko nalang na I am deeply in love with you. What did you do to stole my heart you jerk? What did you do to make me lose to you?" Tanong niya sakin. Hindi ko din alam. I'm so speechless and all I want to say is I love her.

"I love you so much. That's all that I know. I love you Peisha.. Ang pinaka dabest na asawa sa lahat ng babae." Sabi ko habang hinahalik halikan ang labi niya. Hindi niya natutuloy ang sinasabi niya dahil sa mga halik ko. Naliliyo kaming dalawa.

"I love you too my husband... Mahal na mahal kita kaya wag mo na ulit akong iiwan dahil ikakamatay ko." Sabi niya at hinagkan ko siya. Kung panaginip ang lahat ng ito ayoko ng magising pa. And because of all person. We started playing the fire of lust. We started tricking each other. And we are know sharing the same house with our precious children. We are know loving each other but I won't erase the fact that we started on a playful love.

A/N: Check out my acc again! Andoon na ang Prologue ng kwento ni Trisha! Love lots!

Playful Love (Abuico Series 1)Where stories live. Discover now