Chapter 69

194 2 0
                                    

CHAPTER 69

Peisha's P.O.V

"Mommy go swim na! It's so hot na po oh! You can't enjoy the water sige ka po." Anyaya ni Trisha na hawak hawak ni Earl dahil may pagkamalalim ang tubig. Yung dalawa ayun naglalandian sa sulok. Naka yellow polka dot at orange ang bikini ni Jendle at naka jersey naman at topless si Earl. Hindi pa ako magbababad hangga't hindi pa nagbababad si Tristof. Nandoon lang siya sa gray sando niya at jersey shorts din. Kinakalkala ng mismong phone. Hayaan mo siya Pei! Andoon yung babae niya.

Lumapit si Jendle kay Tristof at nakipagkwentuhan yung bwiset nalalaking yon naman nakatingin sa katawan ni Jendle. Mas sexy pa ako diyan!! Buto buto lang ang meron yan! Tss.

Mukhang nakumbinsi naman itong magswimming kaya hinubad niya ang sando niya at tumambad sakin ang malutong na pandesal na nakain ko lang kagabi-- Wait what?

Bigla itong tumingin sakin at lumapit. Nagulat naman ako ng isara niya ang bunganga ko? Teka hindi naman nakabuka eh? Nakasiwang konti lang.

"Papasukan yan ng langaw Dawn." Sambit nito nangaasar at nagdive papunta sa anak ko. Bigla namang natawa si Trisha dahil kinikiliti ito ng tatay niya at walang choce kundi bitawan ito ni Earl. Makikita mo sa mukha ni Earl na bigo siya. Mahilig lang talaga siya sa mga bata. Hays... He's obviously perfect father.

Lumangoy papunta sakin si Earl. Ngumiti naman ito sakin at ngumiti rin ako pabalik.

"Swimming ka Dawn. Wala na akong baby." Pout na sabi niya at sinapok ko naman siya. Naku! Nadidistract ako sa mga braso niya na super malaman. Ang sarap lang kainin!

"Mommy! Stop na daw po kayo diyan!" Sigaw ni Trisha at tinignan si Tristof at ang sama naman ng tingin nito samin.

"Nakakaselos na Dawn. Lagi nalang si Tristof ang kasama ni Trisha. Miss ko na talaga ang baby ko haha!" Tawa niya at napailing nalang ako. Close talaga sila ni Trisha kaya partner yan sa pangaasar sakin. Nakita ko naman sila na

"Osya sige..." Hinubad ko ang robe na tumatakip sa bikini ko at bigla namang napanganga ang lahat. Hahaha!

Yung design kasi ng bikini ko ay purple stripes at pinkish na kulay. Pero mas namangha ata sila sa katawan ko. Mas sexy pa kasi ako sa haliparot na yan.

Nakita ko namang masama ang tingin ni Tristof pero at the same time para akong hinuhubaran si Earl naman ganon din maliban kay Jendle na mukhang naiinggit hahaha!

"Mommy! Come swim with us oh!" Sambit ni Trisha at ngumiti lamang ako. Bigla namang may nagring sa phone ko na nasa yable. Sino kayang tumatawag.

"Hello? Snow? Napatawag ka?"

"Girl! We see you!" Sabi niya at luminga linga naman ako. Nandito nga sila pero... Private toh paano sila nakapunta dito atsaka sinong nagimbita sa kanila?

"Snow? Ria? Hana!?" Sambit ko at niyakap sila. Miss ko na ang mga bruha!

"Anong ginagawa niyo dito?" Masayang tanong ko.

"Inimbita kami ng boyfriend mo. Gaga ka wala ka man lang sinabi!" Sambit nila at napakindat lang si Earl. Nakita ko naman sa sulok si Tristof na sasabog na habang si Jendle hawak si Trisha. Iba talaga itong si Earl? Kilala itong tatlong toh? Haha!

Playful Love (Abuico Series 1)Where stories live. Discover now