Chapter 70

214 4 0
                                    


CHAPTER 70

Peisha's P.O.V

"Asan na yung mga pamangkin ko?" Tanong ko at ipinakita ang kaniya kaniyang anak.

"Anak! This is your Tita Pei. Pei this is Ranzell. Anak ko." Masayang bati ni Ria at nagulat naman ako.

"Teka? Magkasing edad lang ba sila ni Trisha? Yung anak ko?" Sabi ko at umiling lang yung dalawa sa likod.

"Nung nagbubuntis ka pala buntis nadin ang gaga hahaha-- Aray!" Ngiwi ni Hana dahil binatukan siya ni Ria.

"Mama! Gusto ko ng magswimming!" Sambit ni Ranzell at nagpaalam naman si Ria na bibihisan ang anak.

"Hana ikaw nalang ang walang anak hahaha!" Asar ni Snow at umirap naman si Hana.

"Pei, ito nga pala ang kambal ko si Skade at Skage." Sambit ni Snow at turo sa dalawang baby. Angcute buti hindi kamukha ni Snow hahaha!

"Fyi Snowy! 2 months palang yung baby ko na nasa tiyan ko kaya shut up!" Sambit ni Hana at kinantyawan namin siya.

Nagswimming lang sila doon at nilapitan ako ni Earl at Trisha. Naiwan din dito si Snow kasama ang kambal niya. Wala pa daw ang mga asawa nila dahil nagtatrabaho. Ako daw wala pa. Psh!

"Why don't you join us there, Snow?" Tanong ni Earl habang nagpupunas gamit ang tuwalya. Teka? Kailan pa sila close?

"How can I join with you kung nandito ang mga anghel ko? Try niyo kaya gumawa ni Pei baka ikaw maranasan mo ito?" Iling ni Snow at tumawa naman si Earl. Nararamdaman ko naman ang masasamang tingin nasa aking likod.

"Kailan pa kayo naging close?" Tanong ko at niyakap ako patalikod ni Earl. Syaks! Ang pandesal niyo kumokontak sa likod ko. Ayayay!

"Hindi ko nga pala nasabi. Pinsan ko yang kumag na yan." Tawa ni Snow at ninakawan naman ako ng halik sa pisnge ni Earl. Babatukan ko na sana siya ngunit bigla siyang nagdive. Argh!

Napatingin ako kay Tristof na para bang lalapain ako kasi sobrang galit ang mukha. Patay! Kahit nagkakatampuhan kami ngayon alam ko kung saan pupunta itong pagseselos niya.

Tatayo na sana siya pero tumalon nalang ako sa pool. Hala! Malalim pala banda dito. Hindi ko kaya!

Bigla namang may humawak sa bewang ko at napayakap ako. Topless at ang lusog ng braso. It's Tristof.

"Tatakasan mo pa ako.. Hindi naman kita sasaktan. Papalasap ko pa nga sayo ang sarap eh." Bulong niya sa tenga ko ng mapangakit at galit.

"Mommy! Come here with us!" Sambit ng anak namin at napangiti naman ako.

Nakikita ko sa sulok ng mata ko ang mga pares ng mata na nasasaktan at nangungutyang nakatingin samin. Si Earl at si haliparot.

"Babe, marunong ka bang lumangoy?" Nakangiting sambit ni Tristof. Kailan pa kami nagbati.

"Sorry nagalit ako sayo kanina. Hindi pala kita kayang ignorahin kasi ikaw ang tumatakbo sa isip ko. Nasasaktan at nagseselos ako kapag malapit ka sa kaniya. Mas nagseselos ako ng hinalikan at niyakap ka niya. Nagseselos ako babe.... Anong gagawin mo?" Sineryong sambit niya habang hawak pa din ako.

"T-tristof naman.... Nakikita ko nga kayo ni Jendle na naglalandian sa hapag kainan. Alalahanin mo ring nagseselos ako--" Natigil ako ng halikan niya ako. Smack lang.

"Mahal na mahal kita babe ko. Binalaan ko na siya at sinabi kong sayo lang ako." Sambit niya at napangiti naman ako sa kilig.

Wala naman akong nasesense na nakatingin kaya hinalikan ko siya. Smack din.

"Mahal din kita, babe. Huwag kang magselos... Kasi sayo lang din naman ako. I.. Love.. You." Sambit ko habang hawak ang ilong niya. Napangiti at napahagikgik naman kami. Mukhang bati na kami ng babe ko. Hahaha!

Playful Love (Abuico Series 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon