Chapter 45

209 2 0
                                    


CHAPTER 45

Peisha's P.O.V

Tinapos namin ang pagluluksa sa pagkamatay ni Grandma. Nakaburol na siya ngayon sa tabi ni Grandpa. I think masaya na siya kasama siya.

Ganiyan sana kami ni Tristof. Magiging masaya hanggang sa mamatay kami. Till death do as apart ika nga kaso mukhang ako lang ang naniniwala doon.

Hindi na din siya nagpapakita sa akin. Siguro jinowa na niya yung zebrang malandi. Magsama sila mga peste.

"Girl! Let's go shopping." Yaya sa akin nila Snow at tumango nalang ako.

I need to begin again. Hindi ako pwedeng magmukmok dito na walang jowa samantalang siya nagpapakasarap sa piling ng impakta.

Nagbihis ako. I wear a pink dress at red scandals. I look cute and hot on the same time.

Sabi nga ni Grandma.. I need to be strong. Now I'm going to be like that.

"You look different... Mas palaban and mas attractive. Tell me Pei! What's your secret?" Naiingit na usal ni Snow at umiling lang ako.

"Pei! We miss you!" Bungad sa akin nila Hana at Ria sa kotse at nginitian ko lang sila.

Nagkwentuhan lang kami sa kotse. Mahirap palang magpanggap na masaya. Masyadong mahirap.

"Bagay ba sa akin Pei?" Tanong ni Hana at tinanguan ko lang siya.

"Bakit ba laging ako ang dinadaldalan niyo? May problema ba?" Tanong ko at umiling lang sila.

"Gaga! Alam naming hindi ka pa okay! We've seen you cried everytime na dumadalaw kami. Hindi na kami updated sa buhay mong bruha ka." Sambit ni Ria.

"Mga chismosa kayo hindi ba? Dapat marami kayong signals para makichismis." Sambit ko at umirap lang sila.

"Yeah right! Pero syempre kailangan detailed at mula sayo!" Sabi ni Snow.

Niyaya ko nalang sila sa Starbucks at doon kumain. Marami rami narin ang nabili namin.

"Ziara, I told you na sa condo niyo nalang. Baka mamaya bawal ang mga kakainin mo."

"It's okay Tristof. I told you too na alam ko ang mga kakainin ko."

Pamilyar na boses ang mga naririnig ko sa kabilang table. Ang mga malalanding hayop ng taon.

Ziara ordered something at tumayo. Tristof didn't notice na he's ex fiance is here. Well, I don't freaking care.

"Girl... Si playboy oh? Dba siya iyon?" Tanong ni Hana at siniko naman ni Ria.

Napabuntong hininga nalang ako. I feel sick.

"Let's eat on another place kaya, Girl? I--"

"Bakit tayo lilipat, Ria. They don't owe this place. Hayaan mo na." Sabi ko.

"Gusto mo bang kalbuhin ko?" Tanong niya.

"Wag mo ng pagaksayahan ng oras iyang mga iyan. They don't deserve any attentions." Sambit ko.

Hinihiling ko pa naman na sana balikan niya ako at huminga araw araw ng tawad. Mapapatawad ko naman siguro siya ng dahan dahan at mabibigyan ko siya ng second chance pero mas pinili niya iyong higad na iyan.

Parang naduduwal ako na ewan. Nagpaalam ako sa girls na magccr lang ako.

Nang mahanap ko ang cr ay hindi ako nagatubiling pumasok at dumuwal.

Wala naman akong nakaing masama pero bakit naduwal ako?

"Girl? Bakit naduwal ka?" Nagtatakang sambit ni Ria at binigyan niya ako ng makahulugang tingin.

No way.... W-wala naman siguro hindi ba?

"A-are you still a virgin? If not are you taking pills?" Napapikit ako sa mga tanong ni Ria. Hindi ako pwedeng mabuntis ng hinayupak na iyon!!!

Playful Love (Abuico Series 1)Where stories live. Discover now