Poser 8: Ititigil o itutuloy?

351 15 4
                                    

Yeng's Coffee Shop......

Pumasok ako sa coffee shop ng aking frenny. Binati agad ako ng mga staff niya pagkakita sakin.

"Ahm Jo asan si Yeye?" tanong ko dun sa nagbu-brew ng kape.

"Ay Miss Ashiedea nasa office niya po,masakit daw po kasi yung puson niya"

Tumango nalang ako at dumiretso sa office ng aking kaibigan

•••••••••••
A/N: Ashiedea po ang pangalan ni Ate gurl nyo! Ito na nareveal na rin sawakas!!!
•••••••••••

Kumatok muna ako bago pumasok.

First time kong kumatok kasi dati dire-diretso lang ako papasok rito.

Last time na dumiretso ako dito ay nakita ng aking mga innocent eyes na naghahalikan sila nung jowa niyang si Conrad.

Kaya lang ako kumatok ngayon kasi alam kong magiging dragona ang aking frenny kapag dumiretso nanaman ako ng walang katok-katok na nagaganap.

"Pasok" sabi niya

Pagkapasok ko nakita ko siyang hinihilot ang kaniyang sentido.
Tapos sa bandang tiyan niya ay may ointment.

"Hello Ye" bungad ko.

Tumingin siya sakin at pilit akong nginitian.

"Napabisita ka?" sabi niya

"Naboring ako sa house-sish namen e"

"Sus pumunta ka lang rito para makalibre ng merienda e"

Ngumuso ako.

"True ahaha"

Kinuha niya ang telepono sa mesa at nag-dial ng numero.

"Hello Jay, paki dalhan naman ako ng dalawang Iced Americano rito sa office atsaka anim na donuts....oo kahit anong flavor...hmm lagay mo nalang sa box....ahh sige salamat" at binaba niya na ang telepono.

Humarap siya sakin.

"Ye gala tayo sa susunod na araw."

"Meron ako. Di ko mae-enjoy kapag gumala tayo" malungkot niyang sabi.

Namutawi ang katahimikan sa aming dalawa. Nabasag lang iyon ng may kumatok.

"Pasok" sabi ni Yeng.

Inihatid samin ni Jay yung mga merienda namin.

Kumain na kami. Sa gitna ng pagkain ay nagsalita si Yeng.

"Beshy diba wala you jowaers?"

"Oo bakit?"

Lumikot ang kaniyang mata.

"Hoy naku wag mo ng balaking hanapan ako! Magmamadre ako!" pasigaw kong sabi.

Tumawa siya pero huminto rin ng sumakit uli ang puson niya. Napangiwi siya sakin

Hahaha ang karma talaga ang bilis kumilos.

Alam ko yung mga ganunan ni Yeng e. Hahanapan ako ng jowaers tapos yung ihaharap niya sakin e yung mga pinsan niyang mga siraulo.

Mga babaero, basagulero, lahat ng ero meron ang pinsan niya.

Hinawakan niya ang kaliwang kamay ko.

"Bes I think it's time for you to find your jowaers. Ilang taon kana ba uli? Hmmmm....bente. 12 birthdays to come wala ka na sa kalendaryo. Kaya magjowa na you te"

Kulit rin nito e.

"Ayoko pa,enjoyin ko muna lifeu ko"

"Anong e-enjoyin mo? Yang pagpapanggap mong lalaki sa fb?"

Ngumuso lang ako.

"Naku ka naman besshylogs e! Itigil mo na yan! Di ba you naaawa sa mga nabibiktima mong gerlalu? Girl ka rin at hindi boy! Siguro kapag naging lalaki ka ay ganyan ang gagawin mo. Nako tatapyasin ko yang TT mo pag nangyaring ganern"

"Easy lang wag highblood baka bumulwak"

Kinurot niya ako sa tagiliran.

"Aray ko naman!" ungot ko

"Ititigil mo yan o itutuloy mo?" gigil na tanong niya.

"Pag-iisipan ko" lang ang nasagot ko.

Tiningnan niya ako ng masama.

••••••••••••••••

ExPeep: HELLO MGA BESSYWAPS! KUNG UMABOT KA SA CHAPTER NA ITO AY MARAMING SALAMAT SA IYONG PAGBABASA! SORRY KUNG MAIGSI LANG ITO MARAMI PA KASI AKONG GINAGAWA YOU KNOW? ANYWAY HIGHWAY ITO NA ANG PROMISE KO SA INYO!

Deleted.

Ahihi
180910 7:45 pm

HAHAHAH SO AYON NOH! SALAMAT PO TALAGA NG MARAMI.

LABLATS AND HAVE A BLESS SUNDAY TO Y'ALL!!!!

Poser Where stories live. Discover now