Poser 14: Dede

213 6 0
                                    

"San ba sila pumunta?" naiirita na ako.

"Ayern bumili ng pagkain natin"

Tanging tango nalang ang naisagot ko.

Dito kami sa terrace nakatambay. Dinadama ang simoy ng hangin sa gabi.

Alas-otso na pero ba't ang liwanag pa dito sa lugar na ito?

Wala sa sariling napatingin ako kay Ashiedea habang nakayukyok siya sa kahoy na harang sa terrace.

Nakanguso siya habang binuburutrot ang kaniyang labi.

"Sa dilaw na buwan" bigkas niya.

Kumunot naman ang aking noo.

"Pakingan mo ang aking sigaw, sa dilaw na buwan"

It is supposed to be a song of Juan Karlos Labajo pero bakit parang tinutula niya.

Iniangat niya ang ulo at nagtama ang aming paningin.

"Ayon diba yung kinakanta mo kanina?"

Nanlaki ang mga mata ko. Pinaliit ko naman ito kalaunan.

I should stay calm. Ano ngayon kung narinig niya?

"Yeah"

"Kantahin mo nga ng live" utos niya, umayos siya ng pagkakatayo at tumitig saakin.

Seriously?

"Panget boses ko" sabi ko. Which is true.

Singer lang ako sa banyo.

"Really eh ano itong narinig ko?" mula sa bulsa ay inilabas niya ang kaniyang phone at my pinindot doon.

Maya maya'y narinig ko ang boses kong kumakanta ng Buwan.

Pinilit kong kunin ang phone niya sa kamay niya upang i-delete iyon.

Ramdam kong namumula ang mukha ko dahil sa hiya.

"Sige na kasi dede"

"The fuck?"

"Hala siya napamura" tinakpan niya pa ang bibig, kunwari'y nagulat.

"Dede?"

"Dede, ikaw si Dede"

"Paanong dede ang pangalan ko babae?"

Hinampas niya ako sa dibdib.

Mapanaket tsk tsk!

"Anong babae? May pangalan ako noh!"

"Oh tingnan mo nagalit ka rin ng tawagin kita ng babae same here Miss! Hindi dede ang pangalan ko"

"Eh gusto kitang tawaging dede eh! Xander, san dede!" Namula ng bahagya ang pisngi nito.

"Oh diba parang santo HAAHHAHAHA"
dagdag pa nito.

Hindi mapigil ang pagtawa nito na halos ikamatay niya na. Humawak pa siya sakin para siguro suportahan ang katawan niang halos bumagsak na sa sahig sa kakatawa.

Nakarinig ako ng shutter sound mula sa likuran namin.

"Umalis lang kami nagkadevelop-pan na kayo kaagad" si Conrad na nakangisi at nanunukso.

Yumakap naman si Yeng sa kaniya.

"Ano ba hayaan mo sila Conrad babe!"

Tumawa lang silang dalawa.

Umayos ng tayo si Ashiedea. Hindi ko namalayang lumumpasay na pala siya sa lapag.

"Kakanta ka! Mamaya!" siningkitan pa niya ako ng mata bago bumaba


Poser Where stories live. Discover now