Poser 15: Mundo

243 8 0
                                    

Nakanguso kong tinahak ang banyo upang jumebs.

Umalis na yung mga magjojowa. Ang natira na lamang ay kami nila Yeng, Dede at Conrad.

May mga kaniya-kaniyang family outing daw bigla.

Nagtipa ako ng mensahe para sa aking pinakamamahal na kapatid na si Sancho.
Kahit ganun ang ugali ng kapatid ko live na love ko yun.

To: Sancho Baho
Baho kumain na kayo?

Nakatapos na akong mag-tae session pero wala paring reply ang kupal na ito. Babawiin ko na yung word na mahal na mahal ko siya.

Pero bago ko i-flush ang aking brownies ay tumunog ang aking phone.

Sender: Sancho Baho
Parang tanga si ate, nagpunta ka lang sa Bulacan naging engot ka na. Alam mo naman ang oras ng kain natin dito sa bhay tas tatanungin moko kung kumain na ko? MAY GHAD CASSIE! YOU DO NOTE THE LIAR IS MAH PEYK! HNDI KA MUNA PAPASOK CASSIE!

Jusmiyo halos umakyat ang dugo sa ulo ko dahil sa reply niya. Iyong batang iyon dapat talaga ay inilalayo ang cellphone sa kaniya. Kung anu-anong nalalaman.

Naalala ko na naman tuloy iyong ginawa niya nung grade 3 siya. Naguisance kasi nanood ba naman ng p0rn sa loob ng classroom at talagang niyaya niya pa yung mga kaklase niyang lalaki para manood. Aba loko lokong iyon, tas pagdating sa bahay ngingisi ngisi pa. Tinanong siya ni Mama kung sino ang nagturo sa kaniya manood nun ang sagot niya si Kuya Reiji daw.

Manyak na nga ang kuya ko manyak pa ang bunso kong kapatid. Mga suki ng youjizz, porn hub at xxx. com.

Kaya bumabagal net sa bahay e, nanonood kasi yung dalawa. Buti nga't hindi ako naging lalaki at baka ganun rin ang maging hobby ko.

Paglabas ko sa banyo ay nakita kong nagpupunas si Dede ng basa niyang buhok.

Naligo na siguro ito sa banyo nila Conrad. Ang tagal ko kasing jumebs e. Ganun talaga pag namamahay ang pwet mo.

Tumalon ako sa kamang napakalaki.

Lumapit si Dede sa kama at kinuha ang dalawang unan.

"Oh san ka matutulog?"

Inginuso niya ang sofa. Kakasya ba siya dyan? Eh ang liit lang niyan at napakatangkad niya. Halatang lalagpas ang mga binti niya kapag humiga siya diyan.

"Diyan ka na matulog, feelingera ka pa naman baka sabihin mong gusto kitang makatabi sa pagtulog" Inayos niya ang unan at sumampa na sa sofa. Gaya ng sabi ko lumagpas nga ang mga binti niya.

"Kapal nito!"

Nginisihan lang ako nito at inilagay ang braso sa bandag mukha upang  takpan ang mata.

Pinatay ko na ang ilaw at nahiga namuli ako sa kama.

Halos magbebente minuto na kong nakakarinig ng pag-ikot, binuksan ko ang lampshade at napagtantong si Dede ang gumagawa ng ingay na iyon.

Bigla siyang nahulog sa upuan ng tinry niyang dumapa.

Tinawanan ko naman siya. Kakamit kamot ulong bumalik siya sa pagkakahiga doon.

Tinapik ko ang kama. Hindi dahil gusto ko siyang makatabi noh? Yucks! Naaawa kasi ako kay dede! Ang laking tao tas sa maliit na sofa lang natutulog.

"Tumabi ka na kasi dito! Ang arte arte mo kasi, kala mo kakasiya ka diyan eh ang laki laki mong tao"

Sinunod naman niya ang ginawa ko.

Pinausog niya ako, pero nahiga lamang siya sa maliit na espasyo ng kama. Parang ayaw dumikit sakin. Arte nito kala mo naman talaga may virus ako! Hmp!

Pinatay niya ang lampshade. Narinig ko pa ang ingit niya ng tumihaya siya.

Papikit na sana ako ng magsalita siya.

"You want me to sing you a song right?" aniya sa paos na boses

Wala sa sariling tumango ako kahit alam kong hindi naman niya makikita iyon.

"San darating ang mga salita?....Na nanggagaling sa aming dalawa......Kung lumisan ka, wag naman sana.....Ika'y kumapit na ng hindi makawala...Aking sinta ikaw na ang tahanan at mundo...Sa pagbalik mananatili na sa piling mo...mundo'y magiging ikaw"

Yung boses niya ay medyo husky at ang sarap sarap pakinggan.

Bago ko ipikit ang aking mga mata narinig ko pa ang huling mga sinabi niya.

"Mundo by IV of Spades"

------
exceptionally: oo alam kong naiinis ako sa kantang mundo pero anong magagawa ko? that song fits the chapter!

Poser Where stories live. Discover now