Poser 6: Chat

438 12 1
                                    

Xyrill Lim

god your boobs
are pretty big 0o0

HAHAHAHA
I KNOW!!

Btw ilan taon kana?

50-30?

20 so ur 20?

20-8?

12 bakit ba
tayo nag-ma-math?

------------

Peste tong Xyrill na ito! 3ggerd niya senses ko potek! Magma-math pa kami hindi nalang sabihin ng deretcho.

Nag-log-out muna ako kasi medyo na stress ang aking beauty.

Ang hirap palang magpanggap na lalaki. Wala naman kasi akong TT e. La rin akong abs.

Napapiksi ako ng bumukas ang pinto ng aking kwarto. Tinago ko kaagad yung cellphone ko.

"Nu ginagawa mu?" mapambwiset na bungad saakin ng bunso kong kapatid.

"Wala. Bat andito ka?" walang gana kong sabi.

"Paturo assignment" ngumuso pa siya

Kala mo naman cute. Tirisin ko bunbunan mo e.

"Anong subject?"

"Math and Science. At saka sabi ni Mama ikaw na gumawa ng project ko sa ESP. Alam mo naman yung pagmamatamis e."

Kumibot ang sentido ko. Malapit na akong sumabog.

"Hoy narinig moko ate?" kinaltukan niya pa ako.

Gagawin mo pa akong taga-gawa ng assignment mo! Peste ka!

"Lumabas ka rito kung ayaw mong dagukan kita"

"Daddy daddy si Tito Badang dadagukan ako."

"Isa."

"One"

"Dalawa. Pagdi ka talaga lumabas tatapyasin ko yang TT mo"

"Two. I'm like TT just like TT" sumayaw at kumanta pa ang gago.

"Di ka talaga lalabas?"

"Oo. Walang aawat hah. Walang aawat"

Sinugod ko siya at kinuskos ang kamao ko sa ulo niya. Na nagbigay init sa kaniyang ulo. Sanhi para mapaiyak siya.

"Taph! Taph! Taph!" umiiyak niyang sabi.

Binitawan ko siya at ng pagkabitiw ko sinampal niya ko. Bweset na bata!

Sa totoo lang ang sasama talaga ng ugali ng mga bunso. Biruan mo yun mga spoiled sila kasi huling inilabas ng mama nila. Sarap lang puksain.

Nagtataka lamg ako famous lines yung lumabas sa bunganga nya.

Yung katulad nalang ng:
Taph, walang aawat, nu ginagawa mu?, daddy daddy si tito badang.

Liek ano yun? Mga language talaga ng mga bata ngayon mga pang-alien na. Siguro sa 4D sila nakatira kasama yung mga alien na sobrang laki ang mata at apat lang daliri.

Hayss tama na nga stress na beauty ko.

Nag-hilamos na ako since matutulog din naman ako ngayon at wala ng iba pang gagawin. Mamaya ko nalang sisilipin reply ni Dyoga HAHAHAH.

180627

Poser Where stories live. Discover now