Poser 9: Ashiedea meets Xander

293 13 3
                                    

ExPeep:sorry kung ang inaasam niyong magpov dito ay si Kyah, mahaba talaga kasi ang chuchuness deto ne ate gurl! madami kasi eto kaya hit you with that ddu du ddu du hahaha

••••••••••••••

"Ano gora na me Sancho ikaw na ang bahala sa bahay hah? Naku wag kang magpapapasok ng kung sinu-sino rito at kukurutin ko talaga yang singit mo!" paalala ko sa bunso kong kapatid.

Ngumuso lang siya at pinagtabuyan na akong lumabas ng bahay.

Tuloy ang gala namin nila Yeng pati ang mga tropa nung boyfriend niyang si Conrad.

Sabi nila sa Bulacan nalang kami pumunta. Doon na rin daw matulog kasi bahay naman daw iyon ni Conrad. Bali doon na rin kami mag-enjoy.

Nasa van kami ngayon.

Si Manong Elvis sa driver's seat at sa passenger seat naman ay nakaupo roon si Conrad. Sa sumunod na upuan naman sa likod ay kaming dalawa ni Yeng. Bakante pa iyong dalawang upuan na katabi namin. Sa likod naman ay wala pang nakaupo.

"Bessy nagdala ka ng pangtatlong araw na damit mo?"

"Gaga sabi mo pang-dalawang araw lang ang dalhin ko!"

Nagpeace sign siya. "Sorry"

Ngumiwi naman ako.

Bibili nalang siguro ako roon.

Tumigil kami sa tapat ng isang kulay krema na bahay. Malaki at maaliwalas. Sarap sigurong tumira roon.

Bumusina si Manong Elvis. Hudyat ng paglabas ng isang lalaki na nagmula roon sa bahay.

Magulo yung hair, naka-shades,maputi, naka-cargo shorts, gray v-neck t-shirt,okay na sana e pero nung tumapat ako sa mukha ay napangiwi ako.

Eh umagang umaga e nakabusangot ang mukha. May regla ata lol hahahaha.

Binaba ni Conrad yung salamin ng bintana.

"Xander bilisan mo, susunduin pa natin sila Matthew at yung iba pang tropa!"

"Oo sandale!" masungit hmmm. Bading nyahaha.

May lumabas na babae sa pinto. Mama niya siguro.

"Baby Xandie, you forgot your boxers" nakangiting sabi nito.

Napasinghap naman ako ng hangin.

Mama's boy. Masyadong bine-baby gurang naman.

"Ma!"inis na usal nito.

Naghubad ng salamin at padaklot na kinuha iyon sa Ina.

Humalik siya sa pisngi at nagpaalam na.

Pagkabukas niya ng pinto sa van ay nagsalubong agad ang mga mata namin.

"Hey bro" nakipag-fist bomb pa ito kay Conrad. Tumango naman siya kay Yeng.

Okeh, hindi ako kasali kasi di ko pa siya kilala.

Umupo siya roon sa tabi ko at hinagis sa likod ang bag na dala niya.

Nangisay si Yeng.

Nagtataka naman akong tumingin sakanya.

Bumulong siya sakin.

"Eyan si Xander. Single yan. Ready to mingle"

Pasimple ko siyang kinurot sa tagiliran.

"Ara-ouch naman beswa" sabi niya.

Nakailang stop kami sa ilang bahay ng tropa nila. Puno na kami sa Van. Apat na babae kami. Tapos apat rin na lalaki.

Poser Where stories live. Discover now