Poser 12: Hidden Talent

214 6 0
                                    

So nasa bulacan rin pala itong kalandian ko ngayon.

No wonder baka nagkasalubong na kami nito pero hindi ko pa nalalaman.

Well maliit nga lang naman ang mundo baka kako nakasalubong ko na siya dito.

Pero imposible rin kasi malawak ang Bulacan.

Hindi na nagreply si Alexous so nagdecide akong umikot ikot sa kama.

Wala naman si Ashiedea dito kaya it's time to do this.

*insert evil laugh*

Yieuttt mga nagi-green dyan umayos kayo.

-------

Lumabas na ako ng Cr dahil halos warakin na ni Yeng ang pinto.

Kanina pa daw siya naje-jebs.

Bakit daw ang tagal ko sa Cr. dinahilan ko nalang na ang sakit ng puwet ko namamahay ata saka sabi ko nagtatae rin ako. Eh dahil taeng tae na siya naniwala naman ang gaga.

Pero totoo yung sa namamahay iyong pwet ko. Gusto ata na umuwi muna ako at doon ako jumeblaks.

Didiretso na ako doon sa kwarto namin ni Xander ng may narinig akong may kumakanta.

"Sa ilalim ng puting ilaw, sa dilaw na buwan.."

Mas idinikit ko pa ang tenga ko sa pintuan at rinig na rinig kong may kumakanta sa loob.

Agaran kong nilabas ang phone ko at nirecord ang boses ng kumakanta.

Mga ilang minuto lang ay natapos na siya.

Ganda naman ng boses.

May talent hehehehe.

Binuksan ko ang pinto at agad na namutla ang mukha ni Xander.

Nagkunwari akong walang napansin saka ako humiga sa kama ko.

Tumingin siya saakin.

Tinaasan ko naman siya ng kilay.

"May narinig ka?" tanong niya

"Anong narinig?" maang kong tanong.

Napapisil siya sa ilong.

"Ah wala" saka siya tumalikod.

At dahil malikot ang isip ko sinabi ko

"Bakit nanonood ka noh?" may halong pangaasar ang tono ng boses ko.

Agad siyang humarap sakin.

Bahagyang kumunot ang noo.

"Anong nanonood? Hindi ako nanonood nun!"

"Hala napaka-defensive"

"Para kasing nambibintang ka eh"

"Nge! Hindi naman, pwede naman sabihin ko na nonood ka ng Cartoons o kaya anime. Defensive masyado di ko naman sinabi na p*rn"

Lumaki ang mata niya.

Ang cute.

Hala potek!

Ano ? Cute??

Eraseeeeeee.

Mukha siyang kwago

"Ahehehe juk lang!" bawi ko.

Lumiit rin ulit ang mata niya.

-----

Lumabas na ako ng kwarto.

May saltik siguro yung babaeng yon.

Pagkamalan ba naman akong nanonood ng porn.

Lintek!

Pero buti nalang at di niya ako narinig na kumakanta. Baka kasi mapangitan siya sa boses ko.

Marunong akong kumanta pero hindi naman bihasa. Yun ang hidden talent ko

Singer nga lang naman ako,sa banyo nga lang.

Tanging inidoro lang ang nakaka-absorb sa napaka-ganda kong boses hahaha :p

-------

Nang makalabas si Xander ay sinuksok ko ang earphone sa phone ko at  isinuot ko ito  magkabilaan.

Pin-lay ang kanta na kinakanta ni Xander kanina.

Ano bang title nito?

ang ganda kasi pakinggan.

Lalo na sa boses niya.

Poser Where stories live. Discover now