Poser 19: Ikaw si Alexous Park

229 9 0
                                    

Pasado alas cinco ay nasa daan na kami pauwi.

Lokong Ashiedea'ng ito ginawa ba namang unan ang hita ko. Kasalukuyan kaming nasa loob ng Van, si Yeng tulog na rin sa passenger seat habang si Conrad ang nasa shotgun, nagmamaneho.

Nagfacebook muna ako saglit, silipin ko lang kung nagreply ba si Alexous sa akin. Ang alam ko parehas kaming nasa Bulacan.

Well what a small world, malay mo nakasalubong ko na pala siya dito.

For the passed two days here I've realized something, I don't need to hide myself, all I need to do is cope with them, using this Poser thing makes me talk to different kinds of people, kahit na sabihin nating nagpapanggap ako bilang babae at least nakakausap ko ang ibang tao thru chat.

All this years I kept on isolating myself, kung sino ang mag-approach sakin ayun lang ang ituturing kong kaibigan, but learning for all of these stuffs I learn that I needed to cooperate with them so I'll earn true friends and not the fake ones.

-----------------

Xyrill Lim

Nandito ka sa
bulacan right?

------------

Umilaw ang screen ng phone ni Ashiedea, what a sync! Nai-send ang message ko and biglang umilaw itong phone niya.

Kinuha ko iyon dahil malalaglag na sa kamay niya.

Wala sa sariling napatingin ako sa top notification niya.

One message from Xyrill Lim

Ayun ang nakalagay, kinuskos ko pa ang mata dahil baka na mamalikmata lang ako pero malinaw na malinaw na siya si Alexous Park.

So all this time yung Alexous na chinachat ko ay babae pala, and ngayon ko lang nalaman na siya si Ashiedea.

Napatitig ako sa mukha ni Ashiedea na mahimbing ang pagkakatulog sa hita ko.

Lady what are you up to? Bakit nagpapanggap kang lalaki?

-------

Nang makarating sa bahay ay naka-kunot ang noo ko, di ko talaga akalaing si Alexous ay si Ashiedea.

Nawala lang iyon sa isip ko ng hawakan niya ang braso ko.

"Ayos ka lang Dede? Kanina ka pa diyan nakakunot noo, may lagnat ka ba?" Dinampi niya ang palad sa leeg ko, sinalat niya rin ang noo ko.

"Wala naman" tinaas niya ang magkabilang kilay saka dumiretso sa kwarto.

-----

Niligpit na namin ang mga gamit namin, bukas ang pinakahuling araw namin dito sa Bulacan, babalik na kami sa sari-sarili naming mga bahay, and this will be my last day with her, being my roommate or should I say bedmate.

Parang ang dumi pakinggan HAHAHA, pero let's just say bunk mate kahit hindi naman bunk bed ang kama dito.

"I'm so tired kaloka!" umikot ikot siya sa kama.

Humiga na rin ako dahil gusto nhmg bumagsak ng katawan ko simula pa kaninang nasa Van kami. Sinulit ko kasi ang paglangoy sa pool dahil kapag umuwi na ulit ako sa bahay hindi na ulit yun mangyayari dahil may phobia si Mommy sa mga swimming pool.

Nakatalikod ako sa kaniya habang siya naman ay nakatihaya.

"Inaantok ka na naman? Kanina natulog ka na sa Van ah, ginawa mo pa nga akong unan mo, ayos ka!"

"Oo naman inaantok pa ko, di naman ganun kalambot iyang hita mo para maging soft pillow noh! Check mo nga kung nagkabukol ako, tigas kasi eh"

Lokong to! Di nya ba alam na halos mangalay yung buong binti ko sa bigat ng ulo niya? Di nalang naging thankful eh!

"Biro lang" hinampas niya ang likod ko, medyo malakas kasi tumunog, napapilipit tuloy ako.

"Hala sorry" tinapik naman niya ngayon ang likod ko.

"By the way De, thank you kasi pinahiram mo ko ng rushguard kanina, and thank you pala sa mga services hah?"

This time humarap na ako sakaniya, nakagilid na rin pala siya paharap sakin.

"Services?"

"Oo services, kagaya nung paglalagay mo ng sunscreen sakin, yung paghawak mo sa kamay ko dahil medyo madulas sa hagdan paakyat sa slide, yung pagpapaangkas mo sakin sa balikat nung nasa malalim na part na tayo ng pool, thanks"

I don't know what to say, all I can hear is my heart pounding so hard like it wants to break in my ribcage and get out of my body.

"W-welcome"

Sa ngayon parehas na kaming nakatihaya ng higa.

"Before we sleep Ash"

"Ayy wow Ash!" Napapalakpak pa siya sa ere, "Ano yun De?"

"May tanong ako"

"Tungkol sa jowa? Wala ako nun"

"No, hindi yan"

"Eh ano?"

"Ikaw si Alexous Park."

Yung tanong na sana ang pinaplano kong tono pero iba ang lumabas sa bibig ko. Naging parang positibo at kumpirmado na siya nga si Alexous. May proweba ako dahil nakita ko ang cellphone niya.

Napaharap siya sa akin na nanlalaki ang mga mata.

"Oo! Paano mo nalaman?"

"Ako si Xyrill Lim"

Parehas kaming nagtitigan.

Sabay naming na banggit ang salitang...

"Poser"

-------

Last chapter to go!!!! ;)

Poser Where stories live. Discover now