Poser 16: Abnormal

197 8 0
                                    

May naririnig akong tugtog pero di ko matukoy kung ano ba yung sinasabi.

Minulat ko ang mata ko at nakita si Ashiedea na nagsusuklay.

"Chungbunhae but I'm starving, baby. Wanna go much higher hey yeah" pagsabay niya sa kanta.

Humarap siya sakin saka ngumiti.

"Bangon na Dede!" daig niya pa ang nanay sa sobrang lakas ng boses niya.

Bumangon naman ako at dumausdos ang kumot sa hubad kong pang-itaas.

"Kaloka ka ba't ka naka-topless? Minolestya mo ba ako kagabi?" nagtaas na man ako ng kilay.

"Hindi ako sanay na natutulog na may damit pang-itaas" kinuha ko ang damit ko sa sahig at isinuot iyon.

Lalaki ako at dapat alam niyang nakatopless kami laging matulog. Madalas nga ay nakaboxer lang ako matulog sa kwarto ko.

Hinaltak ko ang suklay na gamit niya at sinuklay ang buhok ko. Inipon ko ang mga hibla at pinuyod ito.

Mahaba na ang buhok ko kaya kailangan ay talian na. Medyo natutusok na ang mata ko e.

Dumiretso ako sa cr para maghilamos at magsepilyo. Paglabas ko ay nakita kong hawak na ni Ashiedea yung cellphone ko.

Fuck!

Baka makita niya mga katarantaduhan na ginagawa ko.

Agad ko namang kinuha sakaniya ang cp ko. Chineck ko pa kung may ginalaw ba siya dun, pero nakabukas lang yung camera, at nakatutok pa sa akin.

"My god chill ka lang, nagseselfie lang naman ako eh" Binalik ko sa kaniya yung cellphone at ayun nagselfie na nga ang abnoy.

Bumalik muli ako sa Cr at shinampoo ang buhok. Pag-umaga ugali ko ng maligo pagkagising na pagkagising pa lang pero ngayon buhok lang muna.

"Deeeeee!" sumigaw ni Ashiedea

"Oh?" hindi ko alam kung bakit ako sumagot, siguro masasanay nalang ako sa pagtawag niya saakin ng 'Dede'

Pwede naman kasing Xander bakit Dede pa?

"Dalian mo dyan!"

"Bakit? Magsi-cr ka ba?"

"Hindi!!!"

"Eh bakit nga?"

"Paalis na yung Van! Dalian mo!"

Naihilamos ko ang kamay na may shampoo sa mukha ko kaya pati ang mata ko'y nalagyan.

Lintek!

Agad ko naman itong binasa ng tubig. Dali dali akong lumabas ng cr at binigyan siya ng nagtatakang tingin.

"Oh problema mo diyan?"

"Anong aalis na yung van?"

"Aalis tayo! Magmiming! Kaya dalian mo na diyan"

Napakamot naman ako sa batok.

Dumiretso ako sa closet.

"Wag ka na magimpake, ako na nagimpake para sayo"

Tinanguan ko lang siya.

"Aba wala man lang thank you?"

"Thank you"

"Hindi naman sincere"

"Anong tono ba ng thank you ang sincere para sayo hah?" tinaasan niya ako ng kilay.

"Yung sexy parang ganto", umakyat siya sa kama at nagheart sign sa daliri.

"Tenchu" umacting pa siyang nagbibigay ng kiss sa hangin.

Abnormal nga talaga.

Napapakamot nalang ako na ginaya siya.

Tumayo rin ako sa kama at ginaya ang heart sign sa daliri. Pumikit ako at nagsabi ng....

"Tengkyu"

Nang dumilat ako nakita kong nakatutok sa mukha ko ang cellphone niya.

"Carry on, ang cute mo diyan"

Nak'ng Pating!

Mula sa labas ay narinig ko ang busina ng Van.

ipagpapatuloy....

Poser Where stories live. Discover now