Poser 13: Hindi kita type

219 7 0
                                    

Hindi ko talaga alam kung sadyang pinatagal yung araw at nabobored na talaga ako sa lugar na to.

Gabi na at kinabukasan hahaba na naman ang oras na babad ako dito, sa bahay ni Conrad. Ayoko namang sumama sa kanila dahil baka maging Thirdwheel lang ako.

Lahat sila may kaniya-kaniyang lakad. Eh ang sabi magkakasama kami. Mga tokis.

May wifi naman dito pero di ko naman alam kung kakailanganin ko ito.

Madalas patingin-tingin ako sa babae kong acc madalas sa official. Wala namang bago sa official account ko. Puro friend request ulit ng mga babae, mga bakla at mga schoolmates ko. Tinatamad akong mag-accept. Ayoko rin naman makita ang mga pinopost nila dahil wala akong interest na makitingin dun.

May sarili naman akong buhay kaya di ko na kailangang makireact or makicomment sa nangyayari sa kanila. Itong account ko matagal na ito, gawa pa to ni mama nung elementary ako. Sabi niya magpost ako ng picture ko, baka daw kasi madiscover ako at maging model sa ibang bansa. Madalas lang akong magpalit ng profile picture, kadalasan nga inaabot na ng taon bago ako makapagpalit ng bago, wala naman kasi akong matinong picture. Well I'm not interested in modeling. Ayokong makita yung mukha ko sa isang site or sa mga magazines. Kapag kasi sikat ka lahat na nakamatyag sa bawat galaw mo.

You'll feel unsafe, dahil sa mga paparazzi na nakabantay sayo. Yes they were legally prohibited from trespassing on private property, using telephoto lenses to survey private property, or pursuing targets in cars. 

Para silang mga psychopath more like stalkers. Mas ayoko rin yung fact na pagnaging sikat ka lahat ng galaw mo may masasabi sila, once na malink ka dito sa isang issue sobra na sila kaagad mangbash. May mga trolls pa na magcocomment or gagawa ng mga sites tungkol sa issue mo.

It's such a pain in the ass. Mas pipiliin ko nalang maging ordinaryong tao.

Drown in deep thoughts di ko namalayang nakatitig na pala saakin si Ashiedea.
Nakasalumbaba siya habang papikit-pikit. Parang nirerehistro ang bawat detalye sa mukha ko. Baka nga pati paghinga at pagkunot ng noo ko nabilang nya na.

"Ang lalim nyan ah" sabi niya

Hindi ako umimik dahil wala naman akong maisasagot sa sinabi niya.

"Tayo na naman na iwan dito sa bahay, meant to be?" saka siya humalakhak

Humarap naman ako sakaniya.

Napakunot ang noo.

"Excuse me?"

Tumigil siya sa pagtawa at bumalik sa posisyon kanina.

"Hoy di kita type feeling nito"

Bat parang feeling ko bumagsak ang mundo ko sa sinabi niya?

Shet ano ba tong sinasabi ng isip ko!?

"Y-You're not either my type" utal na sabi ko.

Poser Where stories live. Discover now