Poser 18: Miming (2)

177 7 0
                                    

Holy mother of cow and sheeps!!!! Nakalimutan kong dalhin yung rushguard ko!!

Kung minamalas ka nga naman oh!

Natampal ko ang aking noo dahil sa kagagahan ko.

Maaga akong nagising kanina para ihanda lahat ng gamit, pati nga yung kay Dede naiayos ko dahil nung mabanggit ni Yeng na magsiswimming kami today eh tumakbo na ako sa kwarto para ihanda lahat.

Langoy na langoy ka na't lahat nakalimutan naman yung rushguard,bobo kingina!!

"Oh ba't ang haba ng nguso mo dyan bessy?" si Yeng habang isinusuot ang see through fabric niya.

Aba ang loka naka two piece! Sana all.

"Nakalimutan ko yung rushguard ko" malungkot kong saad, napatingin ako sa mga nagtatampisaw sa pool.

Sana all talaga, ayoko namang labagin ang rules dito na bawal ang naka-tshirt.

"Ayy jusmiyo ginoo! Parang kanina aligagang aligaga ka sa paghahanda tas nakalimutan mo pa yung kaisa isang bagay na mahalaga?! Aba tanga!"

"Ewan ko sayo! Maiba ko pinayagan ka ba ni Conrad na magsuot ng ganyan hah?"

"Oo naman, siya pa nga ang bumili nito sakin, ang cute noh?" Umikot pa siya.

Bagay naman kay Yeng kasi flat ang tiyan niya at napakasexy nya talaga. Well portion ang katawan, malaki sa harap malaki sa likod.

Eh ako maliit sa harap, maliit sa likod dagdag mo pa yung baby fats ko sa tiyan.
But despite of this flaws I still accept myself.

"Langoy na ko bes hah? Pakibantayan"

Tinanguan ko nalang siya.

Boring hays.

Kinuha ko ang phone ko at nagselfie nalang. Kunyari ineenjoy.

Nakita kong sumama si Dede sa picture ko, so nagheart sign ako, sumimangot naman siya.

Ano bang problema nitong abnormal na toh? Kanina nakangiti sa unang picture tas nagheart lang ako sumimangot agad.

Ayaw atang pinupusuan HAHAHAHA.

"Oh bat hindi ka pa lumangoy dun?" Buti pa siya naka-rushguard na at swim trunks.

"Naiwan ko kasi yung rushguard ko" ngumuso ulit ako at luminga linga sa paligid, wala namang mabibilhan dito ng swim wear eh.

"Hiramin mo to oh"

Di ko akalaing mangyayari sakin itong tinatawag nilang slow mo, habang hinuhubad ni Xander yung rushguard niya ay nagslow mo lahat, ang bagal, ang kupad. Tapos eksena itong puso ko biglang humirentado.

Nang mahubad niya na ay hinagis niya iyon sa mukha ko, natakpan tuloy ako, nasinghot ko pa ang amoy nito, amoy bath gel ng mga sexy'ng lalaki, eh ang alam ko hindi naman siya naligo kanina, siguro ito yung natural scent ng katawan niya. Kaloka ang bango bango ah!

Tinanggal ko ang damit at nagthank you kay Dede. Okayedt kahit walang abs okay na, flat naman yung tiyan, sa ibaba ng pusod ay may maliliit na hibla ng buhok, at kingina may V line. Hanep papasa na akong observer ng taon.

Nagulat ako ng hilahin niya ako papunta sa Cr.

"Dalian mo, change into that" Pumasok ako sa Cr at isinuot na ang rushguard niya, medyo malaki pero okay na ito.

Pagkalabas ko ay sumalubong sa akin ang kamay ni Xander.

Dumapo ito sa pisngi ko.

"Hoy wait! Ano ba?"

"Wag ka na magreklamo! Buti nga't nilalagyan na kita ng sunscreen"

Kaloka'ng service ito brad ah! Sulit na sulit pwede ng maging yaya ng dyosa'ng katulad ko.

"Ba't nangingiti ka dyan?" tanong niya

"Wala!"

"Don't imagine things! I'm just trying to be helpful"

"Okay aye aye captain" sumaludo pa ako, ngumiti naman siya.

------

expeep: yes napaka-late mian :''(
sana ol may Xander

Poser Where stories live. Discover now