Poser 10: Tambayan

260 13 2
                                    

Okeh mga babe, Point of view na ito ni Fafa Xander ko ahihi!!!!!
Happy Reading :)

-------------
Ba't ba ako sumama rito sa outing na ito?

Napakaboring.

Puro kalandian at kababuyan ang nakikita at naririnig ko.

I'm not use to it.

Taong bahay ako, alam kong bahay ito pero hindi ito ang comfort zone ko.

Gusto ko ng umuwe!

"Nakabusangot ka diyan pre?" tanong ni Conrad habang umiinom ng SanMig

"Gusto ko ng umuwe" sabi ko habang nilalaro sa kamay ang cellphone ko.

"Kj naman pre, magenjoy muna tayo dito" umakbay sakin si Matt.

"Oo nga naman pre" sang-ayon naman sakaniya ni Jeorge.

"Eh ano pa bang magagawa ko, nandito na ako e. Eenjoyin ko nalang"

Tumayo na ako at pumunta doon sa kwarto. Bubuksan ko palang yung pinto ng may narinig akong kumakanta.

"Sarangeul haessda urigamana jiuji mothal nunununununnnn"

WTH? Anong language iyon?

Binuksan ko ng kaunti ang pinto at nakita ko yung kaibigan ni Yeng na si Ashiedea na naghe-head bang habang tumatalon sa kama.

"Jukhaessda tunununtununtunun tururuttutt" naghead spin pa siya tapos biglang natumba at napahiga sa kama.

"Putcha saket na ng head ko,baka nabawasan na ang brain cells ko" natawa ako para kasing adik hahaha.

Pumasok nako kasi tumigil na siya sa kaniyang ritwal or exorcism na ginawa kanina.

Napabangon siya ng makita ang pagpasok ko. Nagkatinginan pa kami,nag-iwas rin siya ng tingin at humiga uli sa kama.

Umupo ako sa gilid ng kama na hinihigaan niya. Siya dun sa kaliwa ako naman dito sa kanan katabi ng bed table. Nakatalikod ako sakaniya.

Medyo awkward kaya ako na ang bumasag sa katahimikan sa pamamagitan ng pagtikhim.

Naramdaman kong nakatingin na siya sakin.

Humarap ako sa kaniya at tama nga ang hinala ko.

"Ashiedea right?" sabi ko.

"Left" sabay tawa niya.

"May sapi ka ba?" di ko na napigilan magtanong.

"Ano kamo?"

"May sapi ka ba? Sorry pero nakita kita kanina dito, kumakanta ng ewan ko kung anong language at naghe-head bang at tumatalon sa kama."

Tumango tango lang siya.

"Boring kasi kaya ginawa ko yun"

"Ahh kaya pala"

Namutawi na naman ang katahimikan.

Tumayo siya sa kama. Tumingin saakin.

"May tambayan ba dito?"

Tumitig naman ako sakaniya.

Oo meron dito alam ko!

Tumango nalang ako sakaniya.

"Tara sama ka sakin" sabi ko habang nakalahad ang kamay sakaniya. Tumayo narin ako.

Nakanguso siya sakin.

"Sige na nga"

__________

Pumunta kami doon sa bandang parang bundok bundok.

Dito ako lagi tumatambay kapag nabo-bored ako sa kwentuhan ng mga itlog na yun.

Relaxing kasi ang tanawin dito.

Kasalukuyan kaming umaakyat sa mga bato bato dito para makaakyat sa tuktok.

"Putcha naman, ang sabi ko tambayan hindi hiking" ungot niya habang hinihingal sa pag-akyat.

"Edi bumaba ka nalang ulit at bumalik doon sa bahay para patayin ka ng boredom"

"Heh! Ayaw ko"

Inalok ko sakaniya ang kamay ko para may hahawakan siya.

Oyy hindi yan tsansing hah!

"Aba may pa-alok alok ka pa ng kamay diyan! Gustong gusto mong hawakan ang kamay ko noh? Tsansing!"

Putek kakasabi ko pa lang na hindi iyon tsansing e.

"Edi bahala ka diyan. Kita nalang tayo sa taas"

"Hoy ano kaba? Joke lang eto naman! Akin na kamay mo!"

Iniabot ko sa kaniya ang kamay ko at kinapitan niya naman ito ng pagkahigpit higpit.

Nang maka-akyat na kami sa taas ay sumigaw ako na ikinagulat naman niya.

Pinalo niya ako sa braso.

"Hoy kung frustrate ka sa pag-akyat dito, wag kang sumigaw at baka magising ang mga engkanto dito at itulak tayong dalawa dito"

"Anong engkanto? Ang tanda-tanda mo na naniniwala ka parin sa engkanto? Ano ka 5 years old?"

"Hoy FYI Xander lalake! Bente lang ako! Grabe ka makasabi ng tanda, eh bente dos ka na! Ikaw ang mas matanda! At oo naniniwala ako sa engkanto! Meron nga akong nakikita e at kaharap ko pa"

"Ako? Engkanto ang gwapo ko naman?"

"Don't think highly of yourself mister" tinarayan niya ako.

Umupo na ako sa bato at ganun din siya.

"Nakakarelax naman dito sa tambayan na to" sabi niya habang nakapikit.

Tumango lang ako kahit hindi naman niya kita.

"Punta uli tayo dito bukas hah kung boring uli ang happenings"

"Sige ba"

Nagstay muna kami doon ng matagal.

Nagdecide na rin kaming bumaba ng mga bandang alas-cinco na.

--------

Dedicated to: superior_jc yourcuteservant

Btw kyah cuteservant chuchu mub un mub un na po 2018 na oh?!!

Poser Where stories live. Discover now