Poser 20: Bye

255 7 0
                                    

What's the good thing about being a poser?

I think wala namang naidudulot yun na maganda. Why not use your true identity? Why use someones picture if you yourself had a face?

Madaming tanong ang bumubulabog sa akin pero isinantabi ko nalang iyon. Kinuha ang phone at nagdesisyong ideactivate ang Xyrill Lim na account ko.

"Xander tara na!" narinig kong sigaw ni Conrad sa labas ng bahay.

"Arghh! Ba't ngayon ka pa nasirang kingina ka?! Argh badtrip" si Ashiedea habang pinipilit na ayusin ang nasirang bag.

Tumungo ako sa kaniya.

"You can put your stuffs inside my backpack, konti lang naman ang gamit ko dito" Ibinaba ko ang bag ko na nakasukbit na kanina sa likod ko.

"Ahe! No thanks keribels ko na ito, nakakahiya naman baka makita mo porn collections ko"

Nanlaki naman ang mata ko sa sinabi niya.

"HAHAAHHAHA joke lang"

"I insist, ilagay mo na dito dali bago pa tayo iwan nila Conrad"

"Sure ka? Madami to"

"Ano bang nilagay mo diyan?"

"Mga pasalubong"

"Sa tingin ko kakasya naman yan sa bag ko" Binuksan ko na ang bag at inilipat na ang mga pasalubong na kay rami na nakasupot pa sa iba't ibang kulay.

"Ang dami naman ata nitong binili mo"

"Ayyy jusko kung alam mo lang kung gaano kasugapa yung kapatid kong si Sancho, yang mga binili ko kulang pa sa bituka niya yan"

Napaka-exaggerated talaga nito magkwento.

Lumabas kaming sabay sa pinto, inilock na ng caretaker ang bahay.

Sabay sabay kaming nagpaalam, sumakay sa Van at nagsi-upo sa kaniya kaniyang upuan.

"Bye Bulacan" sigaw ni Ash habang kumakaway. Nakatalikod siya habang nakasampa ang parehong binti sa upuan.

Minsan talaga ay nagtataka ako kung normal pa ba siya o babae ba talaga siya sa mga asta niya.

___

Dire-diretso lang ang biyahe, ang unang ibinababa sa kaniyang bahay ay si Ashiedea.

Pagkababa niya ay sinalubong kaagad siya ng batang sa tingin ko ay 11 years old. Yumakap kaagad siya dito at ginulo-gulo ang buhok.

"Xander patulong naman oh, ikaw na magbaba ng mga gamit ni Ashie" si Conrad habang hawak ang telepono na nakatutok sa tenga.

"No prob" Kinuha ko sa likod ang gamit niya at bumaba.

"Oo madami akong pasalubong sayo, isaksak mo lahat yan sa bituka mo hah?" narinig kong sabi ni Ashiedea sa bata habang papalapit ako.

Ibinaba ko sa tapat niya ang bag.

"Ayy De thanks" sabay ngiti niya.

Kinalabit ako nung bata.

"My name is Sancho, you can call me pogi", Alam ko na kung saan nagmana,"by the way ikaw ba yung boyfriend ng ate ko?"

"Hindi" kandailing ako sa tanong nitong si Sancho.

"Ay grabe makailing deny na deny koya mo Xandede? Magiging jowa palang", bumaling siya sa kapatid, "Ipasok mo na yan lahat sa bahay"

Tumango naman ang bata at hinila na ang gamit sa loob.

Kanda kunot ako sa sinabi niya.

Humalukipkip si Ashiedea at umiling iling.

"Kaloka ka naman, ayaw na ayaw mo talaga sakin ah!"

Poser Where stories live. Discover now