[ 4 ]

5K 158 22
                                    

"WHO RUN THE WORLD? GIRLS, WHO RUN THE WORLD? GIRLS!, WHO RU-

Naman oh, bakit ba palagi nalang sa tunog ng cellphone ako nagigising? nagbe-beauty sleep pa naman ako.Sinagot ko ito, para matigil na ang kariring. Boss' voice only greeted me.

"You know that you're already late,right?" tanong ni boss.

"Huh? Late? For what?" takang tanong ko habang humihikab. My dream was far more interesting. Magpapakasal na kami ni Johnny Depp!

"For school,agent Chitoge, wag mong sabihin na nakalimutan mo?" seryosong usisa niya.

"Good guess, yes I did" I just replied. There's no point in lying anyways.

"I did not guess, I know" of course he knows since I worked for him for a long time. "by the way, nasa supot na ibinigay ko kahapon ang sched at rules and regulations sa university" paalala ni boss.

"K boss" sabi ko tapos in-end call ko na.

Agad akong tumalon sa kama ko at dumiretso sa banyo upang maligo.
After several minutes.....

Tinapisan ko muna ang sarili ko tapos kinuha ang supot, kinuha ko ang uniform at sapatos ko at isinuot.
Tiningnan ko ang repleksiyon ko sa salamin. Well, not bad. Maganda naman ang uniform, may long sleeve ito na color white, may mahaba rin itong neck tie na kulay powder blue, at maikling powder blue na palda. Nag- apply lang ako ng light make-up, tapos tinali ang buhok ko dahil mas komportable ako sa ganito. Sinuot ko na rin ang I.D.

Tiningnan ko ang relo ko. Holy shit! Malapit na akong ma late!
Kinuha ko ang bag ko yung ibinigay ni boss, kung saan ko inilagay lahat ng mga gadgets may mga notebooks na rin dito. Kumaripas na ako paalis.
Nang nasa parking area na ako, napagdesisyonan ko nalang na mag motorbike dahil nagmamadali ako ngayon.

Agad ko itong pinaharurot patungo sa university without even bothering to wear helmet, mabuti nga namemorize ko ang mga lugar dito, it's part of our training para hindi na kami mahirapan.

Nang makaabot na ako, agad ko itong pinark sa parking area. Bumaba na ako tsaka lumakad na patungo sa entrance ng university. Pinagtitinginan ako ng mga estudyante, malamang nagtataka kung sino ako. Linampasan ko lang sila. Ngayon lang ba sila nakakita ng diyosa?

Ng makarating na ako sa loob. Tiningnan ko ang kabuuan ng estruktura. Wow, ang ganda rin naman pala dito. Hays na miss ko talaga ang pumasok sa eskwelahan.
Hanggang grade 5 lang kasi ako sa school dahil after nun, ipinasok na ako ni Daddy sa agency upang mag-training. Kaya for the rest of the years nag-home school na lang ako.

Si Daddy ay isa sa mga pinakamagaling na agent sa agency. Kaya nung namatay siya because of heart failure, I promised him na gagalingan ko ang trabaho ko, no, its not just any work, it's my life.

Ok, stop the drama.

Kinuha ko ang sched ko. Wala akong balak na basahin ang rules and regulations, I'm a rule breaker anyway. Ah, so nasa 'Royal Section' pala ako, and that means nandun din si Mr. Cross Villaverde.

Pero ang problema, nasan ang 'Royal Section na yan?. Ugh ito ang mahirap kapag bago ka pa dito sa isang lugar eh.

Kaya in-approach ko yung guard at tinanong kung saan ang 'Royal Section'. Sabi naman niya na nasa 5th floor ito, hindi naman daw ako mahihirapan dahil yung pinakaunang pinto raw na makikita ko ay yun na daw.

Kaya naglakad nalang ako sa stairs papunta sa 5th floor. Ng makarating na ako sa third floor, huminihingal pa rin ako, akalain mo? Ang taas pala ng lalakarin ko? Bwiset rin naman oh, I should really get some exercise.

She's A Secret Agent?!✔Where stories live. Discover now