[ 7 ]

4.3K 156 1
                                    

Kinuha ko ang itim na maskara ko na nasa table. Sinuot ko ito at siniguradong mata ko lang ang nakikita. I put on my black hoodie na may dalawang swords na naka ekis sa likod na simbolo ng Black Knights. I looked at my watch and it's exactly 1'oclock in the morning. I checked my bag to make sure all of the things I need is here.

Mini cameras: check

Utot gun: check

Hairpin: check

At iba pang gadgets: check.

And lastly Oreo: check

Sinirado ko na ang bag at kinuha na ito. I slowly opened my window and peeked outside. Mabuti nalang wala ng gising ngayong oras ng gabi. Pumatong ako sa edge at hinay hinay na bumaba mula nito. Buti nalang hindi gaano kataas tong bahay nato.

Piece of cake.

I slung my back on my shoulders, contemplating the height of the wall that seperates my house from Cross'. I smirked, kayang kaya ko 'to. Agad akong tumakbo and swiftly climbed over the wall.

"Easy as me being sexy" I slyly smiled. Linibot ko ang bahay na medyo nakayuko hanggang naabot ko ang back door. Kinuha ko ang hairpin na nasa bag ko at sinimulang kalikutin ang door knob. This is the basics of being an agent. I smiled triumphantly ng bumukas ito agad. I slowly got inside. Ng makalusot na ako pinihit ko na ito pasirado. Tiningnan ko ang interior ng bahay ni asungot. Wow. Mayaman talaga pala sila. That rich ass bastard.

Agad ko ng kinuha ang mini cameras na ikakabit ko. I have 6 cameras. This will be enough.

Isa sa kitchen, inilagay ko ang mini camera sa ceiling malapit sa ilaw para makita ko lahat at hindi gaano mapansin.

Isa sa front door, inilagay ko ito sa may pinto para makita kung sino ang labas pasok sa bahay niya.

Isa sa sala, inilagay ko ito sa farthest corner sa ceiling para makita ko ng maayos ang buong sala. Napakaliit lang ng mini cameras mas maliit kaunti ng isang holen kaya mahirap itong makita.

Pinunasan ko ang pawis ko sa noo. Hay naku. I eyed every corner, wala ni isa man lang CCTV camera. Tong bakulaw talaga nato. Pano kung may magnanakaw?

I made my way upstairs. May dalawang kwarto kaya inuna ko yung pinakamalapit sakin. Pinihit ko ang doorknob at laking salamat ko ng hindi ito nakalock. Walang tao sa loob. Malamang guest room niya to. Kinabit ko nalang ang mini camera sa isang sulok.

Lumabas na ako and closed the door. Biglang tumunog ang tiyan ko. Myghad. Tiyan ko talaga di makatiis. Buti nalang may dala akong Oreo. Advance talaga ako mag-isip. I fished the pack of Oreo from my bag. I opened the pack and began to eat. Umupo muna ako dun at kumain. Di naman siguro yun lalabas.

Biglang bumukas ang pinto ng kabilang kwarto. Nanlaki ang mga mata ko at dali daling humalukipkip sa likod ng malaking chinese vase na nasa malapit sa hagdan. My breathing stopped ng makita si Cross na lumabas. He yawned at napakamot sa tiyan niya. Ang suot lang niya ay ang boxer shorts niya. What the heck. Iniwas ko nalang ang tingin sa katawan niya. Bwesit na lalaking to.

His eyes were drooping ng bumaba siya sa hagdan. Buti nalang di niya ko napansin. Dumiretso siya sa kusina at binuksan ang ref. Nakahinga ako ng maluwag. Buti nalang talaga.

Sino ba kasing abnormal na tao ang gutom sa ganitong oras ng gabi?!

Ay oo, ako rin pala. Sinilid ko nalang ang pack ng oreo sa bag ko. I slowly crept inside his room. Buti nalang hindi niya isinirado ang pinto ng kwarto niya. Agad kong kinuha ang mini camera at ikinabit sa isang sulok ng kwarto kong saan makikita ang pinto, ang kama, at ang banyo. Aalis na sana ako gamit ang bintana niya pero may nakapukaw ng pansin ko. Isa itong larawan, may isang batang lalaki at sigurado akong siya ito. May isa ring babae na may brown hair, maganda ito at tingin palang mabait na, nakuha ni Cross ang ilong at labi ng babae na ina niya siguro. Meron ding lalaki na singkit ang mata sa tabi ng babae. He may look different in the picture because he looks calm, but he has the same intimidating aura. Nanlaki ang mata ko, di ako nagkakamali. Ito si Mr. Usui Chitoge.

She's A Secret Agent?!✔Where stories live. Discover now