[ 38 ]

1.8K 61 0
                                    

~Cross

Putangina talaga.

Yang ang masasabi ko sa kanya kung tatanungin niyo ako kung paano ko idedescribe ang pangyayaring ito ngayon.

"I'll fucking kill you!" sigaw ni Raku habang pilit akong inaatake gamit ang samurai nya. Umiiwas lang ako, hindi ko pa ma-initiate ang command ko dahil mabilis sya umatake.

I slid down the table trying to avoid him. Napatingin ako kay Daniel na iniwasiwas wasiwas ang samurai nya sa mga kalaban. Umigting ang panga ko nang makita sa pintuan na may mga bagong miyembro ang patuloy na dumadating. Pano na to? They're too many.

Muntik na akong makuhaan nang mata kung wala si Daniel that blocked Raku's sword. Napahinga ako nang maluwag nang makitang wala na ang espadang patungo sa mata ko. I silently thanked him.

"Ngayon na!" sigaw niya. I immediately turned the umbrella on.

"Machine gun!" I ordered at agad itong nagtransform sa kamay ko.

"Duck!" sinigawan ko si Daniel. At dahil tanga nga siya tinignan nya lang ako.

"Asa'n?"

Kung di sya inambahan ni Misaki ay baka lasog-lasog na ang katawan niya nang mga bala nang machine na hawak ko.

I aimed it towards my enemies instantly bringing them down. I turned around in a circular motion para mapatamaan ang mga kalaban namin na pilit parin na sumusugod kahit saang direksyon. I held on the machine gun tight as it vibrated on my hand sending bullets as fast as a fly.

Isa-isa namang nagbasagkan ang nga Hapon na kalaban namin.

"Ugh fuck!" Sigaw ni Raku bago tumagos ang bala sa balikat nya at bumagsak.

Hindi naman ako nagpatinag at hindi ako tumigil hanggang wala nang taong nakatayo da kwartong ito maliban sakin. Matapos bumagsak nang isa ay naramdaman ko namang wala nang bala ang machine gun. Hingal akong bumagsak sa sahig.

"Cross, okay ka lang ba?"

I looked up and saw Misaki's eyes filled with concern. I was, for a moment, mesmerized but I snapped out of it quickly.

Tumikhim ako at tumango.

"Natawagan ko na ang agency, they're on their way" She says slowly as she helped me stand up.

"Guys! Ang daming dugo!" muntik naman akong matumba nang kumapit si Daniel sakin habang nakatingin sa mga bangkay na nasa sahig. Napapaligiran kami nang mga ito. Si Misaki naman parang wala lang sa kaniya, siguro sanay na sya sa trabaho niya na may makita g ganito. I closed my eyes tight trying to get the nausea off me.

"Bitawan mo nga ako" iwinasiwas ko ang kamay ko para mawala ang pagkakayakap ni Daniel sakin.
"Ano na gagawin natin?" Tanong niya na pilit hindi tinitignan ang mga bangkay sa paligid namin.

"Maghihintay tayo for rescue" Si Misaki ang sumagot. I heaved a breath and looked at her.

"No" Nakuha ko ang atensyon niya. "I'm done waiting, I want revenge"

Matagal niya akong tinutukan nang maigi na para bang tinitimbang ang desisyon niya. After a while, she exhaled a long breath and nodded.

"If that's what you want then I'm in"

Tinignang ko si Daniel.

"Same, ayoko maiwan dito baka maging zombie pa sila, naku masarap pa naman ako"

I nearly vomitted.

~Misaki

If this is what he wanted, then I'll give it to him then. I looked around as deja vu hit me. Palagi lang akong napapaligiran ng mga bangkay basta misyon ko. Napatingin ako kung saan ko iniwan si Ivy. I gave her a chance to live and suffer the consequences. Death is an easy way and I wouldn't give her the satisfaction. Besides, I have bigger plans. As expected, wala na siya sa pwestong yon. I shrugged. Siguro nakatakbo palabas. Mahahanap ko rin naman ang bruhang yon. Umaalingasaw kasi ang mabahong budhi non.

"We don't have time" I murmured when I heard dozens of footsteps coming our way. We'll just hold on until back up shows up and Cross getting the justice he wants.

Kinuha ko ang samurai ko na nasa sahig, its blade drenched with fresh blood. Since I have no other weapon might as well go with this one. Old style it is then. Sayang rin naman ang training kung di magagamit. Kinuha ni Cross ang machine gun as he ordered it to transform back to its original form. Para namang nakuha ni Daniel ang pangyayari at naka attack stance na siya.

"Parang barbie and the three musketeers lang ah" biglang sabi ni Daniel. Napatingin kami ni Cross sa kanya. Napatitig rin naman sya samin at namula ang pisngi bigla.

"I mean, except sa part na lalaki tayo tas hindi tayo nakasuot ng gown tas tatlo lang tayo" Bumilog ang mukha niya at napatingin sakin. He even stuttered."I mean, l-lalaki tayo except kay Misaki hehe"

Napairap nalang ako sa kanya. Medyo weirdo rin kasi paminsan-minsan tong taong to, walang pinipiling sitwasyon.

I signalled them using my hands to attack nang makitang may sumusugod na na ulit na mga Hapon pinto papunta samin as the alarms blared loud in the walls.

"Hayah!" Sigaw ni Daniel as he swished his swords towards the guy striking him with a weird mohawk hairdo. Ngayon ko lang napansin na kadalasan naka samurai lang din ang mga kalaban kumpara sa naka baril. I grabbed an approaching fist and striked the culprit in the chest. Umagos ang dugo niya sakin pero di ko alintana yun. Ginawa kong pansamantalang shield yon bago ko pinutulan ng kamay yung isa. I flipped and striked someones face using my foot. I glanced at Cross nang makitang nakashield siya gamit ang payong ko at nakitang medyo nahihirapan na siya.

I turned towards him and fought his enemies down slitting their necks.

"I sure owe you a lot Misaki" he breathed when we were side to side attacking from different angles. Napatransform na rin niya ang payong into a samurai. Which looked cool by the way and who would've thought he'd look hotter with it. Snap out of it Misaki. Now's not the right time to fantasize him.

"It's my job Cross, to protect you at all cost" I aimed at someones chest and pushed. "-cost"

Napatingin siya sakin for a moment.

"And I'm thankful for that" he smiled and I lost myself as the sounds of metal hitting each danced in the air. Wag ngayon Misaki! Mamaya na yang lovelife na yan baka ikamatay mo pa.Sinenyasan niya ako at agad akong dumapa para mapatumba niya kung sino man ang nasa likod ko.

Agad kaming lumabas at umakyat sa hagdanan nang wala na ang mga kalaban. The alarms were still blaring adding to my pounding headache. Sinundo naman kami nang mga kalaban sa hagdanan. I hold unto the railings as I flipped another member down the ground. I gripped the cold handle of my sword and plunged it unto someones stomach. Napatigagal ang hapon bago bumagsak. Pinihit ko ang nakabaon kong espada pero masyadong malalim ito kaya wala akong magawa nang muntik na akong mapuruhan nang espada sa dibdib ko. Buti nalang nakaiwas ako at kinuha ang swiss knife ko sa hidden compartment nang jeans ko at itinurok sa leeg nang lalaki. I grabbed his hands and flipped him off.

"En garde!" napatingin naman ako kay Daniel nang sumigaw siya habang inaatake ang isang Hapon. Nasa likod niya ang isang kamay niya na parang isang professional na sword fighter. I mentally rolled my eyes. He's taking the whole barbie and the musketeers concept seriously. I grunted nang nadaplisan ako sa pisngi nang sinamantala nang isang kalaban ang pansamantalang pagkawala ko sa atensyon. I glared at him and struck his chest using ny knife. Nakita kong marami pang kalaban na pumanaog sa hagdanang iyon. Fuck, how long can we hold this?

----------------------------------------------

Hey sorry it took me 4 months to update. Feeling some block right now, been dealing with things. Im sorry guys, i suddenly lost motivation but dont worry im getting it back. Its sad to think how i cant do things i thought im good at anymore.

Charot nag momoment si etech

She's A Secret Agent?!✔Where stories live. Discover now