[ 27 ]

2.4K 79 0
                                    

"Tine-Tine transform into a modernized costumized van" I commanded. Agad na nag-shift si Tine-Tine into a sleek black van at agad kaming namangha. Kahit nasa labas lang kami (dahil ang wierd kasi pag nasa loob kami pag nag transform) alam na naming maganda ang nasa loob nito, napakalaki kasi nitong van.

"I could use one of this thing" tukoy ni Cross kay Tine-Tine.

"Then good luck finding one of this in the market" sabi ko sa kanya dahil hinding-hindi ko ipamimigay si Tine-Tine.

Biglang lumakas ang ulan kaya dali-dali kaming pumasok sa loob.

"Wow" mangha naming saad nang makita ang loob ng van. The van is really modernized. It even has a 30 inches flat screen TV. Seriously, patuloy akong minamangha ni Tine-Tine. Meron ding mini kitchen and it was almost as big as the size of an apartment, or even bigger than that.

"Ay salamat! May Cr!" Sigaw ni Daniel matapos buksan ang isang pintuan. Agad siyang pumasok sa loob nito and nagkatinginan kami ni Cross.

Alam na namin kung sino ang mabahong umutot kanina.

My eyes continued to roam across the rest of the van. Meron itong malalaking upuan na parang sofa and we're actually like in a living room. Humiga ako sa mahabang sofa.

"Finally" I moaned as the soft material hit my back. It was better than the backseat.

"I found this" ibinalibag sa mukha ko ni Cross ang isang kumot.

"Thanks" sabi ko sa kanya as air was knocked out of me ng matamaan ulit ang mukha ko ng isa pang unan.

"Oops, sorry. Found that too" he says nonchalantly.

"Gague" I muttered under my breath. Inayos ko nalang ang unan sa ulo ko habang humiga siya sa isa pang mahabang upuan. Cross turned the TV on and it went into a news channel. May isang magandang babaeng reporter ang nagsasalita.

"Hindi parin tukoy kung sino ang nang hijack sa Villaverde Inc. kung saan 5 men were knocked out by a chemical and the vault to a room was deteriorated. Ang nakapagtataka lang ay wala naman silang kinuha and the CCTV footage of that day was erased."

Lumitaw ang isang lalaki na sa pagkakaalala ko ay isa sa mga bantay doon na napatumba ko.

"Napakadali po nang pangyayari maam. Bigla nalang po kaming tinutukan ng isang babae na bland and buhok na parang pareighner maam. Yung parang nasa pelikula maam ang ganda nga niya po"

Lumitaw ulit ang babaeng reperter na hawak ang isang mic.

"Sino kaya ang babaeng ito at ano ang pakay niya? Patuloy parin ang imbestigasyon sa pangyayaring ito. This is Xhai Familgan, reporting"

Nagkatinginan kami ni Cross.

"Grabe pala ang ganda ko noh?" Komento ko.

"Siguro epekto lang yun ng lason na ginamit mo" walang pabalang na sagot niya.

"Whate--

"Hey guys! Hehe" naputol ang pagsasalita ko nang biglang lumitaw ang halimaw na to.

"Success?" Sabay naming tanong ni Cross as we smirked. Namula naman agad si Daniel.

"Excuse me, kung ano man ang nasa isip niyo na ginawa ko. Mali kayo dun. I just pissed okay?" He crossed his arms. I nodded my head slowly.

"Okay" i snickered. Pfft.

"Teka, san ako matutulog?" Tingin niya sa mga upuan. Dalawa lang kasi ang nandito.

She's A Secret Agent?!✔Where stories live. Discover now