[ 21 ]

3K 106 8
                                    

~Misaki~

"What kind of make over do you want me to make, Misaki?" Tanong sakin ni Marty matapos naming kumain. Hinimas ko muna ang tiyan ko. Busog na busog ako. Grabe talaga si Marty sabi pa niya "Sorry ito lang ang kaya ko" pero pagtingin namin parang buffet lang ang labas. Nag papa-impress siguro kina Daniel at Cross. Eto talagang baklang to. Medyo nahihilo na nga ako sa pink na bahay niya. Halos pink lahat, maging furnitures niya. Tapos yung mga maid at assistant nya pink rin ang uniform. Muntik na akong masuka.

"Actually, it's more of a transformation. We need new identities" sabi ko sa kanya habang nakaupo kami sa sofa na kakaiba ang shape. Ang sosyal kasi ng baklang to. Halos lahat ng style modern.

Heto ngayon si Daniel natutulog na naman dahil sa kabusugan habang si Cross tahimik na nakikinig samin.

"It's been a while. What happened?" Nagtatakang tanong niya. Inexplain ko lahat sa kanya and how our lives are at stake. Buti naiintindihan niya kami. Medyo matagal-tagal na rin akong hindi nakapunta dito dahil nag leave nga ako. Marty's the best in this business with his touch hinding-hindi ka makikilala.

"Oh I see" napasabi nalang siya at tinignan si Cross.

"So...will you help us?" Tanong ko sa kanya.

"Of course darlling! Libre pa dahil ang gagwapo ng mga to ahihihi" napapalakpak pa siya. Tss. Jumejega tong baklang to.

"So let's start shall we?" Tumayo na siya and eyed the three of us. Malamang iniisip niya kung anong magiging bagong identity para samin. Siya na ang bahala basta hinding-hindi kami makikilala.

After an hour....

Lumabas na kaming tatlo galing sa Salon matapos nya kaming itransform sa taas. Sa taas niya kasi ginagawa ang special business niya. Kinawayan na namin siya at pahakbang na paalis. Shit, I feel so mature.

Ang bagong identity ko ay si Sarah Walker, isang businesswoman at ang dalawa ay ang bodyguard ko. Nakapusod ang mahaba kong buhok na pina-blond. Isinabit ko na ang ID ko sa bandang kanang dibdib ko maging sila rin with our new names and looks in it. Nakasuot ako ng formal na suit pambabae na sobrang higpit maging ang palda na above the knee. Nakasuot rin ako ng eyeglass. Damn. I feel so smart.

Si Daniel naman ay beach blond ang buhok habang si Cross ay Ash gray na mas lalong nag pa gwapo sa kanila. Shit. Did I just say gwapo sila? Ew.

Basta ang ganda nila tingnan. Naka crisp suit sila at nakatindig na pang bodyguard. Naka shades din sila na animoy parang mga hitman. Meron din silang earpiece and such.

"Wait bakla!" Liningon ko si Marty at sinalo ko ang binato niya. Tinignan ko ito. Keys. I remember this. Pinindot ko ang button at sa di kalayuan may magarang kotse ang mabilis na pumupunta samin.

"Tine tine!" Napasigaw nalang ako sa tuwa ng huminto ito sa harap namin. My precious car. Napatingin ako kay Marty.

"Bakla! Thank you!" Napayakap ako sa kanya. Napatawa naman si Marty. Tumikhim si Daniel kaya napatingin ako saglit sa kaniya. Nung trip niya?

"Pero bakla, How? Diba sumabog si Tine-Tine sa last na mission ko?" Di ko makapaniwalang saad sa kaniya habang minamasdan ang sasakyan ko. Mas gumara pa nga ito kung tutuusin.

"Ibibigay ko sana sayo to pag birthday mo, pero kailangan nyo ngayon to eh. Riniscue ko to tas pina upgrade na rin. Automatic na yan bes, kaya na niyan mag-iba ng color at anyo meron ding special features such as may mga armas and such" Marty explained.

"Don't worry, ikaw lang ang sinusunod nyan. Voice activated yan kaya magsalita kalang sya na ang bahala" sabi pa niya kaya mas lalo akon napahanga. "Try it. Just say 'Tine-Tine' then command mo" saad pa niya.

"Tine-tine transform into a limousine" I command. Biglang may umilaw sa harapan at unti unti itong na transform into a white and gold limousine. Shit. Napanganga kaming tatlo.

"Marty I can't thank you enough! Thank you so much! I owe you big time!" Saad ko kay Marty.

"Bes wag mo ng isipin yon. Just go now where you are supposed to be" nagbeso-beso na kami at nginitian ko siya.

"Bye! Thank you for everything" I say habang pumapasok na kami sa loob matapoa naming ilagay sa loob ang transformation kit na binigay niya sa amin.

"Salamat sa pagkain!" Pahabol naman ni Daniel habang si Cross ay tinanguan siya and muttered a thank you sabay ngiti. Si Cross na ang nagdrive. Binusihanan namin sya tsaka pinaharurut na niya si Tine Tine. Huhu ako dapat ang nagdadrive nito eh. Kaso hindi daw bagay sa identity ko kaya sitting pretty lang daw tss.

"Wait. Let's first figure out the map" Nag-park muna kami sa isang lote tsaka lumipat silang dalawa sa likod. Kinuha ni Cross ang mapa at ang mga kwentas. Nabigla kami ng Inilahad ni Cross samin ni Daniel ang kwintas ng mom at Dad niya.

"Cross--

"Please just take this. You guys are the ones I trust most now" putol sakin ni Cross saka ipinatong sa kamay ko ang emerald na necklace ng mama niya. Habang kay Daniel ang ruby. Nagkatinginan kami ni Daniel tsaka namin isinuot.

"Thank you" he muttered at ibinuklat na ang mapa. Ito'y mapa ng lugar na'to. Tinitigan namin ang mapa.

"Bakit ang raming dots?" Tanong ni Daniel habang tinuro turo niya ang mapa. Tama siya masyadong madaming dots at hindi ko malaman san kami unang pupunta.

"Cross? Bakit ang dami? Lahat ba ng dots na yan nandiyan ang treasure?" Tanong ko kay Cross.

"Ang rami naman sayang sa gas" saad ni Daniel sabay akbay sakin.

"Daniel wag kang tsansing puputulin ko yan" banta ko sa kanya. Agad na kinuha ni Daniel ang kamay nya.

"Brutal mo naman Misaki. Ang malas siguro ng mapapangasawa mo" komento pa nya.

"Tse. Shut up" i retorted. Ano bang pinagsasabi ng gunggong na to?

"Pero willing ako" rinig kong bulong niya.

"Ano? Gago ka ba?" Binatukan ko sya.
"Joke lang naman. Feeler ka masyado" sabat pa nya sakin.

"Aba't--

"Guys. Stop that" Cross scolds us. Tumigil kami at nakinig sa kaniya.

"I don't believe Dad hid the treasures seperately. He's not like that. I know him. If he hid something it'll be just in one place and he's smart. I've observed the dots" tinitigan namin ang mapa.

"Did you notice something?" Tanong pa niya.

"Iba iba ang color ng dots" komento ko habang itinuro turo ito.

"Oo nga. May blue, red, black, gray, white and black" Daniel added.

"My Dad once said that he loves all colors except gray, black, blue and white. He always says he loves red" saad ni Cross.

Tinignan ko ang red dot.

"So are you saying that the treasure is in that red dot?" Tanong ko sa kanya.

"Maybe"

"Eh ano pang ginagawa natin? Tayo na! Go! Go! Go!"

*************************************

ANG INGAY NI DANIEL AHHAHAHA

Gawan nyo naman ako ng cover oh puhleaseee

She's A Secret Agent?!✔Where stories live. Discover now