[ 9 ]

4.1K 133 4
                                    

"Sa'n ka galing?"

Napabalikwas ako sa pagtulog sa upuan ko. Tinignan ko kung sinong gunggong ang umistorbo sa akin. Kasi aba kanina pang sinusundot ang braso ko.

"Ano bang pake mo? Wag mo nga akong istorbohin" mataray kong sagot kay Cross na nakatitig sa mata ko with a blank stare. Kanina pa kasi yan ako tinatanong simula ng pumasok ako sa classroom.

"Tapos teka, Daniel said that he'll just text you" I rubbed my tired eyes and yawned.

"Yes he did" sagot niya. Agad naman akong napatingin ng masama sa kaniya.

"Eh bakit kanina kapa nagtatanong at sinusundot ang braso ko? Natutulog ako for Petes sake!" Inis kong saway sa kaniya. If looks could kill he'll be buried six feet in the ground right now. Psh. Sana nga.

"Para bwesitin ka" simple niyang sagot sabay tingin sa harap na parang ito yung pinaka accurate na sagot.

"Ugh! Bwesit ka talagang asungot ka! Ano bang problema mo? Hah? You son of a boracay beach!"

Napatayo na ako sa upuan ko dahil sa galit sabay sigaw sa kaniya.

"Uh miss Wilson? What's going on here?"

Napatingin ako sa may pinto at nakita  ang prof namin na medyo gulat ang expression sa mukha. She must've seen my outburst. What the heck. Tinignan ko rin ang paligid ko at nakitang nasa sakin ang atensyon nila. I stood straight and composed myself habang nag-iisip ng magandang palusot.

"Nothing ma'am just practicing for a play" I professionally lied as I smiled at her. Napatingin naman ang mga classmate ko na may pagtataka. Wala naman talaga kaming play. Tinignan ko nalang sila ng masama to silence them. Napalunok nalang sila at hindi nagsalita. Good.

Our prof looked at me skeptically.

"Well, okay but next time practise somewhere else" sabi nalang niya at umupo sa upuan niya sa harap. Nagsimula na siyang mag discuss habang ako ay nakatingin lang kay Cross ng masama.

"Could you stop admiring my handsomeness? It's getting a little creepy" tukso niya pa. Agad namang nag-init ang ulo ko. This guy is making me lose my sanity. I just didn't mind him and crossed my arms.

"Jerk" bulong ko nalang.

Ng matapos na ang klase ay pumunta na ako agad sa parking lot kung saan linapitan ako ni Daniel.

"Hey" bati niya sabay ngiti. Nginitian ko lang siya pabalik.

"So kumusta ang trip mo sa principal's office?" Tanong niya habang naglalakad kami.

"Okay lang naman at least I'm not suspended or anything" I shrugged.

"Mabuti naman..by the way—Uy Cross nandiyan kana pala"

Tinignan ko si Cross na nasa tabi na ni Daniel. Wala paring ekspresiyon ang mukha niya na parang walang nangyari kanina. The nerve of this man.

"Yeah" maikli lang niyang sagot kay Daniel. He looked at me briefly bago niya tignan ulit si Daniel.

"Since nandito kana I'll just get straight to the point. So guys, my older sister is having a party kasi birthday niya kaya iniimbitahan ko kayong dalawa" Daniel announced. Napatingin naman ako agad sa kaniya sa pagsambit niya ng word na 'party'. It's been a long time since I attended a party. Busy sa trabaho kaya.

"Cool. So when?" I excitedly ask.

"Tonight. I'll pick you up at exactly 7:00 o'clock"

She's A Secret Agent?!✔Where stories live. Discover now