Prologue

502K 9.9K 3.2K
                                    

Masaya si Yuka para sa kapatid niya dahil sa wakas ay ikinasal na ito sa lalaking mahal niya at ama ng mga anak niya. Hindi basta-basta ang lalaking napangasawa ng Ate niya. Si Miguel Cordova ay galing sa isa sa pinakamayamang pamilya hindi lang sa Pilipinas kung hindi sa Asya. 

Hawak niya ang isang baso ng wine sa isang kamay habang nakahalukipkip ang isang bisig niya sa ilalim ng dibdib. Hindi niya gusto ang lasa ng wine pero ito ang ginagawa ng lahat ng nakapaligid sa kanya. Ito ang dapat niyang gawin para makibagay. 

Napabuntong-hininga na lang siya habang pinanonood ang Ate Saskia at Kuya Migs niya. Suot nito ang pangalawa sa pinakamagdang dress na nakita niya sa buong buhay niya. It was a blush pink silk evening dress. Ang pinakamaganda ay ang wedding dress na kanina'y suot nito habang naglalakad sa pasilyo ng simabahan. Dapat lang, no? Dahil gawa ang mga gown na iyon ng isang sikat na international designer at hindi bababa sa tatlong milyon piso ang halaga nun. Tumanggi pa nga ng Ate niya noong una dahil nanghihinayang ito sa presyo, masyado na daw mahal para sa damit na isang beses niya lang susuotin sa buhay niya. Ayaw naman ipilit ng Kuya Migs niya iyon, kung hindi daw gusto ng Ate niya ay hahanap na lang sila ng local based fashion designer na kasing galing nito pero syempre hindi siya pumayag. Kinumbinsi niya ang Ate niya na magiging worth it ang ilang milyong pisong iyon dahil dapat siya ang pinakamagandang babae sa balat ng lupa sa araw ng kasal niya. Kinulit niya ng kinulit ang kapatid hanggang sa pumayag na rin. Hindi naman siya nagkamali dahil si Saskia ngayon ang pinakamagandang babae sa araw na iyon.

Mangyayari rin kaya sa kanya ang ganito? Balang-araw kaya makakasungkit din siya ng mayaman na lalaking ibibigay sa kanya ang lahat ng gusto niya? Alam niyang hindi na sila maghihirap ulit ngayong asawa na ng Ate niya si Migs. Mula noong ipinagbuntis ng Ate niya ang unang baby nila, pamilya na ang trato sa kanila ng lalaki. Mula sa squatter's area ay inilipat sila nito sa magandang tirahan, pinag-aral sa private sila, pinalasap ng marangyang buhay. Lalo pa ngayon na pamilya na rin nila ito. But she knew there would always be a limit to it. Hindi naman siya asawa o anak ni Migs para ibigay nito ang lahat ng gustuhin niya. 

And she wanted more. She wanted a man who'd bend to her every whim. Ang lalaking ibibigay sa kanya ang mundo kung hilingin niya ito. Katulad ng Kuya Migs niya sa Ate Saskia at sa dalawang anak nila. She wanted nothing less than a life of luxury. 

Tumunog ang phone niya mula sa bag at agad naman niyang ibinaba ang isang baso ng wine na kanina pa niya hawak pero hindi iniinom. Props lang naman niya iyon. She shuffled through her bag and took out the phone.

Emerson Cheung calling...

She rolled her eyes and pressed ignore. Emerson was a Chinese-Filipino she met at a party. Hindi kaguwapuhan ang lalaki pero may datung. Nagkakilala sila sa isang party ng kaklase niya at nalaman niya na isa itong anak ng mayamang negosyante. Hindi siya nag-aksaya ng oras at kinaibigan niya ito. Pero syempre hindi siya papayag na hanggang doon lang ang relasyon nila at humantong pa iyon sa higit pa sa pagiging magkaibigan. Dalawang buwan din silang nagdate pero nagsisimula na siyang masakal sa relasyon na ito. Kung magiging totoo siya sa sarili niya, hindi naman talaga niya mahal si Emerson. Mas mahal pa nga niya ang designer bag na ibinigay sa kanya nito.

Wala itong ginawa kung hindi mag-text at tumawag sa kanya para itanong kung nasaan na siya, saan siya galing, saan siya pupunta, ano'ng ginagawa niya. Madikit lang nga siya sa lalaki at nakita nito ay para na itong bulkan kung sumabog sa galit. Hindi niya makakalimutan ang ginawa sa kanya ng lalaki nitong nakaraang linggo. Nakita siya nitong kasama ang isa sa mga lalaking kaibigan niya habang kumakain silang dalawa sa canteen. Walang sabi-sabing hinatak siya nito papuntang parking lot at pinagsisigawan doon. He started calling her names. Malandi, gold digger, at kung anu-ano pang masasakit na salita. Inambaan pa siyang sasampalin ng lalaki pero madali siyang nakaiwas. 

The Price Of LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon