CHAPTER 2:

9.4K 218 18
                                    

                LIANA'S POV

Natapos ko na ang paghahanda ng lahat.

Alas 9 na ng gabi kaya paparating na panigurado ang mag-ina.

Nakakain na rin ako syempre hindi ko talaga inulam ang niluto kong ulam magagalit si ninang.

Narinig ko ang mga tunog ng sasakyan.

Mukhang nandyan na ang bisita ni ninang at divine.

Bumukas ang pinto kaya nagmamadaling lumabas na ako sa kusina at napasulyap pa sa mesa dahil baka managot ako kay ninang.

Nakahingang lumabas na ako at nagmamadaling pumasok sa kuwarto ko.

" You are really gorgeous Divine you have got the crown again. Napaka uto uto talaga ng mga judges na iyon sinabihan mo lang na handa kang makipag one night sa kanila pumayag agad na ipanalo ka... Haha." Rinig kung boses ng babae alam kung barkada ni divine. Nasa kuwarto ni Divine ang mga ito dahil magkatabi lang ang kuwarto namin at rinig na rinig nya ang usapan dahil tanging maliit na plywood lamang ang nasa pagitan nila maliit ang kuwarto ko dahil kuwarto talaga ni Devine ito pero ayaw nyang makipagparte kaya nilagyan nalang ng plywood. Ang sikip tuloy ng kanya pang nagbo boardinghouse ako na kuwarto lang talaga.

" Of course. I have charms that could made every man kneel on me." Si Divine iyon.

" I am really like... Omyghad.. may friend ako na rarampa sa Ms. Universe in near future." Isang boses pa ang narinig ko

" Yah.. kaya dapat lang na suportahan nyo ako dahil kung hindi mawawalan kayo ng maganda at sikat na kaibigan. Ang pangit nyo kasi kaya hindi kayo nananalo. Kung rumampa kayo parang uod. Ang talent nyo pa akalain mong parang nagkaroon ng lindol habang sumasayaw sa stage at kung kumanta parang may nakaing daga. Dont take it a feeling take it as a motivation word from the one and only me. Ayaw ko lang magkaroon ng kaibigang ikahihiya ko." ani ni Divine.

Ang sakit naman non.. parang hindi nya kaibigan kung pagsalitaan.

" Nakakahurt yung sinabi mo pero sige nalang. Halika na I'm starving what can we eat ba?" Tanong nang babae.

" Oww.. i already forgot nagluto pala yung yaya namin. Tignan natin kung anong niluto non. Palpak pa naman yun palagi." Sabi ni Divine na kinasimangot ko.

Wala na talaga akong nagawang tama para sa kanila. Parang kahit anong gawin ko wala silang pake kasi ang sa isip nila pabigat at palamunin lang ako.

Napatingin ako sa kama ko ng maramdamang umuuga na naman ito.

Hayyss.. pati kama ko nag uumpisa nang sumuko.

Gawa lang kasi ito sa kahoy at nilagyan lang ng banig para pang sapin.

Nasanay na ang likod ko sa tigas ng kahoy na aking hinihigaan.

Napadapo ang tingin ko sa gilid ko kung saan ang litrato nang buo pa kaming magkakapamilya.

Kinuha ko ito at niyakap.

Pangakong magiging matatag ako para sa alaala ng aking ina.

Ibinalik ko na ang lirato at kasabay noon ay ang pagbukas ng pintuan ng kuwarto ko.

Pumasok si Divine na galit at nasa likod nito ang ninang at kaibigan nyang nakataas ang kilay.

" Hoy babae wala ka talagang magagawang tama! Ano iyong niluto mo? Adobo, sinigang, pansit at iba pang mga pangmahirap at walang kuwentang pagkain. Sa tingin mo ba kumakain kami ng mga pagkaing yun lalo na at nandito ang mga barkada ko?!" Galit na sigaw nito.

Ano bang problema sa niluto ko?

" Pero diba hinahanda naman rin ang mga iyon tuwing may handaan? Noon nga yun ang niluluto ni nanay tuwing birthday ko." Tanong ko na kina asik nito.

" Wag mong itutulad sa pesting pangmahirap na birthday mo ang handaan ngayon ay importante alam mo ba iyon? Hindi ako mahirap para kumain ng ganun.." Naiinis na wika nito.

" Pero diba pag nagluluto ako ng ganyan kumakain naman kayo?" Pagtatanggol ko sa sarili ko.

Nakita ko namang naglikot ang mata nito.

" A-alangan namang magpagutom ako. Kaya pipilitin ko nalang ang sarili kong kumain. Atsaka wag mo nga akong baligtarin samahan mo kami ng barkada ko. Pupunta tayo somewhere na makakabili tayo ng makakain. Kailangan namin ng tagabitbit." Ani nito at lumabas na.

Sumunod ang barkada nya at si ninang.

Naku namang bibig yan, Liana!!!

***

Hayun nga. Pumunta kami sa isang restaurant. Napanganga nga ako dahil ang sasarap at mahal ng pinagbibili ni Divine na pagkain.

Ang sarap siguro non..

Ni minsan hindi pa ako nakakaon ng ganyang pagkain dahil hindi naman ako binibigyan nila ninang pag kumakain sila.

Ibinibigay pa nga nila sa kapitbahay namin kesa sa akin.. tskk..

" Hoy dalhin mo toh sa kotse para kang baliw na nakapasok sa De Vega's dine in restaurant sa itsura mo. Nakakahiya ka!" Sabi nito kaya kinuha ko nalang ang mga ito at lumabas papuntang kotse.

" Girl look oh si Samuel ba iyan. May kaaway ata ang grupo nito sa kung sinong.. teka?  Grupo ba ni Lucas yan? Ang dalawang magkasunod sa rankong grupo ay nagkabanggaan." Narinig kong sabi ng isang babae sa kaibigan nito.

Nakasandal pa kasi sya sa kotse dahil hinihintay nyang dumating ang magkabarkada.

" Oo nga noh halika puntahan natin."

Sabi ng kasama nito at pumunta sa kung san ang pwesto ng mga taong nagsisiksikan pero may mga bakanteng hindi nila pinunan nakaharap ito sa pwesto nya kaya kita nya ang dalawang lalakeng magkaharapan at may tig dadalawang lalake sa likod ng bawat isa.

Kahit malayo ako ay ramdam ko ang nakakatakot na aura basi sa ekspresiyon ng mga mukha ng mga ito.

Gwapo ang mga ito pero tipikal bad guy.. walang magawang matino sa buhay na mga kabataan.

" Si Samuel ba yun ang gwapo nya talaga!!" Natigil ako sa pag-iisip ng marinig ko ng tili ng isang babae na barkada ni Divine .

" Omg.. ang sarap nya tignan. Isama mo pa ai Lucas na hot rin.." Sabi ng isa pa.

Hindi ko sila kilala dahil ngayon palang naman sila nakarating sa bahay.

" I have a plan. ..Hmnnn... Iinvite kaya natin sya sa bahay. Right Liana?" Sabi ni Divine kaya napalingon ako sa pwesto nila. May kakaibang ngiti sa labi nito.

" Ha? Ako ba?" Parang tanga kong tanong.

" Invite that hot guy in blue. He is one of us. Kabarkada rin namin sya. So go ask him.." sabi nito kaya napalunok ako.

" Kaibigan mo rin siya? Sigurado ka ba?" Paninigurado ko.

Napairap ito.

" Of course i am.  Go." Sabi nito.

Tumango nalang ako at huminga bago lumapit sa kumpulan ng mga tao.

             3RD PERSON'S POV

" Omyghad girl ipapahamak mo yang yaya mo? Alam mo namang hindi gusto ni Samuel na someone interrupt especially on fights." Sabi ng babae.

" Duh.. alam ko no. Hindi ko naman yaya yan. Yan yung inaanak ng tatay ko na namatay dahil sa magulang nya. Pabayaan mo na yan. Wala akong pake, kung mamatay man siya edi mabuti. Wala ng pahirap samin." Ani naman ni Divine na nakangiti na parang may balak.

(OWNED SERIES # 2) HIS STRONG OBSESSIVE LOVE LUST (COMPLETED) Where stories live. Discover now