CHAPTER 7

8.7K 203 3
                                    

LIANA'S POV


" Ok. Goodbye class." Ani ng guro naman sa panghuling period sa araw na ito at lumabas na. Sa katunayan may panghuling guro pa dapat ang papasok pero may emergency daw kaya nagpasabi nalang siya sa isang estidyante na hindi siya makakapasok.

Napa inat naman ang lahat at tumayo na para makaalis.

Lumapit si Joan sa pwesto ko.

" Ano na? May isang oras pa  uuwi ka na ba? Paniguradong tayo palang ang naglabasan. Maraming research agad ang pinapagawa sa atin ngayon, buti naring hindi pumasok si Ms. Donegal para may oras pa tayong pumunta sa computer room at gumawa ng research. Ewan ko ba kasi at nag education course ako." Ani ni Joan.

Tumayo na ako at tumango nalang.

" Halika na nga nagpapastress lang iyan sa iyo. Bagkos ay umalis na tayo para matapos agad ang proyektong to." Ani ko at nauna ng lumabas.

Wala rin naman si Fred dahil kanina pa nakaalis, nauna na sa computer room. Mailap na siya kanina pa ang sabi naman ni Joan normal lang talaga kay Fred  na minsan may kakaiba sa kanya.

Pagkadating namin sa computer room ay ginawa agad namin ang kinakailangan. Nahihirapan pa akong gawin ang mga proseso dahil wala naman talaga akong alam sa mga ganito ni wala nga akong cellphone eh. Buti nalang nandyan si Joan para tumulong.


Natapos na lahat lahat at napa inat ako dahil nangangalay na yong katawan ko.

" Haaaayyysss salamat at natapos na rin. Mabuti pa umalis na tayo mahigit 1 kalahating oras na tayong nandito."

Nanlaki ang matang napapatingin ako kay Joan at sa wall clock.

At hindi nga siya nagsisinungaling. Naku baka malate na ako sa part time job ko.

Dali dali akong tumayo at sinuot ang bag ko.

" Una na ako Joan kailangan ko nang magmadali at baka malate na ako. Bye." Nagmamadling ani ko at tumakbo palabas.

" Teka Liana!!"

Di ko na pinakinggan pa si Joan dahil nagmamadali na talaga ako.

Habang tumatakbo ako sa hallway kita ang naglilisawang mga estudyante na napapatingin sa akin.

Mukha siguro akong baliw na may ninakawan at tinatakbuhan.

" Liana!"

Napapatingin ako sa likod ko ng marinig ko ang pagtawag ni Fred sa akin.

Akala ko naka uwi na siya?

Pero nagulat ako ng may mabangga ako.

" Sor---" napatigil ako sa pagpapasensiya ng makita kong sino ang nabangga ko.

Nakita ko namna ang pagtitingin ng mga estudyante sa amin.

Ang iba nagtataka kung bakit ko kasama ang lalakeng to...

Para sa inpormasyon hindi kami magkasama nagkabanggaan lang!!

Nakahawak pa ito sa likod ko at nakatingin sa akin ng masama. Nasa likod niya ang mga kaibigan niya.

" Why are you running? Hinanap kita alam mo ba iyon?" Galit na sabi ni samuel at humigpit ang hawak nito sa likod ko palapit sa kanya.

" Galit ka ba?" Parang tangang sabi ko.

" Hindi ako galit naiinis lang ako!" Nanggigigil na ani nito.

" Gakit ka eh. Bakit mo ba ako hinahanap?" Tanong ko nalang.

(OWNED SERIES # 2) HIS STRONG OBSESSIVE LOVE LUST (COMPLETED) Where stories live. Discover now